Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
Deskripsyon: Isang pagtalakay sa kahulugan ng Ikhlas at ang kahalagahan nito sa buhay ng isang Muslim.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 91 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,993 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin:
• Upang magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa konsepto ng Ikhlas at maghandog ng payo sa kung paano ito maisasagawa o maipapatupad sa ating buhay.
Mga Terminolohiyang Arabik
• Ihsan- perpekto o kagalingan. Sa Islamikong pagpapaliwanag, ang konsepto ng Ikhlas ay upang sambahin ang Allah na para bang nasisilayan mo Siya. At habang hindi nakikita ng tao ang Allah, nababatid niya na ang Allah ang siyang nakakakita ng lahat.
• Ikhlas- katapatan, kadalisayan o paghihiwalay. Sa Islamikong pagpapaliwanag, isinasaad dito ang paglilinis ng mga layunin at intensyon sa paghahangad sa kagalakan ng Allah. Ito din ang pangalan sa ika-112 na kabanata ng Banal na Quran.
• Riyaa- ito ay hango sa salitang ra’aa na ang ibig sabihin ay upang makita, mamasdan, masulyapan. Kaya naman, ang kahulugan ng salitang riyaa ay ang pagsasakatuparan ng mga kilos na naaayon sa kagustuhan ng Allah.
• Sharia- Islamikong batas
• Shirk- ang salitang nagpapahiwatig sa pagtatambal o pagtutulad kay Allah o pagpapahiwatig ng banal na katangian sa ibang diyos maliban kay Allah o paniniwala na nagmumula ang kapangyarihan, pinsala at pagpapala mula sa iba liban kay Allah.
• Sunnah- ang salitang Sunnah ay mayroong ilang kahulugan depende sa larangan ng pag aaral gayunpaman ang karaniwang kahulugan nito ay anumang sinabi, ginawa o pinahintulutan ni Propeta Muhammad.
• Surah- kabanata sa Banal na Quran.
• Zakah- obligadong pagkakawanggawa.
Mula sa lenguaheng Arabe na isinalin sa Ingles, and salitang Ikhlas ay nangangahulugan ng katapatan, kadalisayan o paghihiwalay. Ang salitang Ikhlas ay hango sa salitang Arabe na akh-la-sa na ang ibig sabihin ay ang gawa na walang halong riyaa o pagpapakitang tao na walang ibang iniisip kundi ang Allah lamang. Habang ating isinasaalang-alang ito sa ating kaisipan, sa Islamikong pagpapakahulugan madalas bigyang kahulugan ang salitang ikhlas bilang isang gawa na may dalisay na hangarin o intensyon upang ang maging pangunahing layunin ng bawat kilos ay magawa nang may paghahangad ng kagalakan ng Allah. Kapag ating pagsasamahin ang mga kahulugan ng sinsiredad sa Ingles na diksyunaryo- pagiging malaya sa pagkukunwari, panlilinlang o pagbabalatkayo- mula rito, ating masisimulang maintindihan kung ano nga ba ang Ikhlas.
Ang Ikhlas ay paglilinis sa gawa ng isang tao mula sa maduduming gawain dahil sa shirk nang sa gayon ating masamba ang Allah sa tamang pamamaraan. Upang malinang at mapanatili ng isang tao ang ikhlas, nararapat lamang na iwasan niya ang mga bagay na magdudulot ng pagkalinlang sa pagsamba kay Allah bilang nag-iisang Panginoon. Ang kabanata bilang 112 ay tinatawag na Al-Ikhlas at malinaw na ipinapaliwanag dito ang kaisahan ng Allah. Marami pang mas detalyadong kaalaman ang ating makukuha dito, http://www.newmuslims.com/lessons/253/
“Sabihin (mo O Muhammad), “Siya ang Allah, ang Nag-iisa. Ang Walang Hanggan ( ang may Sariling Kasapatan; ang kailangan ng lahat ng nilikha sa mga panahon ng pangangailangan; hindi kumakain at di umiinom). Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak; at walang makakapantay o maihahalintulad sa Kanya.” (Quran 112)
Ang Ikhlas ay pagiging tapat kay Allah, at pagsamba sa Kanya nang may ihsan o ganap na pagsamba. Ang ikhlas ay nahahalintulad sa ihsan. Kapag ang isang tao ay patuloy na nababatid na ang Allah ang maalam ng lahat, mas higit nyang naaalala ang kahalagahan ng ikhlas. Kung ang isang tao ay gumawa ng isang bagay na may katapatan sa Allah, hindi na siya maghahangad na makatanggap ng papuri at gantimpala mula sa ibang tao kundi mula sa Allah lamang. Hindi mahalaga kung sino ang nakakakita o hindi nakakakita sa iyo. Minsan ang isang gawain ay ginagawa para kay Allah ngunit ang intensyon ay upang makapagyabang at magpakitang tao; ito ay riyaa o pagpapanggap at maari nitong mapawalang bisa ang gantimpala na hinahangad ng isang mananampalataya. Mas madaming impormasyon tungkol sa riyaa ang ating makukuha sa http://www.newmuslims.com/lessons/96/ at matatalakay pa sa ikalawang bahagi.
“At kahit na iyong ikubli o ilantad kung ano ang nasa puso mo, ang Allah ang higit na Maalam…” (Quran 3:29)
“…Kung ikaw ay magtatambal (ng iba pang diyus-diyosan kay Allah), katotohanang walang magiging saysay ang iyong mga gawa (sa buhay na ito), at walang pag aalinlangan na ikaw ay kasama sa mga talunan (mapapariwara)." (Quran 39:65)
Upang ang mga gawain ng isang mananampalataya ay tanggapin ng Allah, nararapat na gawin ang mga ito ng may ikhlas , nararapat din na mas pangunuhan niya ng nararapat na intensyon at dapat na isagawa ito nang naaayon sa shariah o batas sa Islam.
“At sila ay hindi nautusan maliban sa sumamba kay Allah, na maging tapat sa Kanya sa relihiyon, at isagawa ang dasal at bayaran ang katungkulang kawanggawa. At iyan ang tuwid na relihiyon.” (Quran 98:5)
Binigyang-diin ng Propeta Muhammad na, “ Ang Allah ay dalisay at Kanyang tinatanggap lamang ang mga bagay na busilak.”[1] sa gayon ang Sunnah ay nagbigay ng katanyagan sa katotohanan na ang Allah ay tumatanggap lamang ng dalisay na bagay at para lamang sa kagalakan ng Allah. Halimbawa, si Khalid ibn al-Walid, nang napalitan sa kanyang pwesto bilang kumander ng kanilang hukbo ni Caliph Umar, imbes na sya ay magalit at tumangging lumaban, kanya itong tinanggap at higit pang nakipaglaban. Nang sya ay tinanong, kanyang sinabi, “ Ako ay nakipaglaban para kay Allah at hindi para kay Umar.”
Sabihin, “Sa katunayan, ang aking dasal, aking mga handog na pagsasakripisyo at ang aking pagkamatay ay para kay Allah lamang, Ang Panginoon ng buong mundo. “ (Quran 6:162)
Ang pagtanggap ni Allah sa mga gawain ng tao ay nakadepende sa kadalisayan at katapatan neto; dahil ito ay nararapat na may ikhlas nang makamtan ng tao ang pinakamataas na antas sa paningin ng Allah. Katotohanan na ang tamang intensyon at ang busilak na puso ay gagantimpalaan sa mga gawain na hindi pa nito nagagawa. Ang Propeta Muhammad ay nagsabing, “Katotohanan; naitala na ng Allah ang mabubuti at masasamang gawain. ”At kanyang ipinahayag sa mga nakapaligid sa kanya, “Sinuman ang magtangkang gumawa ng kabutihan ngunit hindi ito nagawa, itatala pa din ng Allah ito bilang isang ganap na mabuting gawain…”[2]
Ang pang araw-araw nating buhay ay nagdudulot sa antas ng ating ikhlas na lumawig o manghina; tumaas o bumaba. Napakaraming paraan upang matamo o madagdagan ang ating ikhlas. Kasama rito;
• Paggawa ng matuwid na gawain. Mas maraming mabubuting gawa, mas mapapadali ang mga ito, at mas higit pa tayong mapapalapit sa Allah at ang ating mga puso ay magiging dalisay at tapat.
• Paghahanap ng Kaalaman. Kapag ating naiintindihan ang ating mga ginagawa at bakit natin ito ginagawa, lahat ng ating kilos ay ating maisasagawa alinsunod sa batas ng Islam o ang shariah.
• Palaging Pagsusuri sa Ating mga Intensyon. Sinabi ni Imam Ahmad na nararapat na tanungin muna natin ang ating mga sarili bago gumawa ng isang aksyon, “Ito ba ay para sa kagalakan ng Allah?”
Ang Ikhlas ay sinasabing pundasyon na mula sa ating mga gawain at aksyon. At kapag ang pundasyong ito ay mula sa masasama, madali itong masisira. Ang pagbabantay ng ating ikhlas ay napakahalaga at ito ay higit pang matatalakay sa ikalawang bahagi.
Talababa:
[1] Saheeh Muslim
[2] Saheeh Bukhari, Saheeh Muslim.
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)