Naglo-load...

Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Dalawang aralin ang magpapaliwanag ng iba't ibang masasamang moralidad sa Islamikong etika (ethics) na dapat layuan upang maging mas mabuting tao.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 09 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 87 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,325 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin

· Upang malaman ang hinggil sa sampung masasamang pag-uugali ayon sa katuruan ng Islam

Panimula

Bad-Morals-to-Stay-Away-From-(part-1-of-2).jpgAlam natin na maraming mga ulat mula kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, na nagpapahiwatig ng kahusayan ng pagkakaroon ng mabuting pag-uugali. Bahagi ng mga mabuting asal ay ang pag-alam at pagtalikod sa masasamang ugaling tulad ng:

1.Pandaraya

Ang pandaraya at panlilinlang ay kasuklam-suklam na katangian na wala sa isang disenteng tao. Sinabi ng Propeta:

“"Ang sinuman na magdala ng sandata laban sa atin ay hindi kabilang sa atin, at sinumang mandaya sa atin ay hindi kabilang sa atin.”[1]

Tinitingnan ng Islam ang pandaraya at panlilinlang bilang mga kasuklam-suklam na kasalanan; ang mga ito ay itinuturing na pinagmumulan ng kahihiyan sa nagkasala ng paggawa sa mga ito, dito sa mundong ito at sa susunod. Ang Propeta ay hindi lamang sumumpa sa kanila sa pamamagitan ng pagbubukod sa kanila mula sa komunidad ng Muslim sa mundong ito; ipinahayag rin niya na sa Araw ng Paghuhukom:

“Ang bawat traydor ay magkakaroon ng isang bandila sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sasabihin: Ito ang tagapagkanulo ni ganito at ganito”[2]

2.Panunuhol

Ang panunuhol ay nangangahulugan ng pagbibigay ng pera sa isang tao na kung saan ang taong ito ay kumukuha ng isang bagay na wala siyang karapatan. Halimbawa, ang panunuhol ng isang hukom upang makakuha ng isang hatol sa iyong pabor, o panunuhol ng isang opisyal na magbigay sa iyo ng pagkiling na higit sa iba o upang makakuha ng iba pang mga pabor tulad ng pamamahagi ng isang kontrata at iba pa.

Ang panunuhol ay isang malaking kasalanan sa Islam. Si Allah, ang Dakila, ay nagsabi:

“At huwag ninyong kainin [lustayin o kamkamin] ang yaman ng iba sa paraang di-makatarungan o ipadala ito bilang suhol sa mga taong may katungkulan upang sakaling kayo ay tulungang kamkamin ang isang bahagi ng yaman ng iba sa paraang makasalanan...” (Quran 2:188)

Sinumpa ng Sugo ni Allah ang sinumang nagbigay ng suhol at ang siyang tumanggap ng suhol..[3]

3.Pagseselos

Ang pagseselos ay kabilang sa mga pinakamapanirang damdamin na maaaring maipakita ng isang tao sa kanyang kapwa tao. Nagdudulot ito sa kanya na maghangad ng masama para sa iba at maging maligaya kapag ang kasawian ay nakakaapekto sa kanila. Nagbabala ang Propeta laban sa inggit sa pamamagitan ng paghahambing nito sa apoy na tumupok sa kahoy.

Ang pagseselos ay isang sakit at nagiging sanhi ito ng karumihan sa puso. Nang tinanong ang Sugo ni Allah: "Sino ang pinakamabuti sa mga tao?" Sumagot siya: "Ang siyang may malinis na puso at may matapat na dila." Tinanong nila: "Nauunawaan namin ang isang matapat na dila, ngunit ano ang ibig sabihin ng malinis na puso?" Sumagot siya: "Ito ang puso ng isang taong maka-Diyos, dalisay, at walang kasalanan, paglabag, galit at pagseselos."[4]

4.Ang Panlilibak at Paninirang-puri

Sinabi ni Allah:

“At huwag kayong maniktik o manirang-puri sa isat-isa. Nais ba ng isa sa inyo na kainin ang laman ng patay niyang kapatid?Katiyakang ito ay inyong kamumuhian.” (Quran 49:12)

”Si Abu Dharr, kalugdan nawa siya ni Allah, minsan ay nagtanong kay Propeta Muhammad, "O Sugo ni Allah, ano ang panlilibak?" Sumagot siya, "Ito ay ang banggitin ang tungkol sa iyong kapatid na kanyang kinamumuhian." Sinabi ni Abu Dharr, "O Sugo ni Allah, pano kung ang nabanggit ay isang katangian na kanyang tinataglay? "Sumagot siya," Alamin mo na kapag binanggit mo ang nasa kanya, siya ay iyong nilibak, at kapag binanggit mo ang wala sa kanya, kung gayon ay nakagawa ka ng paninirang-puri sa kanya. "

5.Pagtsitsismis

Ang tsismis ay mapanganib at nakakapinsala; maaari nitong sirain ang kaayusan at moralidad ng isang lipunan. Ang mga tao ay nagkakalat ng tsismis para sa maraming mga kadahilanan tulad ng pagmamataas (mas mabuti ang kanilang pakiramdam kung ang isang tao ay mas masama pa kaysa sa kanila), dahil sa pagseselos, para makibagay sa grupo, para sa atensyon (sila ay nagiging sentro ng atensyon ng ilang sandali), dahil sa paghihiganti at gayundin sa dahilan ng labis na pagkainip (ang isang tamad na isipan ay isang pagawaan ng demonyo).

Kailangan nating paalalahanan ang ating sarili nang paulit-ulit na tayo ay mananagot sa ating mga gawa sa harap ni Allah. Sabi ni Allah

“O kayong mga naniwala, kapag ang isang suwail ay dumating sa inyo na may dalang balita, siyasatin ang katotohanan nito upang hindi mangyaring inyong mapinsala o masaktan ang isang mamamayan bunga ng kamangmangan at sa gayon ay inyong pagsisihan ang anumang inyong nagawa.” (Quran 49:6)

6.Pagsisinungaling

Ang pagsisinungaling ay napakasama na tinatanggihan ng lahat ng tao. Sinabi ng Propeta:

“Ang isang tao ay nagsisinungaling ng nagsisinungaling, hanggang sa siya ay isinulat sa Diyos bilang isang pala-sinungaling na tao.”[5]

Ang pinakamalapit na kaibigan ng Propeta at sumunod na kahalili na si Abu Bakr as-Siddiq, nawa ay kalugdan siya ni Allah, ay nagsabi

“Mag-ingat sa pagsisinungaling, sapagkat ang pagsisinungaling ay nagsasalungat sa (tunay) na pananampalataya”[6]

At ang anak na babae ni Abu Bakr na si Aisha, nawa ay kalugdan siya ni Allah, na siyang minamahal na asawa ng Propeta, ay nagbanggit na:

“Walang higit na kasuklam-suklam sa Sugo ng Diyos, naway ang awa at pagpapala ng Diyos ay sumakanya, kaysa sa pagsisinungaling.”[7]

7.Ang Pagiging Mapaghinala

“Mag-ingat sa hinala, dahil ang hinala ay ang pinakamalaking kasinungalingan. Huwag ninyong susubukang maghanap ng kasalanan sa isa't isa, huwag mag-ispiya sa isa't isa, huwag makipag-away sa isa't isa, huwag mainggit sa isa't isa, huwag magalit sa isa't isa, huwag lumayo sa isa't isa, at maging mga tagapaglingkod ni Allah, mga kapatid sa isa't isa, tulad ng iniutos sa iyo.”[8]

Ang mga kasamaan tulad ng hinala, paghahanap ng kasalanan, inggit at pag-abanduna ay mga kasamaan na sumisira sa isang komunidad na may mas malaking pinsala na maidudulot kaysa sa sinumang kaaway.

8.Paghahanap ng kasalanan sa iba

Ang ilang mga tao ay may isang mapagkumpetensiyang pagkatao. Ang mga pariralang, "Tumututol ako", "Kasalanan mo" at "Ikaw ang dapat sisihin" ay ilan sa kanilang mga paboritong parirala.

Ang isa sa mga malaking kahinaan ng tao ay ang kamangmangan sa kanyang sariling mga pagkakamali. Maraming panahon na tayo ay nakatutok sa ating pagsisikap sa paghahanap ng mga pagkakamali sa iba, ngunit nalilimutan natin ang ating sarili. Sinabi ng Propeta,

“Ang isang mananampalataya ay hindi isang pala-hanap ng kasalanan at hindi abusado, bastos, o kurso.”[9]

9.Pumipinsala ng iba sa pamamagitan ng salita at pisikal na pagpinsala

Tinukoy ng Propeta ang totoong Muslim bilang isa na umiwas sa pagpinsala sa ibang mga Muslim sa kanyang dila (salita) at kamay (mga aksyon). Sinabi ng Isang Kasamahan,

"Sino ang pinaka mabuti sa mga Muslim?" Sabi niya, "Ang isa na ang kaniyang dila at kamay ay ang iba pang mga Muslim ay ligtas”‘[10]

Bilang pangkalahatang tuntunin, ang mga Muslim ay hindi dapat makapinsala sa ibang tao. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi,

“Hindi dapat magkaroon ng pagpinsala o pagganti sa pinsala”.[11]

Dapat tayong maging maingat upang protektahan ang mga nasa loob ng ating sariling komunidad, ngunit ang prinsipyo ay hindi lamang para sa mga Muslim. Sa halip, naaangkop ito sa lahat ng tao at maging sa mga hayop.

10.Ang pagiging mapagmataas

Sinabi ng Propeta: "Ipinahayag sa akin ni Allah na lahat kayo ay maging mapagpakumbaba tungo sa isa't isa na tulad ng walang sinumang lumalabag o nagtataas ng kanyang sarili sa iba.”[12]

Sa kasamaang palad, itinuturing natin ngayon na isang tanda ng kumpiyansa na magmalaki tungkol sa ating sarili. Anuman ang mayroon ka, ay dahil si Allah ay nagbigay nito sa iyo o pinahintulutan kang magkaroon nito; maging ito man ay katalinuhan, hitsura, kayamanan, lahi, pananampalataya, karakter o anumang bagay.

Kung ang isang tao ay nag-iisip na pinagsikapan nila ng husto at nakamit ang isang bagay sa pamamagitan ng kanilang sariling kagalingan, dapat silang tumingin sa lahat ng mga nagsisikap rin nang mabuti ngunit hindi nakarating sa kanilang mga layunin. Kung ikaw ay nag-aral ng mabuti at nanguna, sino ang nagbigay ng posibilidad para sa iyo na magkaroon ng panahong mag-aral at magtagumpay?



Talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Saheeh Al-Bukhari

[3] Tirmidhi

[4] Ibn Majah

[5] Saheeh Al-Bukhari

[6] Bayhaqi

[7] Musnad

[8] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[9] Saheeh Al-Bukhari

[10] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[11] Ibn Majah, Al-Daraqutni, Muwatta’

[12] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9