Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman
Deskripsyon: Isang pagpapatuloy ng aralin 1 na naglalarawan sa huling 3 grupo ng mga tao na pasisilungin ng Allah.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 75 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,553 (pang-araw-araw na average: 2)
Layunin
·Upang maunawaan kung anong uri ng mga tao ang mapapasailalim sa lilim ng Trono ng Allah sa Araw ng Paghuhukom.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Hadith - Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Aayaat -Aayaat - (isahan - ayah) ang salitang aayaat ay maaaring magkaroon ng maraming kahulugan. Ito ay halos palaging ginagamit kapag pinag-uusapan ang mga patunay mula sa Allah. Kabilang dito ang mga ebidensiya, mga talata, mga aralin, mga palatandaan, at mga pahayag.
·Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
·Taqwa - Ang pangamba o takot sa Allah, kabanalan, kamalayan na may Diyos. Inilalarawan nito ang isang kalagayan ng kamalayan sa Allah sa lahat ng ginagawa niya.
·Shaytan- minsan ay naibabaybay na Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at sa wikang Arabik upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan ng kasamaan.
·Sadaqah - kusang pagkakawang-gawa
·Zakah – obligadong pagkakawang-gawa
5. Isang lalaki na inakit ng isang babae na may kagandahan at posisyon (para sa pangangalunya), ngunit tumugon sa pagsasabing, 'natatakot ako sa Allah'
Pakitandaan na, gaya ng ipinaliwanag sa aralin 1, ang kaparehong gantimpala ay ibinibigay sa isang babae na tinutukso ng isang tao ngunit sinaway niya sa pagsasabing, "natatakot ako sa Allah". Ang mundo na ito ay puno ng mga tukso at lalo na ngayon, sa ika-21 na siglo tayo ay kadalasang na inaatake. Ang ating pagdepende sa teknolohiya ang nagtutulak sa atin na gumawa ng mahihirap na mga desisyon. Maaari nating piliing magpaakay sa Shaytan at sa kanyang mga kampon o maaari nating piliin ang kabutihan. Ang pagkahumaling sa katapat na kasarian ay matagal ng problema, isang luma nang tukso, at maraming mga tao ang nahihikayat sa pagkasira dahil sa hindi malabanan o maiwasan ang kagandahan. Ito ang dahilan kung bakit nakikita natin ang mga gantimpala para sa pagpigil ay madalas na nababanggit sa aayaat (mga talata) ng Quran at kung bakit binabalaan ni Propeta Muhammad ang kanyang Ummah tungkol sa panganib ng hindi pagtututo ng pagpipigil sa sarili.
“Ngunit para sa kanya na natakot tumayo sa harap ng kanyang Panginoon, at pinigilan ang kanyang sarili mula sa maruming masasamang hangarin, at mga pagnanasa. Katotohanang, ang Paraiso ay ang kanyang magiging tahanan.” (Quran 79:40-41)
Ang mga taong papasok sa Paraiso, na sa pangkalahatan, ay dahil sa kanilang taqwa sa Allah, buong paggalang at pagsunod sa mga utos ng Allah, at nakabatay sa kanilang mabuting pag-uugali. Gayunpaman, karamihan ay nakakapasok sa Impiyerno dahil sa masamang paggamit ng bibig at mga pribadong bahagi ".[1]
Ang isang bagay na sinisiguradong magpapalakas sa ating determinasyon na manatiling malayo mula sa tukso sa katapat na kasarian ay 'takot sa Allah'. Taqwa ay ang salitang madalas ginagamit upang tukuyin ang konsepto ng takot sa Allah. Si Propeta Yusuf (Joseph) ay isang lalaki na may taqwa. Sinasabi na siya ay isa sa magiging pinuno ng mga tao na lililiman ng Allah sa Araw ng Paghuhukom. Ang kanyang paraan ng pakikitungo sa tukso ng nang-aakit na asawa ng kanyang amo ay isang magandang halimbawa para sa ating lahat. Nang makita niya ang kanyang sarili na natutukso sa kanyang kagandahan, siya ay nagpakupkop sa Allah.
“At katiyakan, labis ang kanyang paghahangad sa kanya at matatangay na sana Siya ng kanyang pang-aakit kung hindi lamang sa katotohanan na nakita niya ang tanda mula sa mga palatandaan ng kanyang Panginoon. Upang ilayo Namin sa kanya ang kasalanan at kahalayan Katiyakan, siya ay kabilang sa mga alipin Namin na mga pinili at pinatnubayan” (Quran 12:24)
6. Isang tao na nagbibigay ng kawanggawa ng palihim, na kahit ang kanyang kaliwang kamay ay hindi nalalaman ang kung ano ang ibinibigay ng kanyang kanang kamay sa kawanggawa
Ang kawanggawa sa Islam ay may dalawang anyo: zakah, obligadong pagka-kawanggawa at sadaqah, boluntaryong pagka-kawanggawa. Ang Zakah ay may mataas na kalagayan na kadalasan sa buong Quran ay kaakibat nito ang pagdarasal. Ang Islam ay binigyang diin ang pangangailangan ng pagbibigay ng sadaqah at zakah at ito ay naglalagay ng malaking diin at malaking gantimpala sa pagbibigay ng dalawang anyo nito sa pagka-kawanggawa ng palihim. Ang pagbibigay ng lihim ay nagpapanatili ng dignidad ng mga tumatanggap at pinipigilan din nito ang nagbibigay sa paghingi ng papuri at pagkilala. Ang Islam ay nagsasabi sa atin na ang pagbibigay ng lihim ay ang pinaka mainam na paraan ngunit hindi dapat mapigilan sa pagbibigay sa publiko kung saan ay kanais-nais at kaganti-gantipalang kilos gayunpaman ang pagpapansin para sa kawanggawa ay hindi kanais-nais na katangian.
Ang yaman ay isang bagay na maaaring ibigay ng Allah sa atin anumang oras; gayunpaman maaari din Niya itong alisin nang walang pasabi. Lahat tayo ay may kilalang mga tao na nalubog sa pagkalugi sa isang iglap. Dahil sa mataas na posisyon na pinanghahawakan ng kawanggawa sa Islam mahalaga na gugulin natin ang ating kayamanan sa landas ng Allah bago tayo mawalan ng kakayahang gawin ito.
"Ang nakakatulad nila na gumugugol ng kanilang kayamanan sa Kapakanan ng Allah ay katulad ng mga butil (ng mais); ito ay tumubo (at lumaki) ng pitong busal, at ang bawat busal ay may isang daang butil. Ang Allah ang nagkakaloob ng saganang dagdag sa sinumang Kanyang maibigan. At ang Allah ay may sapat na panustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Ganap na Maalam."(Quran 2:261)
7. Isang lalaki na kapag naalaala ang Allah sa kanyang pag iisa ay umiiyak.
Sinabi ni Propeta Muhammad, "May dalawang mata na hindi madadapuan ng apoy, isang mata na umiiyak dahil sa takot sa Allah at isang mata na nananatiling alisto sa buong gabi sa pagbabantay alang-ala sa Allah".[2]
Ang unang uri ay ang mga tao na ang mga mata ay umaapaw ang mga luha kapag naaalala nila ang Allah. Humahagulgol sila kapag nagmumuni-muni sa mga kasalanan na kanilang ginawa o maaaring gagawin kung hindi nila naaalala ang malaking habag ng Allah. Minsan madali magpadala sa damdamin kapag nananalangin ng kongregasyon (sama-sama) at maraming tao ang umiiyak. Bagaman ito ay isang kagalang-galang at kapuri-puri na gawain sa mga taong umiiyak nang palihim, kapag walang sinuman maliban sa Allah na nakakakita sa kanila, ay nasa isang natatangi na kategorya at papasilungin sa ilalim ng lilim ng Allah.
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman