Naglo-load...

Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan

Marka:

Deskripsyon: Isang panimula sa mga palatandaan ng Araw ng Paghuhukom mula sa malalaki at maliliit na tanda nito, at isang pinaikling listahan ng mga maliliit na mga palatandaan nito.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 101 - Nag-email: 0 - Nakakita: 11,288 (pang-araw-araw na average: 5)


Mga Layunin

·Upang maunawaan ang mga palatandaan ng Araw ng Paghuhukom at ang pagbabalik tanaw sa mga palatandaan habang nagmumuni-muni sa malawak na kaalaman ni Allah sa Kanyang paglikha..

Mga Terminolohiyang Arabik

·Al-Qadr - banal na kapasayahan (tadhana).

·Masjid - ang arabik na tawag sa moske (masjid).

·Sadaqah - ang boluntaryong kawang-gawa.

·Sunnah- Ang salitang Sunnah ay maraming kahulugan depende sa larangan ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinanggap ay, anumang naiulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o kanyang inaprobahan.

·Surah - kabanata ng Quran.

·Yom al-Qiyyamah –Ang literal na ibig sabihin ay ang Araw ng Muling Pagkabuhay, at ito'y kilala din sa Araw ng Paghhuhukom. at ang Islam ay nagtuturo na sa araw na ito, ang lahat ng may buhay ay muling bubuhayin at sila'y ipatatawag at haharap sa Panginoon (Ang Allah) upang hatulan.

·Zakah – Ang obligadong kawang-gawa.

Signs of the Day of Judgment1.jpgAng Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom (na kilala rin bilang Araw ng Pagkabuhay at Huling Araw at sa Arabik na Yom al-Qiyyamah) ay isa sa anim na haligi ng pananampalatayang Islamiko. Nangangahulugan na ito ay isang konsepto na kinakailangan ng isang Muslim na paniwalaan at maintindihan. Tunay na ang mga Muslim ay naniniwala na magkakaroon ng araw kung kailan ang sanlibutan ay wawasakin at gigibain at ang mga patay ay bubuhaying muli upang humarap sa Allah, ang Allah (ang Makapangyarihan ) ay hahatulan niya sila base at ayon sa kanilang mga ginawa. Ang tunay na dapat na maging layunin ay maging katanggap-tanggap sa walang hangang buhay (ang paraiso).

At yaong mga naniniwala at gumagawa ng matuwid (mabuti), sila yaong maninirahan sa Paraiso, at silay mananatili roon ng walang hangan. (Quran 2:82)

Marami sa mga tao ang naghihintay at inaasahan ang napakahalagang Araw na ito na may pinaghalong takot at pag-asa. Ang iba ay naniniwala na ito ay malayong mangyari kaya naman wala lang sa kanila ito at ang iba naman ay naghahanap ng mga palatandaan ng pagdating ng Araw na ito. Ang Banal na Qur'an Surah 21 ay ipinagbigay alam na marami ang hindi ito inaalala at wala silang pakialam hangat sa ito'y magsimula na, “Ang (Oras ng) pagtutuos ay papalapit na para sa sangkatuhan habang sila ay nagsisilayo at nagpapabaya.” (Quran 21:1)

Napakarami ng mga aklat at mga artikulo ang naisulat at mga video na nagawa patungkol sa mga palatandaan ng Araw ng Paghuhukom ngunit ito'y sa punto kung saan walang kasiguraduhan kung saan ba ang paniniwalaan at kung saan ba ang hindi. Ang layunin ng mga ito at ang mga sumusunod na aralin ay upang talakayin ang mga palatandaan ng Araw ng Paghuhukom sa isang impormal at madaling maunawaan na paraan. Dalawang mahalagang punto na dapat tandaan kapag nagbabasa o nagsisiyasat tungkol sa Araw ng Paghuhukom ito ay ang mga sumusunod. Una, ang kaalaman sa mga palatandaan, ang mga pagsubok at mga kapighatian na kaugnay sa Araw ng Paghuhukom ay dapat na nagmula sa Quran at tunay na Sunnah ng Propeta Muhammad. At pangalawa, walang may alam kung kailan ang paggunaw ng mundo[1] kailan mangyayari. “Katotohanan (taging) ang Allah lamang ang nakakaalam sa natakdang Oras…” (Quran 31:34) Taging ang mga palatandaan lamang ang kayang makita ng mga tao.

Ang Propeta (SAW) ay nagsabi, “Darating ang Araw ng Paghuhukom na kung saan ang mga pinuno ang siyang mapang-api, kapag ang tao ay maniniwala sa mga bituin at kanilang tatangihan ang al-Qadr (Ang Banal na Pasya o Tadhana)[2], kapag ang tiwala'y ginawang pinag-kakakitaan, kapag ang mga tao'y nagbibigay Sadaqah (kawanggawa) ng may pag-aatubili, kapag ang pangangalunya ay naging laganap - sa puntong ito kayo ay malilipol.“

Ang mga Maliliit na Palatandaan

Ang mga maliliit na palatandaan ng Araw ng Paghuhukom ay ang mga palatandaan na maaaring mangyari ng matagal bago ang aktuwal na Araw. Ang mga ito ay nangyayari sa araw-araw na pangyayari sa mundong ito, at sila ang marami at kadalasang nangyayari ng hindi napapansin, kahit na paulit-ulit na nagaganap. Nagpahayag ang ilang sa mga komentarista na may mahigit isang daan na Maliliit na mga palatandaan ang Araw ng Paghuhukom . Ang pag-alaala sa mga maliliit na palatandaan ng Araw ng Paghuhukom ay dapat magsilbi upang ipaalala sa mga mananampalataya na ang Allah ang siyang may kaalaman sa lahat ng nangyayari o mangyayari sa hinaharap. Ang kaalaman ng Allah ay malawak at higit na mataas at alam Niya ang lahat ng ating ginagawa, nakikita o iniisip. Itatala natin ang mangilan-ngilan sa mga mas kilalang maliliit na palatandaan at hihilingin namin sa iyo na ito'y isaalang-alang kung ang mga palatandaang ito ay nangyayari sa paligid mo o nangyari sa nakaraan.

·Ang panahon ay bibilis sa paglipas nito, ang paggawa ng mabuti ay kokonti (iilan na lamang ang gagawa nito), ang paggawa ng kasalan ay mangingibabaw (sa mga puso ng mga tao), ang mga paghihirap ay lilitaw at magkakaroon ng maraming 'Al-Harj. "Sinabi nila," O Apostol ng Allahl! Ano ang "Al-Harj?" Sinabi niya, "Pagpatay! Pagpatay! "

·Ang karaniwang mukha ng pag-gawa ng masama, ay nagdudulot ng masamang gawain, ang pagputol ng mga ugnayan at ang pagtitiwala sa mga mandaraya.

·Ang pagkawala ng kaalaman at ang pangingibabaw ng kamangmangan.

·Ang kayamanan ay magiging masagana't darami; kaya naman mag-aalala ang tao na baka wala ng tatanggap sa kanyang zakah, na kanyang pagbibigyan nito, na ang taong iyon (ang bibigyan ng Zakah) ay magsasabi, ‘Hindi ako nangangailangan nito.’

·Ang mga tao'y mag-uunahan sa pag-gawa ng matataas na mga gusali.

·Na ang tao'y daraan sa libingan , at magsasabi ; "sana'y ako nalang ang nasa lugar niya’.

·Ang pagsasagupaan ng mga Muslim at ito'y magbubunga ng malaking patayan sa pagitan ng bawat isa at mag-aangkin ng pareho.

·Ang mga tao ay magtatatag ng mga relasyon sa mga estranghero (dahuyan sa kanila) at hindi magandang relasyon sa kanilang mga malapit at mahal sa buhay.

·Ang pagdami ng mga paglindol.

·Ang mga kapakipakinabang ay ibabahagi lamang sa mga mayayaman, at wala para sa mahihirap.

·At ang tiwala ay gagawing pagkakakitaan.

·Ang pagbibigay ng Zakah ay magiging pabigat.

·Ang pagsunod ng mga kalalakihan sa kanilang mga asawa at pagsuway sa kanilang mga magulang; at tatratuhin ang mga kaibigan ng mabuti samantalang lalayuan ang kanyang mga magulang.

·Ang mga boses ay mag-sisitaasan sa mga Masjid.

·Ang pinuno ang siyang pinaka suwail sa mga tao.

·Ang mga tao ay magbibigay respeto sa isang tao dahilan sa takot nila sa kanya na baka may gawin siyang masama.

·Ang malawakang paggamit ng alkohol at mga nakakalasing.

·Ang mga babaeng mang-aawit at mga instrumentong pang-musika ay magiging popular.[3]

Kapag tinitingnan natin ang kalagayan ng mundo ngayon madali nating mai-uugnay ang mga menor na palatandaan sa kasalukuyan at nakalipas na estado ng mga pangyayari sa daigdig. Ang paggamit ng alak at pangangalunya ay madaling maisip at hindi nangangailangan ng paliwanag o labis na pag-iisip. Ang ilang mga palatandaan gayunpaman ay pupukaw sa kuryusidad at pagmumuni-muni tulad ng kumpetisyon upang magtayo ng matataas na mga gusali. Hinihikayat kang magsaliksik nang higit pa upang mapalawak ang listahan at maunawaan ang mga palatandaan nang lubusan.

Sa susunod na aralin ay titingnan natin ang mga pangunahing Malalaking tanda ng Araw ng Paghuhukom. Ang mga ito ay mga palatandaan na magaganap kapag ang Araw na iyon ay halos nasa sa atin na at para bang ang lahat ay hindi pangkaraniwan at kamangha-mangha ang pagmumulan .



Talababa:

[1] Ang Oras ay tumutukoy sa eksaktong oras na ang trumpeta ay hihipan at sa gayon ay doon na magsisimula ang Huling Araw.

[2] Upang matuto nang higit pa tungkol sa paniniwala sa Takdang Pasya o Tadhana, pakitingnan lamang:
(http://www.newmuslims.com/lessons/30/ )

[3] Ang listahan ng mga maliliit na palatandaan ay nagmula sa mga hadith na nasa Bukhari, Muslim, at Tirmidhi, Imam ahmad at At-Tabari. Sila ay walang partikular na pagkakasunud-sunod.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6