Naglo-load...

Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 1 ng 4)

Marka:

Deskripsyon: Pambungad sa kalipunan ng hadith, pagpapanatili at pahahatid nito. Bahagi 1: Banal na Pagiingat ng Sunnah at unang yugto sa pagtitipon ng hadith.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 102 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,455 (pang-araw-araw na average: 3)


Kinakailangan

·Gabay ng mga Baguhan sa Hadith at Sunnah.

Mga Layunin

·Pambungad sa kalipuan ng hadith.

·Ang pangangailangan at dahilan para sa banal na pagpapanatili ng Sunnah.

·Pahalagahan ang mga salin ng hadith lalo na yaong mga naisulat mula sa kapanahunan ni Propeta Muhammad.

·Alamin ang pamamaraan ng Propeta sa pagtuturo ng Sunnah.

·Alamin ang pamamaraan ng mga kasamahan sa pagaaral ng Sunnah mula sa Propeta.

Arabic Terms

·Hajj – Ang banal na paglalakbay sa Mecca kung saan ang mga nagpipipilgrimahe ay nagsasagawa ng ilang mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, kung saan ang bawat Muslim na nasa hustong gulang ay kinakailangan itong isagawa kahit isang beses manlang sa kanyang buhay sakaling may kakayahan sa buhay at lakas ng pangangatawan.

·Zakah - obligadong kawanggawa.

·Sunnah- ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawain ng Propeta.

·Hadith - (plural – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.

Matapos ang Quran, Sunnah o ang Hadith[1]ay angpangalawang sandigan kung saan nakaguhit dito ang mga katuruan at batas ng Islam. Ang Sunnah ang siyang nagdedetalye ng lahat ng aspeto sa pamumuhay ng isang Muslim kasama na ang pagdarasal, pagaayuno, Hajj, zakah, pagaasawa, diborsyo, pagiingat sa bata, sigalot, at kapayapaan. Kaya't sinuman sa mga bagong yakap sa Islam, tulad ngayon, ay kakailanganin ang Quran at Sunnah. Katulad ng kung paanong ang mga Muslim ay kinakailangang tanggapin at sundin ang Quran, ang isang Muslim ay nangangailangang tanggapin at kumilos ayon sa hadith ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah.

Ang susunod na aralin ay pambungad sa kalipunan ng hadith. Hindi ito sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng pagpapanatili ng hadith. Ang layunin ay para sa paglalahad na ang hadith ay naisulat at naisa-ulo mula pa sa kapanahunan ng Propeta at upang itampok ang ilan sa mga naging pagsisikap ng mga naunang Muslim sa pagpapanatili at paghahatid ng mga katuruan ng Propeta.

Banal na Pag Iingat ng Sunnah

Ang Allah, Ang Kataas-taasan, ay nagsabi sa Quran:

“Katotohanan, Kami ang nagpapanaog ng paalala at katotohanan, Kami ang mangangalaga nito.” (Quran 15:9)

Ang talatang ito na ‘paalala’ ay tumutukoy sa lahat ng ipinahayag ng Allah, kapwa ang Quran at Sunnah. Ang Allah ay nangangako na pangangalagaan ang Quran at ang Sunnah. At ito ay makatwiran lamang. Ang Quran ay ang huling kapahayagan ng Allah at si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay ang huling Propeta ng Allah. Ipinag-utos ng Allah sa mga Muslim na sundin ang Sunnah sa Quran gaya ng nabasa natin sa itaas. Kung hindi napanatili ang Sunnah, ang mga paguutos na ito sa atin ng Allah ay imposible: sundin ang Sunnah na kung saan alinman man sa ito ay hindi napanatili o wala! Dahil sa, ito ay sasalungat sa banal na katarungan, nararapat lamang na panatilihin ng Allah ang Sunnah. Katulad ng malalaman natin sa araling ito, ang Allah, sa pamamagitan ng tao ay gumamit ng ibat-ibang paraan upang mapanatili Niya ang Sunnah.

Unang Yugto sa Kalipunan ng Hadith

Ang paghahatid ng Hadith sa kapanahunan ng Propeta

Ang paghahatid ng mga gawi at kasabihan ng Propeta mula sa isang tao patungo sa iba ay nangyari sa pamamagitan ng nakasulat at pananalitang paraan. Sa katotohanan, ang Propeta mismo ang nagtagubilin sa paghahatid ng kanyang itinuro. Mayroong matibay na makasaysayang katibayan na kapag may yumayakap sa Islam, ipinapadala ng Propeta sa kanila ang isa o ilan sa kanyang mga kasamahan na hindi lamang itinuturo sa kanila ang Quran, kundi'y ipinapaliwanag din sa kanila kung paano isinasagawa ang mga nakapaloob sa Aklat, iyon ay ang Sunnah.

Nang ang pagtatalaga kay Rabi'a ay nakarating sa kanyang sa mga unang araw sa Medina, tinapos ng Propeta ang kanyang mga tagubilin sa kanila sa mga salitang:“Tandaan mo ito at iparating sa mga naiwan mo.”[2] Itinagubilin niya ito sa ibang pagkakataon: “Bumalik ka sa iyong pinamumunuan at ituro sa kanila ang mga bagay na ito.[3]

Naitala rin na ang mga tao ay pumunta sa Propeta at humiling ng mga guro na magkapatuturo sa kanila ng Quran at ng Sunnah: “Ipadala mo sa amin ang magtuturo ng Quran at nang Sunnah.”[4]

Sa panahon ng paglalakbay sa banal na lugar, ang Propeta pagkatapos magtagubilin sa mga Muslim na panatiliing sagrado ang buhay, ari-arian, at dangal ng bawat isang Muslim, ay idinagdag: “Siya na narito ay dapat iparating ang menaheng ito sa mga wala dito.”[5]

Hindi nakapagtataka, na ang mga kasamahan ng Propeta ay may lubos na kamalayan na ang kanyang Sunnah ay kailangang sundin dahil ang kautusan na sundin ang Propeta sa lahat ng bagay ay matatagpuan din sa Quran. Noong si Mu'adh ibn Jabal ay itinalaga ng Propeta bilang gobernador ng Yemen, at tinanong kung paano siya huhukom sa mga kaso, ang kanyang tugon ay “sa pamamagitan ng Aklat ng Allah.” Noong tinanong muli kung sakaling hindi ito matagpuan sa Aklat ng Diyos, siya ay sumagot, “sa pamamagitan ng Sunnah ng Sugo ng Allah.”[6]

Samakatuwid ang Sunnah ay kinikilala bilang madaliang patnubay sa mga usaping pangrelihiyon noong kapanahunan ng Propeta. Itinuro niya ang Sunnah sa tatlong pamamaraan:

(1) Pagtuturo sa pamamagitan ng Pananalita: Ang Propeta mismo ang siyang tagapagturo ng kanyang Sunnah. Upang mapadali ang pagsasa-ulo at pag-unawa para sa kanyang mga kasamahan, inuulit niya ng tatlong beses ang mga importanteng bagay. Pinakikinggan niya ang kanyang mga Kasamahan sa kanilang mga natutunan matapos niyang turuan sila. Ang mga Panauhin mula sa ibang mga tribo ay tinatanggap ng mga taga-Medina upang ituro sa kanila ang Quran at ang Sunnah.

(2) Pagdidikta sa mga tagapagsulat: Ang Propeta ay mayroong tinatayang 45 mga tagapagsulat na may malawakang tungkulin sa pagsusulat. Nagpapadala siya ng mga liham sa mga hari, mga pinuno, lider ng mga tribo, at mga sa gobernador na Muslim. Ilan sa mga ito ay naglalaman ng mga usaping legal tulad ng zakah, buwis, at mga paraan ng pagsamba. dinidiktahan ng Propeta ang ilan sa kanyang mga kasamahan katulad nina Ali ibn abi Talib, Abdullah bin ‘Amr bin al-Aas, at ipinagutos na ibigay ang kopya ng kanyang huling Khutba kay Abu Shah ng Yemen.

(3) Praktikal na Paghahalimbawa: Itinuro ng Propeta ang pamamaraan ng paglilinis, pagdarasal, pagaayuno, at pilgrimahe. Sa bawat usapin ng buhay, ang Propeta ay nagbibigay ng mga praktikal na leksyon na may malinaw na tagubilin upang sundin at isabuhay. Sinabi niya, ‘Magdasal kayo kung paano ninyo ako nakitang nanalangin. ’, at ‘alamin mula sa akin ang mga ritwal ng Hajj’ Nagtatag siya ng mga paaralan, iniutos sa kanila na magpalaganap ng kaalaman, hinikayat sila na magturo at magaral sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila ng mga gantimpala para sa mga guro at magaaral.

Gayundin, ginamit ng mga kasamahan ang lahat ng tatlong pamamaraan ng pag-aaral na isinakatuparan ng Propeta sa pagtuturo sa kanyang Sunnah:

(a) Pagmememorya: Matamang nakikinig ang mga kasamahan sa bawat salita ng Propeta. Natutunan nila ang Quran at hadith mula sa Propeta habang nasa moske. Kapag umaalis ang Propeta sa anumang dahilan, sinusubukan nilang alalahanin ang kanilang mga natutunan. Si Anas bin Malik, ang tagapaglingkod ng Propeta, ay nagsabi:

“Nakaupo kaming kasama ang Propeta, siguro ay nasa animnapu ang bilang, at ang Propeta ay nagturo ng hadith. Ilang saglit lang ay umalis siya sa kung anumang pangangailangan, sinikap naming isa-ulo ang kanyang mga sinabi, sa aming paglisan para bagang ito ay natanim na sa aming mga puso.”[7]

Dahil imposible para sa kanilang lahat na dumalo sa pagaaral kasama ang Propeta, ang mga hindi nakasama ay natututo sa mga nakadalo. Ilan sa kanila ay nagkasundo na halinhinang dumalo sa pagaaral kasama ang Propeta, gaya ng ginawa ni Umar sa kanyang kapit-bahay. Si Sulait, isa sa mga kasamahan ng Propeta, ay binigyan ng lupain ng Propeta. Nakasanayan niyang manatili roon ng ilang panahon, at kapagdaka'y bumabalik sa Medina upang matutunan ang itinuro ng Propeta habang siya ay wala. Ikinahiya niya ang hindi pagdalo sa pagaaral ng propeta, kung kaya't hiniling niya sa Propeta na bawiin ang lupain dahil pinipigilan siya nito na makadalo sa pagaaral ng Propeta.[8]

(b) Pagtatala: Natutunan ng mga Kasamahan ang hadith sa pamamagitan ng pasusulat din nito. Ang unang halimbawa ng kasamahan na sumulat ng hadith ng Propeta ay si Sahifah ng Hummam ibn Munabbih na tinalakay sa susunod na aralin. Ang pangalawang halimbawa ay si As-Sahifah As-Sadiqah, isang nakasulat na kalipunan ng hadith na pagaari ng Kasamahang si Abdullah bin ‘Amr ibn Al-As. Si Abdullah ay nagsabi,

“Kinausap ko ang Sugo ng Allah para sa kapahintulutan na isulat ang aking mga narinig mula sa kanya at pinahintulutan niya ako kung kaya't itinala ko ito.”[9]

Si Imam Ahmad Musnad ay mayroong 626 hadith mula kay Abdullah. si Bukhari ay mag-isang itinala ang 8 at si Muslim ay nagtala naman ng 20, 7 sa mga iyon ay may pagkakapareho.

(c) Pagsasagawa: Isinasabuhay ng mga Kasamahan ang anuman sa kanilang naisaulo at naisulat. Sapat na upang malaman na si Ibn Umar ay umabot ng walong taon upang matutunan ang Surah Al-Baqara.

paksa



Talababa:

[1] Ang salitang hadith ay kadalasang ginagamit din sa pangmaramihan.

[2] Mishkat

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Saheeh Muslim

[5] Saheeh Al-Bukhari

[6] Tirmidhi and Abu Dawud

[7] Khatib, al-Jami.

[8] Abu ‘Ubaid, al-Amwal.

[9] Ibn Sa’d.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 1 ng 4)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.