Naglo-load...

Umrah (1 bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Isang madaling sunding gabay na binabalangkas ang mga kinakailangan ng bawat bagong Muslim na malaman tungkol sa Umrah, ang mas maliit na paglalakbay.

Ni Abdurrahman Murad (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 159 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,699 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Layunin:

·Upang matutunan ang kahalagahan ng Umrah.

·Upang matutunan ang mga pangunahing mga kundisyong nauugnay dito.

·Upang matutunan kung paano isagawa ito.

Mga Terminolohiyang Arabik

·HajjAng paglalakbay sa Meka kung saan ang manlalakbay ay nagsasagawa ng isang lipon ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang mga haligi ng Islam, na ang bawat nasa hustong gulang na Muslim ay kailangang isagawa kahit man lang isang beses sa kanilang buhay kung makakaya itong tustusan at makakaya ng pangangatawan.

·Ihram – Isang kalagayan kung saan siya ay pinagbabawalang gawin ang ilang mga gawa na pinahihintulutan sa ibang mga pagkakataon. Ito ay kinakailangan kapag nagsasagawa ng mga ritwal ng Umrah at Hajj.

·Izaar – Isang pirasong telang ginagamit bilang isang tapis sa baywang para sa kapwa mga kalalakihan at kababaihan.

·Jihad – isang pakikibaka, pagsisikap sa ilang bagay, at maaaring tumukoy sa isang lehitimong digmaan

·Kabah – Ang hugis kwadradong gusali na matatagpuan sa lungsod ng Meka. Ito ay nagsisilbi bilang isang tampulan o direksyon kung saan ang lahat ng mga Muslim ay humaharap kapag nagdarasal.

·Mahram – isang tao, lalaki o babae na may kaugnayan sa isang partikular na indibidwal sa dugo, kasal o pagpapasuso. Siyang lalaki o babae na hindi pinapayagang pakasalan, tulad ng ama, pamangking lalaki, tiyuhin, atbp.

·Miqat – Isang himpilan kung saan siya ay magsusuot ng mga pananamit ng Ihram at papasok sa kalagayang Ihram.

·Niqab – Belong pangmukha.

·Ridaa – Isang pirasong telang (balabal atbp) na isinusuot paikot sa itaas na bahagi ng katawan.

·Sa’ee – Ito ay ang paglakad at pagtakbo sa pagitan ng mga burol ng Safa at Marwa.

·Safa and Marwa – Mga burol sa pagitan kung saan ang mga tao ay lumalakad at tumatakbo habang nasa Umrah.

·Talbiyah – Ang pagpapahayag ng panambitan ng mga Muslim habang nasa paglalakbay.

·Tawaf – Pag-ikot sa palibot ng Kabah. Ito ay isinasagawa ng pitong ikot.

·Umrah – Ang paglalakbay sa Banal na Bahay ni Allah sa lungsod ng Meka, Saudi Arabia. Madalas na tukuyin ito bilang maliit na paglalakbay. Ito ay maaaring isagawa anumang oras sa buong taon.

Kahalagahan ng Umrah

Umrah1.jpgAng kahalagahan ay matatagpuan sa maraming mga teksto; atin itong itatala dito sa pamuntong anyo.

1."Maging matatag at isagawa ang Umrah matapos isagawa ang Hajj; sapagkat sa katiyakan ito ay mag-aalis ng kahirapan at mga kasalanan sa paraang katulad ng isang panday na nagpapadalisay ng bakal, ginto at pilak. Katiyakan ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala maliban sa Jannah (Makalangit na Tahanan)."[1]

2."Ang pagsasagawa ng isang Umrah na sinundan ng isa pa ay papawi sa lahat ng mga kasalanan sa pagitan ng dalawa."

3."Ang Jihad para sa matanda, mahina at mga kababaihan ay Hajj at Umrah."[3]

Mga Haligi ng Umrah

Mayroong tatlong mga haligi ang Umrah:

Ihram

Tawaf

Sa’ee

Ihram: Ang Ihram ay tumutukoy sa isang kalagayang pinapasok ng isang tao, kung saan siya ay pinagbabawalang gumawa ng ilang mga bagay. Kabilang dito ang paglalagay ng pabango, paggupit ng mga kuko o pagputol ng buhok at pagtakip ng ulo ng tuwirang pantakip sa ulo.[4] Ang isang lalaki ay nagsusuot ng dalawang tela na tinatawag na "Izaar" at "Ridaa" at dapat niyang iwanan ang kanyang ulong walang takip. Ang "Ridaa" ay nagtatakip sa itaas na bahagi ng katawan, samantalang, ang "Izaar" ay magtatakip sa ibabang bahagi ng katawan.

scan0003 copyAng isang babae ay maaaring magsuot ng kanyang karaniwang damit, subalit hindi siya dapat magsuot ng guwantes o isang "niqab". Maaari niyang iladlad ang kanyang pandong o takip sa ulo sa kanyang mukha sa harap ng mga di-mahram na lalaki.

Tawaf: Ito ay ang pag-ikot sa palibot ng Kabah. Ang isang tao ay isinasagawa ito ng pitong beses.

Sa’ee: Ito ay ang paglakad at pagtakbo sa pagitan ng mga burol ng Safa at Marwa.

Ang mga ito ang tatlong mga haligi ng Umrah. Ang Umrah ay mayroon ding dalawang kinakailangang gawain na dapat matugunan:

1.Pagpasok sa kalagayang Ihram sa labas ng Haram (santuwaryo) lugar (mula sa Miqat himpilan).

2.Pag-aahit o pagpapaikli ng buhok (para sa lalaki) at paggupit ng kaunting bahagi para sa babae.

Pamamaraan ng Umrah

Kapag ang isang tao ay dumating sa himpilang Miqat, maging ito ay sa pamamagitan ng panlupa o sa pamamagitan ng panghimpapawid dapat nilang isuot ang kinakailangang pananamit ng Ihram. Ang isang tao ay maaaring maglagay ng pabango sa kanyang katawan bago pumasok sa kalagayang Ihram, kung nanaisin niya, subalit hindi sa kanyang mga suot. Hindi siya dapat maglagay ng pabango pagkatapos pumasok sa kalagayang Ihram.

Bago lisanin ang himpilang Miqat, siya ay dapat magsabi ng: "Labbaik Allaahumma bi 'Umrah" (Narito ako O Allah bilang tugon sa Iyong panawagang magsagawa ng Umrah). Sa pagsasabi nito siya ay pumapasok sa kalagayang Ihram.

Sila magkagayun ay magsisimulang manambitan ng Talbiyah sa pagsasabing: “Labbaik Allaahumma labbaik, labbaika laa shareeka laka labbaik, innal-hamda wan-ni’mata laka wal mulk, laa shareeka lak”[5].

untitledPatuloy silang mananambaitan dito hanggang sa marating nila ang Kabah at magsimulang magsagawa ng Tawaf. Ang isang lalaki ay dapat na ilantad ang kanyang kanang balikat sa buong Tawaf; ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng gitnang bahagi ng Ridaa sa ilalim ng kanang braso at pagsampay ng magkabilang dulo ng tela sa kaliwang balikat.

Pagkatapos nito, siya ay iikot sa palibot ng Kabah ng pitong beses; bawat yugto ay magsisimula sa Itim na Bato. Hindi niya kinakailangang pisikal na hawakan o halikan ito, subalit kapag siya ay nakahilera na dito, sisimulan nila ang kanilang pag-ikot sa puntong yaon. Habang nasa Tawaf, siya ay dapat isaalang-alang si Allah, paghiling sa Kanya at pagsusumamo para sa Kanyang awa. Siya ay dapat umiwas sa walang kabuluhang pangungusap at pagtawa, dahil maaaring ito ay isang beses sa tanang buhay lamang na pagkakataon na kung saan hindi dapat ito ipagwalang bahala!

Kapuri-puri para sa kanyang maglakad nang mas mabilis na paghakbang sa unang tatlong mga ikot.

Ang Propeta, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsasabi ng mga sumusunod sa pagitan ng kantong Yemeni at ng Itim na Bato:

Rabbanaa aatina fid-dunya hasanah wa fil-aakhirati hasanah wa qina ’adhaban-naar

Ang kahulugan: O aming Panginoon, pagpalain kami ng kabutihan sa buhay na ito at sa susunod na buhay at iligtas kami mula sa pagpapahirap ng Impiyerno.

mqmibrm.gifKapag ang ikapitong ikot ay natapos na, dapat nilang takpan ang kanilang balikat at magsagawa ng dalawang yunit na pagdarasal sa likod ng Maqam ni Abraham (Himpilan ni Abraham[6]). Kung ito ay hindi maaari (dahil sa karamihan ng tao) magkagayun ay siya ay maaaring magdasal sa kahit saan sa Moske.

Matapos ang pagdarasal ay dapat uminom ng tubig Zamzam dahil sa ito ay pinagpala. Ang Propeta ay nagsabi: 'Ang tubig Zamzam ay para sa kung saan ang pag-inom.'[7]

Sa pamamagitan nito, ang unang yugto ng Umrah ay nagtapos. Habang siya ay papalapit sa burol ng Safa sila ay bibigkas:

“Innas-safaa wal-marwata min sha’aa-iril-laah, faman hajjal-baita a-wi’tamara falaa junaaha ’alaihi an yat-tawwafa bi-hi-maa wa man ta-tawwa’a khairan fa-innallaaha shaakirun ’aleem.”

Ang kahulugan: Katiyakan, ang as-Safa at al-Marwah ay kabilang sa mga simbolo ni Allah. Kaya sinumang magsagawa ng Hajj sa Bahay o magsagawa ng Umrah - walang paninisi sa kanya para sa paglalakad sa pagitan ng mga ito. At sinuman ang magkusa sa kabutihan - magkagayun katiyakan, si Allah ay mapagpasalamat at Maalam. (Qur'an 2:158)

Pagkatapos nito siya ay dapat magsabing: “Ab-da’u bi-maa bada-allaahu bihi.”

Ang kahulugan: Ako ay nagsimula sa kung saan nagsimula si Allah.

Ito ay binibigkas lamang sa unang pagkakataon.

Untitled-1111Pagkatapos nito, siya ay lalakad patungo sa bahagyang pakiling sa burol ng Safa at pagkatapos ay nakaharap sa Kabah. Ito ang pagkakataon kung saan ang pagsusumamo ay tinatanggap at dapat nilang ulitin ang kanilang mga pagsusumamo ng tatlong beses. Pagkatapos nito, ang isang tao ay dapat lumakad sa pagitan ng mga burol ng Safa at Marwa at tumakbo sa pagitan ng mga berdeng mga ilaw, hanggang sa marating nila ang burol ng Marwa. Dito siya ay upang magsumamo tulad ng ginawa nila sa burol ng Safa. Ang paglalakbay na ito sa pagitan ng mga burol ng Safa at Marwa ay itinuturing na isang biyahe; ang isang tao ay may pitong mga biyahe mula sa Safa at nagtatapos sa Marwa.

Ang huling hakbang sa Umrah ay paikliin o ahitin ang buhok para sa isang lalaki at gupitan ang isang maliit na bahagi para sa isang babae. Sa pamamagitan nito ang Umrah ay nagtatapos.

Sa ikalawang bahagi ating tatalakayin ang mahahalagang mga paksa na tumutukoy sa Ihram at talakayin ang mahalagang mga payo na kanyang dapat malaman kapag nagsasagawa ng Umrah.


Mga Talababa:

[1] Tirmidthi

[2] Saheeh Al-Bukhari

[3] An-Nasa’ee

[4] Iba pang impormasyon tungkol dito ang matatagpuan sa 2 bahagi.

[5] Ang kahulugan: Narito ako O Allah bilang tugon sa Iyong panawagan, narito ako. Narito ako, wala kang katambal, narito ako. Katotohanang ang lahat ng papuri, biyaya at kapangyarihan ay nabibilang sa Iyo. Wala kang katambal.

[6] Ito ang bahagi kung saan si Propeta Abraham ay tumindig upang itayo ang Kabah.

[7] Ibn Hibban

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Umrah (1 bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6