Naglo-load...

Pangangalaga ng Kapaligiran

Marka:

Deskripsyon: Isang pangkalahatang pambungad sa pagturing o pagtingin ng Islam hinggil sa uniberso, mga likas na yaman, at ang ugnayan sa pagitan ng tao at kalikasan.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 02 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 93 - Nag-email: 0 - Nakakita: 12,921 (pang-araw-araw na average: 5)


Mga Layunin

·Upang pahalagahan ang Islamikong tagubilin sa pangangalaga sa kapaligiran.

·Upang maunawaan ang ating ugnayan sa uniberso at ating mga paligid.

·Upang maunawaan na ang bawat nilikha sa kalawakan ay magkakapantay o balanse na nangangailangan ng pangangalaga.

·Upang maunawaan ang ilang mga gabay para labanan ang pagbabago sa klima.

Terminong Arabe

·Iftar - Pagkain sa pagtigil ng pag-aayuno.

Ating Ugnayan sa ating Kapaligiran

Preserving_the_Environment._001.jpgAng Pangangalaga sa Kapaligiran ay isang mahalagang aspeto ng Pananampalatayang Islam. Bilang tagapangasiwa ng mundo, pananagutan ng mga Muslim ang mangalaga ng kapaligiran sa aktibong pamamaraan. Mayroong tiyak na layunin sa likod ng paglikha ng iba't ibang mga uri, mapa-halaman man ito o maging mga hayop. Ang mga Muslim ay hinihimok upang isipin ang ugnayan sa pagitan ng mga buhay na organismo at ang kanilang paligid at upang mapanatili ang balanseng ekolohiya na nilikha ng Allah. Ang pangangalaga ng kapaligiran ay mahalaga sa Islamikong paniniwala at ang tao ay may pananagutan na siguruhin ang ligtas na pag-iingat ng kapaligiran.

Ang kalawakan o uniberso ay lubhang magkakaiba sa hugis at tungkulin. Ang kalawakan at ang ibat-ibang elemento ay nagtataguyod sa kapakanan ng mga tao at siya ring patotoo ng kadakilaan ng Tagapag-likha. Siya ang nagtatakda at nag-aatas sa lahat ng bagay at walang anumang bagay na Kanyang nilikha na hindi ipinag-bubunyi at ipinapahayag ang Kanyang kapurihan.

“Hindi mo ba nakikita na ang Allah ay niluluwalhati ng lahat ng nasa kalangitan at sa kalupaan - gaya ng mga ibong nakadipa ang pakpak? bawat isa ay batid ang kanilang pagsamba at pagluluwalhati, at ang Allah ang nakakaalam sa kanilang ginagawa.” (Quran 24:41)

Lahat ng nilikhang bagay ay nilalang upang maglingkod sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang at, isagawa ang ipinag-utos na tungkulin sa pinag-isang disenyo na lipunan, sila ay nakikinabang at ang bawat isa sa mundong ito. Ito ay humahantong sa isang ganap na ugnayan ng lahat o tinatawag na cosmic symbiosis. Ang karunungan ng Diyos ang nagtalaga sa tao ng pangangasiwa sa mundo. Samakatuwid, bilang karagdagan sa pagiging bahagi ng mundo at bahagi ng kalawakan o uniberso, ang tao ay tagapagpatupad din ng mga kautusan ng Diyos. Siya ay tagapangasiwa lamang ng mundo hindi nagmamay-ari, tagatanggap at hindi tagapagtustos. Sa Islam, ang paggamit ng kalikasan ay karapatan at pribilehiyo ng lahat ng tao at lahat ng uri ng nilikhang-buhay. Dahil dito, ang tao ay nararapat na gawin ang lahat ng pag-iingat upang masiguro ang mga kapakanan at karapatan ng lahat dahil sila ay pantay-pantay na magkakatuwang sa mundo. Ang tao ay hindi dapat umabuso, magmalabis, o sirain ang natural na yaman sapagkat bawat henerasyon ay may karapatan na magtamasa mula dito at walang karapatan na "ariin" ito sa isang ganap na pagpapakahulugan.

Karagdagan, lahat ng tao at, katotohanan, mga alagang hayop at maging ang mga hayop na nasa gubat, ay may karapatang maging kabahagi sa yaman ng mundo. Ang pang-aabuso ng tao sa yamang ito, katulad ng, tubig, hangin, lupain, at maging ang lupa gayundin ang mga nabubuhay na nilalang katulad ng mga halaman at mga hayop ay ipinag-babawal, at ang mahusay na paggamit sa lahat ng mga pinagkukunan, kapwa mga may buhay at wala, ay ipinag-utos. Ang pagsasama-sama sa pagpapaunlad at pangangalaga ng mga likas na yaman ay malinaw sa pagbibigay ng buhay sa kalupaan at pagsasanhi na payabungin sa pamamagitan ng agrikultura, paglilinang, at konstruksiyon. Ang Allah ay nagsasabi:

“…Siya ang lumalang sa inyo mula sa lupa at nagpatira sa inyo dito...” (Quran 11:61)

Diyos ang nanawagan sa tao na kilalanin ang kahalagahan ng pinagkukukunang ito ng buhay:

“ipagbadya: Iniisip ba ninyo na kung ang lahat ng tubig ay masaid sa kalupaan, sino baga kaya ang makapagbibigay sa inyo ng tubig na malinaw na umaagos?” (Quran 67:30)

Dahil sa kahalagahan ng tubig bilang batayan ng buhay, ginawa ng Diyos na maging karapatan ito ng lahat ng may buhay at lahat ng tao. Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:

“Ipinag-utos sa mga Muslim na ibahagi ang tatlong bagay: tubig, kalupaan, at apoy.” (Abu Dawud)

Ang hangin ay kapwa mahalaga rin katulad ng tubig para sa pagpapanatili at pangangalaga ng buhay, na may mahalagang tungkulin sa polinasyon. Ang Diyos ay nagsabi:

“At kami ay nagpadala ng nagpapayabong na hangin...” (Quran 15:22)

Mula sa mga mineral ng mundo ay ang pinong bahagi ng ating katawan, maging ang sa mga nabubuhay na hayop at mga halaman. Ang Diyos ay nagsabi sa Quran:

“At kabilang sa Kanyang mga tanda ay nilikha Niya kayo mula sa alabok; at pagkaraan, kayo ay naging tao na nagsipangalat.” (Quran 30:20)

Isa sa mga pangunahing paniniwala sa Islamikong kautusan ay ang Propetikong pahayag:

“Walang magiging pinsala at walang pamiminsala.” (Al-Hakim)

Ang mga Amerikano ay nagtatapon ng 40% ng pinagkukunang pagkain kada taon at ang karaniwang pamilyang Amerikano na may apat na miyembro ay nagtatapon ng katumbas $2,200 kada taon na pagkain. 55 pyeng parisukat ng kagubatang tropikal ang nasisira para sa produksiyon ng bawat hamburger sa fast food mula sa baka sa kagubatan.

Bagamat ang mga Amerikano ay bumubuo lamang sa 5% ng populasyon ng mundo, kumukunsumo sila ng 24% ng enerhiya ng mundo. Kung ang isang baso ng Styrofoam ay ginamit sa iftar noong kapanahunan ng Propeta, mananatili iyon hanggang sa kasalukuyan. Ang Styrofoam, isang uri ng foamed plastic, ay hindi nalulusaw..

Mga Gabay sa Paglaban sa Climate Change

·Maglakad, Magbisekleta, o gumamit ng pampublikong transportasyon.

·Gumamit ng matipid sa gasolinang sasakyan.

·Alamin ang konsumo ng enerhiya sa inyong bahay upang makatipid sa kuryente at salapi.

·Lumipat sa green power, matipid sa kuryenteng bumbilya at mga kasangkapan.

·Gumamit ng sampayan, hindi dryer.

·Maging matipid kapag naglilinis o naliligo.

·Bumili ng sariwa at lokal na pagkain - hindi frozen.

·Pumunta sa mga bagsakan ng mga magasasaka.

·Bawasan ang pagkain ng karne.

·alisin ang mga basurang liham.

·Gumamit ng recycled na papel.

·Gumamit ng sarili/telang bag sa pamimili.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pangangalaga ng Kapaligiran

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.