Naglo-load...

Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Dalawang aral ang magbibigay ng liwanag sa Islamikong mga patakaran at mga alituntunin ng kinatay na mga karne at ang umiiral na mga kasanayan sa mga bahay-katayan sa Kanluran at magbibigay ng gabay sa kung saan bibili ng karne.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 08 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 84 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,157 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin

·Upang maunawaan ang pamamaraan ng bahay-katayan sa Kanluran para sa manukan at bakahan at ang Islamikong mga kapasyahang may kaugnayan sa mga ito.

·Upang maunawaan ang kapasyahan sa karne na tungkol dito ay hindi alam kung sino ang kumatay at papaano, katulad ng karneng matatagpuan sa pamilihan ng isang karihan.

·Praktikal na mga payo sa inyong pagbili ng karne.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Shariah– Islamikong Batas.

·Halal - ipinahihintulot.

·Haram - Bawal o ipinagbabawal.

Mga Pamamaraan ng Bahay-katayan sa Kanluran

Mayroong maraming dokumentadong katibayan ang mga pamamaraan ng bahay-katayan sa Kanluran.

Mga Pamamaraan ng Manukan

·Shackling (Sagkaan):

Meat_of_Ahl_ul_Kitab_Part_2._001.jpgSa bahay-katayan, ang mga ibon ay pinananatili sa mga trak nang walang pagkain o tubig sa loob ng 1 hanggang 9 na oras o higit pa na naghihintay upang katayin. Sa loob ng planta, sa "buhay-bigtihang" lugar, ang mga ito ay nagsisiksikan sa isang bakal na sabitang nag-iipit sa mga ito ng patiwarik mula sa paa ng mga ito.

·Stunning Tank for Electrical Immobilization (Tangke ng Tuligan para sa Elektrikal na Imobilisasyon):

Ang mga ulo ng ibon at itaas ng mga katawan ay kinakaladkad papasok sa isang may pumipilansik na tubig na labangan na tinatawag na "stunner" (tuligan). Ang tubig na ito ay malamig at inasinan upang maghatid ng kuryente. Ang layunin nito ay upang patigasin, upang panatilihin ang mga ito sa hampas at upang maparalisa ang mga kalamnan ng balahibo ng mga ito upang mapalabas ang mga ito nang madali. Kung minsan ang makina ay pumapalya at ang manok ay naiiwang nakabitin sa tubig na ito ng maraming oras.

·Pagputol ng Leeg

Matapos kaladkarin sa pamamagitan ng "stun" na pagpapaligo, ang mga ibon na ang kanilang mga leeg na bahagyang hiwa sa pamamagitan isang umiikot na makinang patalim at/o isang manu-manong pamutol ng leeg. Maraming pagkakataong ang mga ugat ay namimintisan habang nakatarak ito sa leeg ng ibon.

·Bleed-Out Tunnel and Scalding Tank (Paduguang Lagusan at Napakainit na Tangke):

Buhay pa rin - ang industriya ay sadyang pinapanatili ang mga ibong buhay habang nasa proseso ng pagkatay upang ang kanilang mga puso ay nagpapatuloy sa pagbomba ng dugo - pagkatapos ay ibibitin ang mga ito ng patiwarik sa loob ng 90 segundo sa isang paduguang lagusan kung saan dapat silang mamatay mula sa pagkaubos ng dugo, subalit milyun-milyong mga ibon ang hindi namamatay, habang may di-tukoy na bilang ng mga ibon ay nalulunod sa mga lawa ng dugo kapag ang conveyer belt (sinturong tagapaghatid) ay sumawsaw ng masyadong malapit sa sahig. Patay o buhay, ang mga ibon ay ilalaglag sa mga tangke ng maligamgam na tubig. Noong 1993, mga 7 bilyong mga ibon ang kinatay sa mga pasilidad ng Estados Unidos, mahigit sa 3 milyong mga ibon ang natubog sa napakainit na mga tangke nang buhay.[1] Ayon sa isang dating manggagawa ng bahay-katayan, kapag ang mga manok ay dinudusdos ng buhay, ang mga ito ay "nagkakakawag, nagtititilaok, nagsisisipa, at ang kanilang mga mata ay lumabas sa kanilang mga ulo. Madalas ang mga itong lumalabas sa kabilang dulo ng bali-bale ang mga buto at sira at may nawawalang mga bahagi ng katawan dahil sa matinding pagpupumiglas ng mga ito sa tangke."

·Mula sa pananaw ng Shariah, ang pamamaraang ito ay problema dahil sa sumusunod na mga kadahilanan:

(a) Ang stunning (panunulig) ay maaaring humantong sa kamatayan. Ilang mga pagtatantiya ay nagpapakitang hanggang sa 90% ng mga manok ay namamatay dahil sa pagkaka-kuryente. Kapag nagkaganito, ang manok ay namamatay na bago pa ang leeg nito ay maputol at itinuturing na patay na.

(b) Ang mga patalim ng mga makinang pamutol-leeg ay kadalasang nagmimintis sa leeg o nahihiwa ito nang bahagya. Ang industriya ng manok ay may natatanging katawagan para sa gayong manok, 'redskins (pulang balat).' Ang mga ito ay kalaunang nakakatay sa napakainit na tangke. Ang ganitong mga manok ay maituturing na patay na rin.

(c) Kapag ang isang makina ay lumalaslas ng mga lalamunan, hindi posibleng masambit ang Bismillah para sa bawat manok. Sa kadalasan ay maaaring bigkasin ito ng tao bago paandarin ang makina. Ang pagsambit ng Bismillah sa oras ng pagkatay ay isang pangangailangan para sa karne ng hayop para maging halal.

Mga Pamamaraan ng Paghahayupan

Bago ang pagkatay, ang mga baka sa Kanluran ay itinatago sa tinatawag na 'feedlot' - o lungsod ng baka. Sa halip na damo, ay pinakakain ang mga ito ng mais, na kung saan ay mura, upang patabain ang mga ito sa maikling panahon. Ang mais ay lumilikha ng mga problema sa kalusugan, kaya binibigyan sila ng antibiotiko. Mayroong hanggang 100,000 mga hayop sa loob ng dalawang daang ektarya. Ang mga baka ay may halos sapat lamang na puwang upang tumayo, natutulog sila at namamahinga sa dumi. Ang unang ginagawa ay pag-aalis ng dumi kapag dumating na ang mga ito sa bahay-katayan mula sa feedlot. Ito ay isang mahirap na proseso; ang ilan ay napapahalo sa karne. Ang dumi ay nagtataglay ng E-Coli at iba pang mga pathogens. Iyon ang dahilan kung bakit ang karne ay kumikintab.

Sa Estados Unidos, ayon sa batas, ang mga hayop ay dapat tuligin sa pamamagitan ng pagkuryente, gaas, pagpalo sa ulo gamit ang maso, o ang pagbaril sa pagitan ng mga mata mula sa isang naglalaman ng ispring na tornilyo (na kilala bilang 'captive bolt system') bago isabit ng patiwarik at katayin sa kanilang mga lalamunan. Habang nasa ganitong yugto ng proseso ay tanging dalawang ugat na jugular ang lalaslasin at ang esopago at ang daang hingahan ay naiiwang buo.

Narito ang isang tipikal na pamamaraan: isang taong may hawak ng isang bagay na tila isang malakas na pampakong baril, na tinatawag na stunner na nagpapasok ng tornilyong bakal sa utak ng baka, sa pagitan ng mga mata. Ito ay halos kasing sukat at haba ng isang matabang lapis. Ito ay nagdudulot sa hayop na mamatay ang utak.

Ang isa bang stunned (tinulig) na hayop ay halal pagkatapos itong katayin ng isang Muslim, Hudyo, o Kristiyano? Sa ilang mga kaso ang mga hayop ay tiyak na namamatay bago nakakatay na kung saan gagawaran ang mga itong haram. Ang mga iskolar na nakasaksi sa ilan sa mga pamamaraang ito ay nag-aalinlangan kung ang hayop ay buhay pagkatapos ng pagbaril sa pagitan ng mga mata. Sa ilang mga kaso, ang pagkuryente at pag-gaas ay nagdudulot din ng tiyak na kamatayan sa pamamagitan ng asphyxiation (kawalan ng hangin sa paghinga). Ito ay tila naging isang tampok ng imbestigasyon para sa Muslim na mga dalubhasa. Sa kaliit-liitan ay ang stunning (pagbaril sa pagitan ng dalawang mata) na hayop sa ganitong paraan ay isang kaduda-dudang kasanayan at ito ay sulit na banggiting ang mga Hudyo ay hindi ginagawa ito.

Ang Pagkain ng Karneng Ibinibenta sa Kanlurang Pamilihan ay Hindi Maituturing na Halal Dahil sa Sumusunod na mga Kadahilanan:

(a) Walang paraan upang malaman ang relihiyon ng taong nagsasagawa ng pagkatay, dahil maraming tao ang nagtatrabaho sa mga bahay-katayan na mga Hindu, Sikh, Budista, ateista, at mga taong walang relihiyon.

(b) Kung ang karamihan sa mga taong naninirahan sa lugar kung saan matatagpuan ang isang bahay-katayan ay mula sa mga Angkan ng Kasulatan, walang paraan upang malaman kung ang tagakatay ay isang Amerikanong may Kristiyanong pangalan dahil maraming mga tao sa Kanluran ngayon ay mayroong Kristiyanong mga pangalan, subalit hindi sila mga Kristiyano.

(c) Kahit na ipinapalagay na ang tao ay isang Kristiyano, ang karamihan sa mga pamamaraan na ginagamit sa mga bahay-katayan ay magagawaran ang hayop ng hayagang haram o sa hindi bababang alinlangan (tulad ng mga tinulig na baka).

Dahil sa mga pagsasaalang-alang sa itaas, ang isang Muslim ay hindi pinahihintulutang bilhin ang kanyang karne mula sa mga pamilihan sa Kanluran maliban kung may katiyakang ang karne ay kinatay ayon sa mga pamantayan ng Shariah.

'Si Adi ibn Hatim ay iniulat: tinanong ko ang Sugo ni Allah tungkol sa pangangaso. Sinabi niya: Kapag itinudla mo ang iyong palaso, sambitin ang pangalan ni Allah, at kung makita mo ang palaso ay katayin ito pagkatapos kainin, maliban kapag natagpuan mong ito ay bumagsak sa tubig, sapagkat sa gayong kaso ay hindi mo alam kung tubig ang sanhi ng kamatayan nito o ang iyong palaso.[2]

Ang hadith na ito ay nagpapahiwatig: kung may ilang mga palatandaan ng karne sa pagiging halal at ang ilan sa mga ito ay haram, ang mga palatandaan ng haram ang siyang bibigyan ng pagkiling. Gayundin, ang karne ay itinuturing sa pagiging hindi pinahihintulot, hanggang sa mapatunayan sa pagiging halal na binanggit ng maraming mga hukom.

Paano Kung Hindi Natin Alam Kung Ang Pangalan ng Diyos ay Sinambit sa Karneng Kinatay ng isang Hudyo o Kristiyano?

Walang anumang iskolar na pagtatalo, ito ay pinahihintulutan sa ganitong kaso.

Karneng Kinatay ng mga Pagano, Hindu, at Ateista

Ang mga iskolar ay sumang-ayong ang ganitong kinatay na karne ay haram at hindi maaaring kainin.

Kung ang isang Hindu o sinumang politeista ay hindi kinatay ang karne mismo, subalit bumibili ng halal na karne, magkagayun ay maaari niya itong kainin.

Paano Kung Hindi Tukoy ang Siyang Kumatay Nito At Kung Papaano Kinatay, Katulad ng Karneng Matatagpuan sa Pamilihan ng isang Karihan?

(i) Kung ito ay matatagpuan sa isang nakararaming Muslim na bansa ay maaari siyang bumili ng karne mula sa palengke at kainin ito nang walang anumang iskolar na pagtatalo kahit na hindi natin alam ang pangalan ng taong kumatay nito o kung ito ay ginawa ayon sa Shariah. Ito ay dahil sa kung ano ang matatagpuan sa mga lupain ng Muslim ay ipinapalagay itong natugunan ang pamantayang itinakda ng Shariah.

'May mga taong nagtanong sa Propeta na binigyan ng karne ng ilang tao at hindi nila alam kung ang Bismillah ay sinambit dito o hindi. Ang Propeta ay tinuruan silang sambitin ang Bismillah dito at kainin ito.'

(ii) Sa isang bansa kung saan ang karamihan ng mga tao ay kundi man mga Hudyo o mga Kristiyano, ang karne ay hindi maaaring bilhin mula sa mga palengke at hindi maaaring kainin, maliban kung siya ay may katiyakan o may magandang dahilan upang paniwalaang ito ay kinatay nang maayos ng isang Muslim o isang Hudyo o Kristiyano.

(iii) Kung ito ay natagpuan sa isang bansa kung saan ang halal at haram na karne ay parehong matatagpuan, magkagayun ay hindi pinahihintulutan dahil sa pagdududa; dahil sa isang sitwasyon kung saan ang halal at haram ay magkasamang umiiral, ang pagkatig ay ibibigay sa haram; samakatuwid, dapat niyang iwasan ang naturang mga karne. Ito ang katayuan ng karamihan ng mga iskolar. Ito ay batay sa hadith ni 'Adi na nagtanong, 'Ipagpalagay na ipapadala ko ang aking aso subalit may natagpuan akong ibang aso sa laro, at hindi ko alam kung aling aso ang nakahuli dito? 'Ang Propeta ay sumagot,' Huwag kainin ito, dahil sa habang sinambit mo ang pangalan ni Allah sa iyong aso, hindi mo sinambit ito sa iba pang aso.

(iv) Kung ito ay natagpuan sa isang lupain kung saan ang karamihan ng mga tao ay mga Hudyo at mga Kristiyano, ang orihinal na kapasyahan ay katulad ng sa mga lupain ng Muslim sapagkat ang kanilang karne ay pinahihintulutan katulad ng sa mga Muslim. Subalit, kapag ito ay tiyak na nakilala o may magandang dahilan upang maniwalang hindi nila kinatay ayon sa pamantayang itinakda ng Shariah, magkagayun ay hindi pinahihintulutang kainin ang kanilang karne maliban kung ang tamang pagkakatay ay natiyak. Ito ang nangingibabaw na kaso sa Kanlurang mga bansa na ipinahayag ng maraming iskolar na talagang nanirahan dito o nasiyasat na ang usaping ito habang nasa kanilang pagbisita.

Praktikal na mga Payo

·Manaliksik online para sa halal na pamilihang Muslim sa inyong lugar o kalapit na mga siyudad.

·Makipag-ugnayan sa inyong lokal na moske o magtanong sa Muslim na mga kaibigan para sa impormasyon sa mga pamilihang nagbebenta ng halal na karne.

·Kaugnay sa mga karneng kinatay ng mga Hudyo at mga Kristiyano, pag-iingat ang dapat sanayin na ang mga karne ay nananatiling di-naproseso. Kung sila ay naproseso dapat niyang basahin ang etiketa para sa mga sangkap. Sa maraming mga kaso ang alkohol (pulang alak/puting alak) ay idinagdag sa mga produktong karne upang palambutin atl ang mga ito.

·Ikaw ay maaaring bumili ng hilaw na karne na may tatak na kosher mula sa mga lokal na mga pamilihan.



Talababa:

[1] Freedom of Information Act #94-363, Poultry Slaughtered, Condemned, and Cadavers, 6/30/94

[2] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9