Naglo-load...

Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang dalawang aralin ay magtatalakay ng kahulugan at mga kapakinabangan ng isang natatanging Islamikong konsepto ng pakikipag-ugnayan kay Allah sa pamamagitan ng pagsamba na kilala bilang dhikr.

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 100 - Nag-email: 0 - Nakakita: 11,230 (pang-araw-araw na average: 5)


Layunin

·Upang matutunan ang sampung (10) madadaling salita ng adhkar na may napakalaking gantimpala para sa pang-araw-araw na buhay.

Mga Wikang Arabe

Dhikr -(pangmaramihan: adhkar) Pag-alala kay Allah.

Ang mga nasa ibaba ay ang isang maikling listahan ng ilang adhkar na maaari mong isama sa iyong araw.

1. Pagbabasa ng Quran: ang pinakamahusay na dhikr

Gantimpala:

Dhikr_(Remembering_Allah)-Meaning___Blessings_(Part_2_of_2)_._001.jpgGagantimpalaan ka ng 10 na gantimpala para sa bawat isang titik na iyong bibigkasin. Ang insentibo na ito ay dapat itakda ang pagbabasa ng Quran bilang pinaka- priyoridad sa buhay.

2. Subhan Allahi wa bi-hamdihi (Ang Allah ay walang ka imperpektuhan Kaluwalhatiaan kay Allah ang Kapuri-puri)

Mga Gantimpala:

1.Kapag sinabi ito 100 beses tuwing umaga at gabi, ang gantimpala nito ay napakalaki na walang sinuman ang hihigit sa taong ito, maliban sa isang taong nagsabi ng pareho o higit pa.[1]

2.Ang isang puno ay itatanim sa Paraiso (para sa taong nagsasabi) tuwing sasabihin nila ito.[2]

3.Sinumang nagsasabi nito ng 100 beses sa isang araw, ang kanyang mga kasalanan ay mapapatawad kahit na ito ay kasing dami ng bula ng dagat.[3]

4.Ang pagsasabi nito ng 100 beses ay makakakuha ng 100 na mabuting gawa o 1000 na mga kasalanan ang aalisin mula sa kanilang talaan.[4]

3.Alhamdulillah (Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para lamang kay Allah)

Gantimpala:

1.Ang mga salitang ito ay ang pinakamahusay na pagsusumamo.[5]

2.Pinupunan nito ang timbangan ng mabubuting gawa.[6]

3.Ang gantimpala ng mga salitang ito ay magpupuno sa espasyo sa pagitan ng lupa at ng langit..[7]

4. La hawla wa la quwwata illa billah (Walang kapangyarihan o lakas maliban kay Allah)

Gantimpala:

Ang mga salitang ito ay kayamanan ng Paraiso.[8]

5.Subhan Allah (Luwalhatiin si Allah!) [33 times], Alhamdulillah(Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para lamang kay Allah) [33 times], Allahu Akbar (Si Allah ang Pinakadakila) [34 times]

Dapat itong bigkasin pagkatapos ng mga pormal na pagdarasal at bago humiga / matulog

Gantimpala:

Alam natin na ang dhikr na ito ay sinasabi pagkatapos ng bawat pormal na pagdarasal, ngunit nang si Fatima ang anak na babae ni Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay dumating sa kanyang ama na humihiling ng isang alipin na tumulong sa mga gawaing bahay, itinuro ng Propeta sa kanya ang dhikr na ito sa halip na bigyan siya ng isang lingkod. Sinabi niya na ang paulit-ulit na pagsabi nito ay magbibigay ng mas mabuting resulta kaysa sa pagkakaroon ng isang lingkod.

6.Astagh-fi-rullah(Hinihiling ko ang pagpapatawad ni Allah)

Gantimpala:

1.“Si Allah ay magbibigay sa iyo ng mga supling at kayamanan.” (Quran 72:10-12)

2.“Daragdagan ni Allah ang iyong lakas” (Quran 11:52)

3.“At kayo ay hahayaan Niyang magtamasa ng mabuting kasiyahan hanggang sa pagsapit ng takdang panahon” (Quran 11:3)

4.Ito ay gamot para sa isang puso na naging abala sa mga saloobin. (batay sa isang hadith sa Sahih Muslim)[9]

7. Subhan Allah, wa alhamdulillah, wa la ilaha illa Allah, wa Allahu Akbar (Luwalhatiin si Allah, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para kay Allah, walang ibang Diyos maliban kay Allah, si Allah ang Pinakadakila)

Gantimpala:

1.Ang mga salitang ito ay mas mahal ni Propeta Muhammad kaysa sa lahat ng araw na sumikat.[10]

2.Ang pagsasabi ng mga salitang ito ay tulad ng pagbibigay ng kawang-gawa para sa bawat kasukasuan.[11]

8. Subhan Allah, wa alhamdulillah, wa la ilaha illa Allah, wa Allahu akbar, wa la hawla wa la quwwata illa billah (Luwalhatiin si Allah, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para kay Allah, walang ibang Diyos maliban kay Allah, si Allah ang Pinakadakila, walang lakas o kapangyarihan maliban kay Allah)

Gantimpala:

1.Ang mga salitang ito ay sapat upang ulitin para sa isang tao na hindi matuto ng anumang bagay sa Quran..[12]

2.Ang nasa itaas ay "mabubuting gawa na nananatili”[13]

3.Sinabi ni Propeta Ibrahim (Abraham) kay Propeta Muhammad na ang Paraiso ay dalisay na lupain, ang tubig nito ay matamis, at ang kalawakan nito ay malawak, maluwang at ang mga salita sa itaas ay mga halaman nito. [14]

9. La ilaha illa Allah, Allahu akbar, wa la hawla wa la quwwata illa billah (Walang ibang diyos maliban kay Allah, si Allah ang Pinakadakila, walang lakas o kapangyarihan maliban kay Allah)

Gantimpala:

Walang sinuman ang nagsasabi ng mga salitang ito maliban na ang kanyang mga kasalanan ay pinatawad kahit na sila ay kasing dami ng bula ng dagat..[15]

10. Subhan Allah wa bi-hamdihi, Subhan Allah al-Adheem (Kaluwalhatiaan kay Allah at Papuri , Ang kaluwalhatian ay kay Allah, ang Kataas-taasan)

Gantimpala:

Sinabi ng Propeta: "Dalawang salita na madali sa dila, mabigat sa timbangan, at minamahal sa Pinakamaawain ...”[16]



Talibaba:

[1] Saheeh Muslim

[2] Tirmidhi

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Saheeh Muslim

[5] Saheeh Muslim

[6] Saheeh Muslim

[7] Saheeh Muslim

[8] Saheeh Al-Bukhari

[9] ‘Ang aking puso ay nagiging abala (sa mga saloobin) kaya hinihiling ko kay Allah ang kapatawaran ng 100 beses sa isang araw. '’ (Muslim)

[10] Saheeh Muslim

[11] Saheeh Muslim

[12] Abu Daud

[13] al-baqiyatus-salihat (Nasai)

[14] Tirmidhi

[15] Tirmidhi

[16] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9