Naglo-load...

Pamamaraan ng Pag-aaral para sa Bagong Muslim (part 1 of 2): Unahin ang Mahalaga

Marka:

Deskripsyon: Bakit kinakailangan na panatilihin ang pagtuon ng pansin na matutunan ang mga paniniwala sa Islam at ang pagdasal ng isang bagong yakap sa Islam (Muslim).

Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 170 - Nag-email: 0 - Nakakita: 16,690 (pang-araw-araw na average: 7)


Layunin

·Upang matutunan ang pag-aaral sa sistematikong paraan, na nakatuon sa mga pangunahin at pinakamahahalagang bagay.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Shahadah – Pagpapahayag / Pagpapatotoo ng Pananampalataya

·Sahabah - katawagan (pang maramihan) sa salitang “Sahabi,” na ang ibig sabihin ay kasamahan. Ang sahabi, ay salitang madalas na din gamitin ngayon, tumutukoy ito sa tao na nakakita kay Prophet Muhammad, naniwala sa kanya at namatay na Muslim.

·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang rekord ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.

StudyMethodology1.jpgAng pagiging isang Muslim ay kasingdali ng pagbigkas ng Shahadah(o Pagpapahayag ng Pananampalataya), ngunit ang pamumuhay na Islamiko ay kinakailangan na ang bawat Muslim ay maghanap ng kaalaman tungkol sa kanyang bagong relihiyon. Sa sandaling ang isang tao ay yakapin ang Islam nagiging obligado sa kanya na alamin kung paano ang tamang pagsamba sa Allah, sa paraan na kalugod lugod sa kanya. Mula sa libu-libong mga tunay na ahadith , natuklasan natin na ang Propetang si Muhammad ay labis na nagpapahiwatig ng kahalagahan ng paghahanap ng kaalaman.

“Ang paghahanap ng kaalaman ay isang obligasyon sa bawat Muslim.”[1]

Sa araling ito ibabalangkas natin ang isang iminungkahing pamamaraan na maaaring sundin ng isang tao at kayang maunawaan ang matatag na pundasyon tungkol sa mga prinsipyo ng Islam.

Bago tanggapin ng isang tao ang relihiyong Islam, mas mainam na nauunawaan niya kung ano ang ipinahihiwatig ng Islam, subalit ito ay hindi palaging madali at posible . Kadalasan ang isang tao na naniniwala ng buong puso na walang ibang tunay na diyos maliban sa nag iisang Diyos ay naoobliga na tanggapin ang Islam. Ito ang karaniwan at nararapat na gawin, sapagkat ang Islam ay relihiyong hindi mahirap isagawa ; may oras para sa taong yumakap nito na matuto pagkatapos nilang yakapin ang pananampalatayang Islam. Una sa lahat, sapat na para sa isang tao na naniniwala na iisa lamang ang Diyos na karapat-dapat na sambahin at si Muhammad ay Kanyang Sugo

Subalit ang Islam ay higit pa sa relihiyon; ito ay kaparaanan ng pamumuhay. Dinisenyo ng ating Tagapaglikha sa paraan na ang bawat kilos ng isang tao ay maaaring maging isang paraan ng pagsamba. Itinuturo sa atin ng Islam ang kaparaanan kung paano kumilos ng tama sa anumang kinahaharap na sitwasyon, mula sa pagtulog, pananamit, pagkain at paghahanap buhay, at ganun din kung paano gumamit ng palikuran at kung paano maligo. Para sa isang hindi Muslim, Ang Islam ay nakahihigit lamang ng kaunti sa listahan ng impossibleng mga tuntunin at regulasyon, maaaring ito din ang pag unawa sa Islam ng ibang yumayakap dito bilang kanilang bagong paniniwala, lalo na iyong mga walang sapat na kaalaman patungkol sa Diyos, ang bukod-tanging karapat dapat na sambahin.

Kung kaya ang paksang ito ay pinaka mahalagang aralin – Paniniwala at Pagkilala sa Allah. Ang Quran ay ipinahayag kay Propeta Muhammad sa loob ng dalawampu't-tatlong (23) taon at tinuruan niya ang mga Sahabah tungkol sa Allah sa loob ng labing-tatlong (13) taon bago niya inumpisahang ipakilala ang sistema ng panuntunan na nagbigay daan sa pagkakatatag ng Islamikong Pamunuan. Kaalaman patungkol sa Allah at Paniniwala sa Kanya ay ang matatag na pundasyon ng Islam.

Sa sandaling ang isang tao ay maniwala na ang Allah ay umiiral, dapat niyang hanapin ang kaalaman na magpapatatag ng paniniwala na ito sa kanyang isipan at puso. Dapat malaman ng isang tao ang mga Katangian at Pangalan ng Allah upang maunawaan niya ang lahat ng perpekto at ganap na kabutihan na nabibilang sa Kanya, at walang depekto o mali ang naaangkop sa Kanya. Sa madaling sabi, ang pag-ibig ng Allah para sa Kanyang nilikha ay napakalawak at lampas sa imahinasyon ng tao; hindi natin masusukat o mabibilang ang mga biyaya at pagpapalang ipinagkakaloob Niya sa atin. Nilikha Niya ang kaisipan ng tao upang maunawaan ito at upang maghanap ng kaalaman upang kumpirmahin ito.

Ang paniniwala sa Allah ay ang unang saligan ng pananampalataya, at ang pagpapahayag ng paniniwalang ito ang una sa limang haligi ng Islam.[2] Kaya maliwanag na ang paniniwala sa Allah at pag-alam tungkol sa Kanya ay isa sa dalawang pinakamahalagang bahagi ng kaalaman na makakamit ng isang Muslim. Ang isa pa, ay matuto kung paano isagawa ang pag darasal (salah).

Ang sinumang Muslim na hindi isinasagawa ang pagdarasal (salah) nang walang sapat dahilan ay gumagawa ng mabigat na kasalanan. Subalit alalahanin natin, ang Allah ay hindi nangangailangan ng panalangin mula kaninuman, sapagkat Siya ay malaya sa lahat ng mga pangangailangan, ang mga tao ang nangangailangan ng panalangin. Ang mga benepisyo na maaaring makuha ng isang tao mula sa panalangin ay hindi masusukat. Nagpapadalisay ito ng puso, pinagiginhawa ang kaluluwa, nagpapaunlad ng kaisipan, pinalalalakas ang moral at kabutihang asal at nagtataboy sa kasamaan, kalaswaan o di-makatarungang mga gawa.

Ang Islamikong pagdarasal (Salah) ay magkakasunud-sunod na pisikal na paggalaw na may kasamang pagbigkas ng Quran ay isang natatanging koneksyon sa pagitan ng tao at ng kanyang Tagapaglikha. Ito ay nagsisimula sa unang kabanata ng Quran, kabilang ang pagyuko at pagpapatirapa habang ipinapahayag ang Kadakilaan, Kaluwalhatian at Kamahalan ng Diyos. Ang pag aralan kung paano magdasal (salah) ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng kaalaman na matututuhan ng isang Muslim.


Talababa:

[1] At Tirmidhi

[2] Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga haligi ng Islam at mga haligi ng pananampalataya, bisistahin: http://www.newmuslims.com/lessons/31/

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pamamaraan ng Pag-aaral para sa Bagong Muslim (part 1 of 2): Unahin ang Mahalaga

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.