Naglo-load...

Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang ikalawang aralin ay nagpapaliwanag sa Panulat, Ang Pinangalagaang Aklat, ang paglikha sa mga langit, lupa, karagatan, ilog, ulan, at marami pa.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 03 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 94 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,611 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang malaman ang tungkol sa Panulat na sumulat ng tadhana ng lahat.

·Upang malaman ang tungkol sa Pinangangalagaang Aklat

·Upang malaman ang tungkol sa paglikha ng kalangitan, kalupaan, mga ilog, karagatan, araw, buwan, mga anghel, at jinn.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Al-Lawh Al-Mahfuz - Ang Pinangalagaang Aklat.

·Jinn - Isang nilikha ng Allah mula sa apoy na walang usok bago pa man likhain ang tao. Sila ay itinuturing din kadalasan bilang mga ispirito, diwata, engkanto multo at marami pang iba.

Ang Panulat

Story_of_Creation_(Part_2_of_2)._001.jpgPagkatapos ng paglikha sa tubig at ng Trono, nilikha ng Diyos ang Panulat. Nang sabihin ng Propeta na nilikha ng Diyos ang Panulat, sinabi niya na ang Kanyang Trono ay nanatili sa tubig, na may isang patong ng tubig sa ilalim ng Trono ng Diyos..

“Itinalaga ng Diyos ang mga takda ng paglikha limampung-taon bago likhain ang mga kalangitan at kalupaan habang ang kanyang Trono ay nasa ibabaw ng tubig.”[1]

Ano ang mga sukat ng Panulat? Ano ang itsura nito? Wala tayong lubos na kaalaman.

Ang Propeta ay nagsabi, “Sinabi ng Diyos sa Panulat: ‘Sumulat.’ Sinabi nito: ‘O Panginoon, ano ang aking isusulat?’ Siya ay nagsabi: ‘Isulat ang mga kautusan ng lahat ng bagay hanggang sa magsimula ang Oras.’”[2]

Ang Pinangalagang Aklat (Al-Lawh Al-Mahfuz)

Ang Panulat, na nilikha 50,000 taon bago ang mga kalangitan at kalupaan, ay sumulat sa tinatawag na al-Lawh al-Mahfuz, ang Pinangalagaang Aklat. Tinawag ito ng Diyos na al-Lawh Al-Mahfuz dahil ito ay pinangalagaan mula sa anumang mga pagbabago at pinangalagaan din mula sa paglapit dito. Ang lahat ng bagay ay nadoon sa Aklat na iyon, maging, katulad ng sinabi ng Diyos, isang dahon na nalalaglag mula sa puno. Ang lahat ng dapat mangyari, na nangyari, at mangyayari ay nakasulat doon.

Ang ginagawa nito ay itinatatag nito ang tiwala ng mananampalataya sa Allah na ang Kanyang sinulat ay sinulat Niya para sa ating kabutihan, at lahat ay pinangyari na may karunungan. Minsan ay maiisip natin ito, ngunit sa ibang pagkakataon tayo ay pinagiginhawa at napapanatag na malaman na ang Diyos ay alam ang Kanyang ginagawa.

Mga Langit at Lupa

Tungkol sa tinatawag ngayon ng mga siyentipiko na Big Bang, ang Quran ay nagsabi, “Hindi baga nababatid ng mga hindi naniniwala na ang mga langit at ang lupa ay pinagsama bilang isang piraso, pagkatapos ay pinaghiwalay Namin sila at nilikha Namin ang lahat ng nabubuhay mula sa tubig? Hindi ba sila magkagayon maniniwala?” (Quran 21:30)

Batay sa sumusunod na talata, ilan sa mga iskolar ay nagpahayag na nilikha ng Allah ang mga langit bago niya likhain ang mundo, “Kayo baga ay mahirap likhain kaysa sa kalangitan na Kanyang itinatag? Iniangat Niya ito, at pinaging-ganap. At ang gabi nito ay nilukuban Niya ng dilim. At ang umaga nito bago tumanghali ay ginawaran Niya ng liwanag. Pagkatapos ay inilatag Niya ang Kalupaan. At nagkaloobs Siya mula rito ng tubig at pastulan. At ang kabundukan ay itinindig Niya nang matatag; Bilang kapakinabangan sa inyo at sa inyong bakahan.” (Quran 79:27-30)

Ang Allah ay nagsabi sa Quran,

“Katotohanan, ang inyong Panginoon ay Diyos, na lumikha ng mga langit at lupa sa loob ng anim na araw.” (Quran 7:54)

Sa katotohanan ay hindi kailangan ng Allah ang anim na araw, sasabihin lang ng Diyos, “Maging,” at ito ay magaganap. Bakit nilikha ng Diyos na anim na araw kaysa isang segundo lang o mas kaunti pa? Marahil, nais ng Diyos na turuan tayo ng isa sa mga kaibig-ibig Niyang katangian, na kung saan ay ang pagdadahan-dahan sa lahat ng bagay at pagpaplano ng maayos.

Karagatan, Mga Ilog, at Ulan

Sinabi sa atin ng Allah na Siya ang Nag-iisang lumikha ng mga langit at lupa, nagpadala ng ulan mula sa kalangitan, nagkaloob ng mga prutas at kabuhayan para sa ating ikabubuhay. Ang nagkaloob sa atin ng mga dagat at mga barko upang maglayag sa mga karagatang ito. Inilagay niya ang mga ilog upang tayo ay paglingkuran at inilagak ang araw at buwan sa sarili nitong mga pag-inog. Siya ang nagtalaga sa gabi at araw upang maglingkod sa atin. Sinabi ng Allah na ibinigay Niya ang lahat ng ating kailangan upang tayo ay mabuhay. Kung susubukan nating bilangin ang mga pagpapala ng Allah, hindi natin ito magagawa. (tignan ang Quran 14:32-34).

Pinakikinabangan natin ang lupa sa hindi mabilang na mga paran. Kung titingnan mo ang ibabaw ng lupa, sinasabi ng Allah na ginawa Niya itong espesyal para sa atin, ibig sabihin ay madali itong tahakin. Ngayon isipin kung ang ibabaw ng lupa ay parang mga bundok at lahat tayo ay nakatira sa mga rehiyon na malubak at mahirap lakaran. Ginawa niyang malambot ang ibabaw nito upang makapaghukay tayo dito at magtanim ng mga bagay. Kasabay nito, Ginawa Niyang matibay at matatag ang lupa upang makagawa ng konstruksiyon at gusali mula sa mga materyales nito. Nilikha rin Niya ang gravity upang hindi tayo magsipangalat sa kung saan.

Araw at Buwan

Ang araw ay isang kahanga-hangang likha ng Allah at matatagpuan mong maging ang Allah ay sumumpa sa araw sa Kabanata Ash-Shams upang magbigay ng higit na pagpapahalaga sa kaloob na ito na binigay Niya sa atin. Maraming mga relihiyon sa nakaraan ang nagtalaga ng mga natatanging katangian sa araw; maraming tao ang sumamba sa araw. Ang Allah ay nagsabi,

“at kabilang sa Kanyang mga tanda ay ang gabi at araw at ang araw at buwan. Huwag magpatirapa sa araw o sa buwan, subalit magpatirapa sa Diyos, na lumikha sa kanila, kung ikaw [ay tunay] na sumasamba sa Kanya.” (Quran 41:37)

Sa araw, buwan, at mga bituin ay marami kayong mga paniniwala at maging matatalinong tao ay mayroong kakaibang mga pinaniniwalaan. Ang mga tao ay kadalasang gumagamit ng lohika tungkol sa mga pamahiin. Mayroon kayong astrology, horoscope at ilang kaparehong mga bagay na walang kabuluhan, ngunit nagbibigay sila sa tao ng pagasa alinman sa wala naman talagang katotohanan o nagbibigay ng dahilan upang magalala. Lubos na ipinagbabawal ng Islam ang pagpunta sa mga manghuhula o paniniwala sa kanila.

Paglikha sa mga Anghel

Pagkatapos, nilikha ng Diyos ang mga anghel mula sa liwanag. Wala silang kakayahang sumuway sa Kanya at ginagawa lamang kung ano ang ipinag-utos sa kanila. Sila ay responsable na isakatuparan ang napakarami at ibat-ibang tungkulin. Halimbawa, Si Gabriel ay may tungkuling magparating ng kapahayagan mula sa Diyos patungo sa mga sugo. Ang Diyos sa katuruan Niya tungkol sa mga anghel, ay nilinaw sa atin ang karangalan ng mensahe habang ito ay ibinababa sa mga sugo, kabilang na ang marami pang bagay.

Ilan sa mga katangi-tangi patungkol sa Islamikong paniniwala sa mga anghel ay ang hindi natin paniniwala sa mga makasalanang anghel, at hindi tayo naniniwala na ang demonyo ay dating anghel.

Karagdagan, hindi robot ang mga anghel. Marami silang mga katangian; nagmamahal sila at nagagalit, nagdarasal, nakatuon sa ilang mga tiyak na bagay, ngunit ang lahat ng ito ay saklaw ng pagsunod sa Diyos.

Paglikha sa Jinn

Sila ay nilikha mula sa apoy, ngunit hindi lamang sila basta nilikha mula sa anumang uri ng apoy, ngunit sa walang usok na ningas.[3] Nilikha sila ng Diyos bago tayo. Ang kanilang layunin ay sa diwa ng katulad na layunin ng sa tao: upang sumamba at maglingkod lamang sa Diyos.

Paglikha sa Tao

Ang unang tao na nilikha ay si Adam. Ang kuwento ng kanyang paglikha at mga sumunod na pangyayari ay detalyadong natalakay sa ibang hanay ng mga artikulo sa ating site. [4].



Talababa:

[1]Saheeh Muslim

[2] Abu Dawud

[3] Upang higit na malaman ang tungkol sa kanila, mangyaring tignan sa: http://www.newmuslims.com/lessons/184/ [2 parts]

[4]Upang makita ang hanay ng mga aralin, pindutin dito: http://www.newmuslims.com/lessons/326/ [2 bahagi]

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.