Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Pagapapakilala sa mga sekta na iniu-ugnay sa Islam. Ang pangalawang bahagi ay tinatalakay ang ilan sa kanilang mga palatandaan at nagbibigay ng isang maikling pangkalahatang ideya ng ilan sa mga laganap sa Kanluran.
Ni C. Mofty (© 2012 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 108 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,781 (pang-araw-araw na average: 3)
Layunin ng Leksyon
·Upang maunawaan ang ilan sa mga tanda na taglay ng mga sekta.
·Upang malaman ang ilan sa mga laganap na sekta sa kanluran.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Hadith - (pangmaramihan - Ahadith) ay isang impormasyon o kuwento. Sa Islam ito ay naitalang pahayag na mga salita, kilos (gawa) ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Hajj - Ang isang paglalakbay sa banal na lugar sa Mecca kung saan ang pilgrimo ay nagsasagawa ng isang hanay ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, na ang bawat Muslim na nasa wastong edad ay kailangang isagawa ito ng isang beses sa kanyang buhay kung kaya niya itong tustusan at may kakayanang pisikal.
·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinasalin sa mga Kasamahan. Ang isang sahabi, bilang ang salita ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay maraming pakahulugan depende sa uri ng pag-aaral gayunpaman ang pangkalahatan nitong kahulugan na tanggap ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa o sinang-ayunan ng Propeta.
Tanda ng mga Ligaw na Sekta
Bagaman walang madaling paraan upang sabihin kung sino ang kabilang sa kung anong sekta, ang mga sumusunod ay ilang mga patnubay na kinakailangan ng pag-iingat:
1.Ang hindi pagbibigay halaga sa mga katibayan at ebidensya batay sa Quran at Sunnah.
2.Nagsasalita ng masama laban sa mga sahabah (kasamahan) ng Propeta.
3.Pagsunod sa kanilang mga pangsariling pagnanasa at paglalagay ng mga ito bago ang Quran at Sunnah.
4.Hindi nagbigay ng pansin sa Islamikong Monoteismo at napopoot sa mga gumagawa nito.
5.Paggawa ng mga ng dibisyon sa pagitan ng mga Muslim.
6.Tinatanggihan ang mga aral (Sunnah) ng Propeta Muhammad, at nag-aangkin na ang Quran ay sapat na.
7.Ang paglalagay sa ibang tao (kadalasan ang pinuno ng sekta) sa parehong antas ng Propeta Muhammad sa mga tuntunin ng pag-ibig, paggalang, at pagsunod.
8.Namumuhi sa mga iskolar ng Islam.
Mga Halimbawa ng mga Sektang may Impluwensya ng Kanluran
Tulad ng nabanggit kanina, hindi lahat ng mga sekta ay pantay. Kahit na sa loob ng isang sekta, may mga maliliit na sekta na iba-iba sa kanilang mga aral. Dapat nating tandaan, sa ibaba ay isang maikling pagtalakay sa ilang sa mga sekta:
1.Ahmadis[1]
Ang Ahmadis o Qadiyanis ay isang misyonerong - nakabase sa pinagmulan nito sa India, itinatag ni Mirza Ghulam Ahmad (1839-1908). Ang Qadiyanis ay kasalukuyang may presensya sa maraming bansa, kabilang ang karamihan sa mga bansa sa Kanluran. Ang kanilang malawak na bilang sa buong mundo ay tinatayang tumaas na 10 milyon. Kahit na ang kanilang punong-himpilan ay nasa Pakistan, mayroon silang isang malakas na presensya sa London, UK.
2.Ismailis
Kilala rin bilang "Sevener Shi'ites." Ang mga Ismailis ay tinanggihan ang Quran at lahat ng mga anyo ng mga panalangin na matatagpuan sa pangunahing tradisyon ng Sunni Islam. Nagbibigay ito sa kanila ng kalayaan sa mga obligasyon tulad ng panalangin, pag-aayuno, at hajj. Ang karamihan ay matatagpuan sa Pakistan, North-west India at ang lalawigan ng Sin-Kiang sa Tsina. Ang Khojas, isang maliit na-sekta, ay higit sa lahat ay matatagpuan sa Gujarat, India. Mayroon ding mga grupo ng Khoja sa Silangan at Timog ng Africa. Natagpuan din sila sa mga bansa sa Kanluran. Ang karamihan sa mga negosyo ng Ismaili ay naglalagay sila ng larawan ni Prince Karim Agha Khan, kanilang pinuno, sa isang kilalang lugar sa kanilang mga tindahan.
3.Bahais[2]
Ang Bahais ay sumusunod sa katuruan ng Bahaullah ('kaluwalhatian ng Diyos') (1817-1892). Nakakakuha sila ng mga tagasunod sa pagsasalita ng pagkakaisa ng sangkatauhan at ang ganap na pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan. Ang mga Bahais ay nakikita ang kanilang mga sarili na gumagawa patungo sa pagtatatag ng isang pandaigdigang gobyerno na magtatanggal ng labis na kayamanan at kahirapan. Ang mga kasulatan ng Bahaullah ay itinuturing na sagrado. Tinataya na mayroong 3 hanggang 4 milyong Bahais sa mundo ngayon, kumalat sa karamihan ng mga bansa sa mundo na may pinakamalaking konsentrasyon sa India. Sa Iran ang Bahais ay nananatiling pinakamalaking grupo ng minorya na may mga 300,000 tagasunod. Ang pang-internasyonal na sentro ng Bahá'í ay nasa Israel.
4.Shias[3]
Isinusulat din ng "Shi'ites." Ang "Twelver Shias" ay naniniwala na, pagkatapos ng pagkamatay ng Propeta, ang Imamate (ang pampulitika at relihiyosong pamumuno ng komunidad ng Muslim) ay dapat na mapunta kay 'Ali - ang pinsan at asawa ng anak ng Propeta - at ang kanyang mga inapo ay mayroon ng banal na karapatan.
Hindi tulad ng mga Sunni, na nagsasagawa ng mga limang beses na pagdarasal sa isang araw, ang mga Shiite ay nagdarasal nang tatlong ulit sa isang araw. Ang populasyon ng Twelver Shias noong 1980 ay nasa tinatayang 73,000,000. Ang mga ito ay nangingibabaw sa Iran, ngunit matatagpuan din sa Pakistan, India, Iraq, Lebanon, Kuwait, Saudi Arabia, Bahrain, at Syria. Mayroon ding mga maliit na komunidad ng Shia sa kanluran, isa sa pinakamalaki ang sa Dearborn, Michigan.
5.Nation of Islam[4]
Ang Nation of Islam ay itinatag ni Wallace Muhammad sa Detroit noong 1930. Ang grupo ay naniniwala na ang isang tao na tinatawag na Fard Muhammad ay "Diyos sa lupa." Kinikilala nila si Elijah Muhammad bilang "Mensahero ng Katotohanan." Si Warith Deen Mohammed, ang anak ni Elijah Muhammad, ang nagdala sa grupo na mas mapalapit sa aral ng pangunahing Sunni Islam. Ang ilan sa mga hindi nasisiyahang miyembro ay pinamunuan ni Louis Farrakhan, na binuhay ang dating grupo noong 1978 na may parehong mga aral ni Elijah. Pinahihintulutan lamang nila ang mga lahing itim na maniwala o maging kaanib, at naniniwala na sila ang orihinal na lahi sa mundo. Sila ay lalong tanyag sa loob ng bilangguan sa US.
6.Submitters - Mga Nagpasakop
Itinatag ni Dr. Rashad Khalifa, isang Egyptian computer scientist. Kinilala ng mga Submitters si Rashad Khalifa bilang Sugo ng Diyos. Tinanggihan nila ang dalawang talata ng Quran, ipinangaral ang "himala ng 19," at tinanggihan ang hadith at Sunnah ng Propeta Muhammad. Ang mga ito ay nakabase sa Tucson, Arizona, US, at tanyag sa Internet. Ang mga ito ay itinuturing na ganap na labas na sa Islam, dahil sa kanilang mga maling paniniwala.
7.Sufis[5]
Ang pinaka-kontrobersyal at nakalilitong "sekta" ay ang Sufis. Sa Kanluran lamang, ay mayroong higit sa 1000 Sufi na sekta. Ang mga ito ay magkakaibang grupo. Ang ilang mga Sunni Muslim ay nagpapatupad ng ilang mga ideyang Sufi, habang ang iba pang mga sufi ay may mga malapit na ugnayan sa mga sinaunang Mahiwagang pagkakasunod-sunod (mystical order). Gayunman, ang iba ay nakagawa ng kanilang sariling mga turo at inangkop ito sa madla sa Kanluran. Ang iba pa ay gumagamit lamang ng terminong "sufi" ngunit ipinapahayag na wala silang kaugnayan sa Islam o anumang relihiyon kahit ano pa man.
Sa pangkalahatan, hindi nila naiintindihan ang Islamikong espirituwalidad at gumawa ng mga pagkakamali sa maraming pangunahing konsepto ng Islam tulad ng tamang tiwala sa Diyos, pag-ibig sa Propeta, at pagtaas sa kalagayan ng mga relihiyoso, mga namatay na Muslim. Sa mga tuntunin ng pagsamba, ang ilan ay magtataglay ng "Islamic chanting circles" ("zikr" na grupo), relihiyosong pagsasayaw tulad ng whirling dervishes ng Turkey, at pagdiriwang ng kaarawan ni Propeta Muhammad.
Talababa:
[1]Para sa karagdagang kaalaman, pwede mong tingnan ang link na ito: http://www.islamreligion.com/articles/1736/
[2]Para sa karagdagang kaalaman, pwede mong tingnan ang link na ito: http://www.islamreligion.com/articles/309/
[3] Para sa karagdaganag kaalaman, pwede mong tingnan ang link na ito: http://www.islamreligion.com/articles/490/
[4] Para sa karagadagang kaalaman, pwede mong tingnan ang link na ito: http://www.islamreligion.com/articles/656/
[5] Para sa karagdagang kaalaman, pwede mong tingnan ang link na ito: http://www.islamreligion.com/articles/1388/
Nakaraang Aralin: Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
Susunod na Aralin: Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)