Naglo-load...

Mga Sulyap sa Buhay ni Propeta Moses

Marka:

Deskripsyon: Ang mga pangyayari mula sa talambuhay ni Propeta Moses na nagtuturo sa atin ng mga mahahalagang aral na angkop din ngayon na gaya noon sa kapanahunan ni Propeta Moses.

Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 108 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,126 (pang-araw-araw na average: 4)



Layunin:

·Upang suriin ang ilang mga pangyayari sa buhay ni Propeta Moses at talakayin ang mga ito kaugnay sa kung anong payo ang maaari nating kunin at gamitin sa sarili nating pamumuhay bilang mga Muslim sa ika-21 siglo.

Mga Katawagan sa Arabik:

·Musa - ang tawag sa Arabik kay Moses.

·Salah - ang salitang Arabik upang tukuyin ang direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam ay tumutukoy ito sa taimtim na limang beses na pang-araw-araw na pagdarasal at ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.

GlimpsesProphetMoses.jpgSa isang madilim na gabi sa anino ng Mt. Tur, ipinagkaloob ng Allah ang pagiging Propeta kay Moses at nakipag-ugnayan sa kanya sa isang maikli ngunit hindi pangkaraniwang pag-uusap. Ito ay isang pag-uusap na nagturo kay Moses ng mga aral tungkol sa kanyang sarili, tungkol sa kanyang mundo, tungkol sa likas na katangian ng sangkatauhan, at tungkol sa natatanging katangian ng Allah. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na itinuturo ang mga mahahalagang aral sa sangkatauhan. Sa pang-araw-araw, ang mga salita sa Quran ay nakapagpapabago ng buhay. Ang mga aral na natutunan sa kasaysayan ni Moses ay may kaugnayan sa kasalukuyan dahil ang mga ito ay nangyari sa nakalipas na libu-libong mga taon.

Ang kasaysayan ni Moses ay nagtuturo sa atin sa kahalagahan ng pagtitiwala sa Allah; ito ay nagpapakita na ang mga plano ng Allah ay mapagtatagumpayan, anumang tagumpay, pagsubok, o pagdurusa ay nagtuturo sa atin na walang kaginhawahan mula sa mga pagpapahirap sa mundong ito maliban sa pag-alala at sa pamamagitan ng paghahangad na mapalapit sa Allah. Ang pagbabasa at pag-aaral sa buhay ni Moses ay nagpapakita na maaaring palitan ng Allah ang kahinaan ng kalakasan at kabiguan ng tagumpay; at tinutulungan ng Allah ang mga matutuwid sa di natin maisip kung saan nanggagaling.

Sa boung buhay ni Moses ang Ehipto (Egypt) ay ang kilalang pinakamalakas sa mundo. Ang mga kayamanan at kapangyarihan ay nasa mga kamay ng iilan, at ang mga buhay at pamumuhay ng karamihan ay di nabibigyan ng importansya. Ang sitwasyong pampulitika ay halos kahalintulad sa pampolitikong mundo ng ika-21 siglo. Kung saan ang mga kabataan sa mundo ay ginagamit bilang pambala sa kanyon para sa laro at digmaan ng mga pinakamalalakas at makapangyarihan bansa sa mundo, ang kasaysayan ni Moses ay lalong akma (katulad sa nangyayari sa panahon natin ngayon). Tinuturuan tayo nito kung paano sundin ang mga kautusan ng Allah at itinuturo nito sa atin kung paano malagpasan itong mundo kung saan ang pagtatamo (ng mga makamundong bagay) at kapangyarihan ay mas mahalaga kaysa sa relihiyon.

Upang mabasa ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa buhay ni Propeta Moses, mangayaring bisitahin ang:
http://www.islamreligion.com/articles/3366/viewall/

Aralin 1

Pagtibayin ang Pagdarasal (Salah)

Si Moses ay may taglay na di pangkarinawang lakas na personalidad, kahit na noong kanyang kabataan pa niya, napagtagumpayan niya ang mga kahila-hilakbot na mga pangyayari o kaganapan sa kanyang buhay. Siya ay tumakas mula sa Ehipto dahil sa banta sa kanyang buhay, tumawid sa disyerto at natagpuan ang bagong buhay sa isang bagong lupain ngunit sa kalaunan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari siya ay hinila pabalik sa lupain kung saan siya isinilang. Sa kadiliman ng gabi, sa lilim ng isang bundok, ang liwanag ng isang apoy ay nagdala kay Musa sa isang kamangha-manghang pag-uusap. Isipin ang kanyang pagkabigla at pagkamangha nang matagpuan ang kanyang sarili na nakatuon sa pakikipag-usap sa Allah, ang Makapangyarihan sa lahat. Pagkatapos utusan na alisin ni Moses ang kanyang mga sapatos, ay ipina-alala sa kanya ng Allah ang obligasyon ng mga tao sa Kanya.

“Katotohanan! Ako ang Allah! walang may karapatan na sambahin maliban sa Akin, kaya Ako ay sambahin, at itaguyod ang panalangin (Salah) para sa Pag-alala sa Akin (Qur'an 20: 14)

Sa pag-uusap na ito ang pagdarasal (Salah) ay ipinag-utos kay Moses at sa kanyang mga tagasunod. Ang Salah ay ipinag-utos rin kay Propeta Muhammad (SAW) at sa kanyang mga tagasunod sa parehong paraan. Itinatag ng Allah ang direktang ugnayan sa pagitan Niya at ni Moses bago Niya ipinahayag ang misyon ni Moses sa hukuman ni Pharaon ng Ehipto. Bago iniutos ng Allah kay Musa na harapin ang kanyang pinakamalaking takot Sinabi Niya, sambahin at alalahanin Ako, dahil kaya Kong palitan ang kahinaan ng kalakasan at kabiguan ng tagumpay; Susuportahan ko kayo ng mga mapagkukunan na hindi kayang ilarawan ng isip. Ang Salah ay nagtataguyod ng isang ugnayan sa pagitan ng Allah at ng tao na nananalangin at ito ay nangangahulugan na ang isa ay hindi kailanman malalayo sa pangangalaga ng Allah. Sa araw na ito at ang panahon na ang ating mga takot tungkol sa hinaharap ay maaaring lumamon sa atin, ang isang hindi masisirang samahan ay isang bagay ng kaginhawaan at kagalakan.

Aralin 2

Naririnig ng Allah ang ating mga Panalangin at Pagsusumamo.

Si Moses ay isang taong marangal. Kahit pagkatapos tumawid sa disyerto ng Ehipto ng pagod at uhaw, ay nakaya niyang ilagay ang mga pangangailangan ng iba bago ang sa kanyang sarili. Sa halip na umupo sa lilim ng isang puno sa isang hardin sa disyerto ay tumulong siya sa dalawang batang babae na nagsisikap na painumin ang kawan ng kanilang mga tupa. Gayunpaman, nang matapos ang kanyang gawain siya ay umupo at humingi ng tulong sa Allah. Kanyang sinabi, "O Nag-iisang Panginoon, ipagkaloob Mo kung anuman ang makabubuti sa akin, ako ay tunay na nangangailangan nito". Bago matapos ang kanyang pagmamakaawa, ang tulong mula sa Allah ay paparating na. Marahil si Propeta Moses ay umaaasa para sa isang hiwa ng tinapay o isang dakot na datiles, nguni't sa halip ay binigyan siya ng Allah ng kaligtasan, mga panustos at isang pamilya. Ang isang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa sa Allah na marinig ang kanyang panalangin at pagmamakaawa. Hindi tayo nag-iisa, tulad ni Moses na hindi nag-iisa nang tumakas siya mula sa kanyang lupain at iniwan ang lahat.

Aralin 3

Kung tatanggapin ng isang tao na walang tunay na Panginoon maliban sa Allah, walang kasalanan na hindi mapapatawad.

Ang isang bahagi ng kasaysayan ni Moses na nakatawag pansin sa mga tao sa loob ng maraming siglo ay ang paghihiwalay ng dagat na naghihiwalay sa bansang Aprika mula sa Peninsula ng bansang Arabe (Red Sea) at ang pagkalunod ng mga taga- Ehipto. Nang si Pharaon ay may kapangyarihan, kayamanan, mabuting kalusugan at lakas, siya ay tumangging kilalanin ang Allah. Tinanggihan niya ang mga palatandaan at kinutya, minaliit at pinagbantaan si Propeta Moses. Gayunpaman kahit na sa laki ng pagmamataas ni Pharaon, pinaka-masamang mga krimen at nakakasuklam na pagmamalabis, ay handa siyang patawarin ng Allah ngunit siya ay nalunod sa kasiyahan sa kanyang pagmamataas hanggang sa maging huli na ang lahat. Sa huling minuto, habang ang mga alon ay humahampas sa kanya at ang kanyang puso ay binalot ng takot, kinilala ni Paraon ang Allah. Ang kanyang pagmamataas ay nawala, ngunit sayang, ito ay huli na; Nakita ni Paraon ang padating na kamatayan at umiyak sa Allah nang may takot at panginginig. Mula dito ay ipina-aalala sa atin na magsisi at humingi ng kapatawaran bago ito maging huli.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Sulyap sa Buhay ni Propeta Moses

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5