Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
Deskripsyon: Ang pagpapatuloy ng aralin 1 kabilang ang mga tanong na tinatanong sa libingan.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 103 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,276 (pang-araw-araw na average: 3)
Layunin:
·Upang maunawaan ang natural o likas na uri na mga katanungan na tinatanong sa libingan.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
Ang eksena para sa mga hindi mananampalataya ay ibang-iba. Ang mga anghel ay dumarating sa isang di-mananampalataya "... na may madidilim na mga mukha, nagdadala ng tela na sako, at umuupo sila sa paligid niya sa abot tanaw ng kanyang mga mata. Pagkatapos ay darating ang Anghel ng Kamatayan at uupo sa pamamagitan ng kanyang ulo, at sasabihin niya, 'O masamang kaluluwa, lumabas ka sa galit ng Allah at sa Kanyang poot.' Pagkatapos ang kanyang kaluluwa ay magwawala sa loob ng kanyang katawan, at pagkatapos ay lalabas na tila napuputol ang mga ugat at nerbiyo(nerve) , tulad ng isang alambre na dumadaan sa basang tela. Kapag nakuha na niya ito, hindi nagtatagal sa kanyang kamay ni isang segundo at agad-agad sinasako, at may nanggagaling rito na isang mabahong amoy tulad ng pinaka mabahong amoy ng isang patay na katawan sa ibabaw ng lupa. Pagkatapos ay aakyat sila at hindi sila dadaan sa anumang grupo ng mga anghel na di nagsasabi sa kanila, 'Sino ang masamang kaluluwa na ito?' At sasabihin nila, 'Ito ay Si... na Si... na anak ni... at ni...', tinatawag siya sa pamamagitan ng pinaka masama na mga pangalan na kung saan siya ay kilala sa mundo, hanggang sa maabot nila ang pinakamababang langit. Hihilingin nila ito na pagbuksan sa kanila subalit ay hindi ito bubuksan. "Pagkatapos ay itatala ng Allah ang kanyang lugar sa pinakamalalim na kalaliman ng impiyerno.
Sa sandaling ang kaluluwa ay muling nakabalaik sa katawan nito, ang patay na tao ay binibisita sa kanilang libingan ng dalawang anghel. Sa isang tunay na hadith ni Propeta Muhammad na nagsasabi sa atin na ang mga anghel ay kulay itim at asul at pinangalanan Munkar at Nakeer. Ang mga anghel ay magtatanong ng tatlong katanungan na magtutukoy sa pananampalataya ng isang tao at sa parehong oras ay ilalabas ang kanilang kabaitan o kasamaan. Ito ay isang napakahalagang yugto dahil itinatakda nito ang buong buhay ng isang tao sa Kabilang Buhay. Ang mga anghel ay magtatanong kung sino ang iyong Panginoon, ano ang iyong relihiyon at sino ang iyong Propeta? O tulad sa ilang mga ahadith na sinabi na ang tanong ay 'sino ang taong ito na ipinadala sainyo'? Makikita mo na ang mga tanong na ito ay tungkol sa pananalig ng pananampalataya. Kung ang isang tao ay sumagot, ang aking Panginoon ay ang Allah, ang aking relihiyon ay Islam, ang aking propeta ay si Muhammad ... isang tinig na manggagaling mula sa langit, "Ang aking alipin ay nagsasalita ng katotohanan, kaya maghanda para sa kanya ng isang higaan mula sa Paraiso at bihisan siya ng mula sa Paraiso, at buksan para sa kanya ang isang pintuan sa Paraiso. "Kung ang namatay ay hindi alam ang tamang sagot sa mga tanong, ay isang tinig ang maririnig na manggagaling mula sa langit," Maghanda para sa kanya ng isang kama mula sa Impiyerno at bihisan siya ng mula sa Impiyerno, at buksan para sa kanya ang isang pintuan sa Impiyerno. "
Ang pagtatanong ay nagpapatunay kung ano mismo ang naiintindihan ng isang tao mula noong sandali ng kamatayan. Ang kabutihan ay tunay na gagantimpalaan at ang kasamaan ay parurusahan. At sa gayon ang mananampalataya ay agad na gagantimpalaan ng isang butas o bintana (magpapakita ng paraiso) na lilitaw sa kanyang libingan. Sa pagbubukas, makikita ng tao ang kadakilaan at mga gantimpala na naghihintay sa kanya sa Paraiso. Ang kanyang mabubuting gawa ay darating sa kanya sa anyo ng isang nakabihis ng maayos, guwapo, napaka bangong tao. Ang libingan ay mapapalawak hanggang sa abot ng mga mata, ito ay malinis at puno ng halaman; mananabik siya sabihin sa kanyang pamilya ang kanyang magandang kapalaran. Ang mananampalataya ay matutulog nang mahimbing sa kanyang libingan. Ang Propeta Muhammad ay nagbanggit sa isang hadith na ang mananampalataya ay sasabihan na tingnan ang kanyang lugar sa Impiyerno at mauunawaan niya na ito ay ipinagpalit para sa isang lugar sa Paraiso. "Kaya't titingnan niya sila pareho. Pagkatapos ang kanyang libingan ay mapapalawak sa kanya sa distansya na pitumpu't siko, at mapupuno ng halaman hanggang sa Araw ng Pagkabuhay Muli ".
Sa kabaligtaran, ang libingan ng mga suwail (tumanggi sa kaisahan ng Allah at masasama ang gawain habang nabubuhay pa) ay mapupuno ng kadiliman. Ang kaparusahan ng hindi mananampalataya ay magsisimula sa kanyang masasamang gawa na mag-aanyo bilang isang napaka pangit na tao at sa pamamagitan nito ay makikita niya ang kapangitan ng Impiyerno.
Ang gantimpala at parusa ay pinakamalakas na panghimok at ang pag-iisip ng pananatili ng di-tiyak na dami ng oras sa kaparusahan bago dumating ang Araw ng Paghuhukom ay isang nakakatakot na bagay.
Sinabi ng Propeta "Kapag ang sinuman sa inyo ay namatay, ipinapakita ang kanyang walang hanggang hantungan tuwing umaga at gabi. Kung siya ay isa sa mga tao ng Paraiso, kung gayon siya ay isa sa mga tao ng Paraiso, at kung siya ay isa sa mga tao ng Impiyerno, kung gayon siya ay isa sa mga tao ng Impiyerno, at sasabihin sa kanya, 'Ito ang iyong hantungan hanggang buhayin ka ng Allah sa Araw ng Pagkabuhay. "
Ipalagay mo sa sarili mo na naririnig mo ang mga salitang iyon. Ito ang iyong tahanan hanggang sa bubuhayin ka ng Allah sa Araw ng Pagkabuhay Muli. Ito ay isang sandali na maaaring puno ng kagalakan o kawalan ng pag-asa dahil ang oras ay maaaring mahaba o maikli, kung anuman ang loobin ng Allah. Tayo ay binigyan ng babala at ang mga pangyayari sa araw na iyon ay malinaw na itinakda para sa atin. Yaong mga wais ay uunawain ito.
Nakaraang Aralin: Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
Susunod na Aralin: Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman