Naglo-load...

Paniniwala sa mga Kapahayagan

Marka:

Deskripsyon: Kinikilala ng Islam ang Quran bilang 'natatanging' kapahayagan na nanatili sa orihinal na anyo nito, bagama't, hindi nito isinantabi ang paniniwala sa mga nakaraang mga kasulatan. Sinusuri ng araling ito kung bakit ipinahayag ng Diyos ang Kanyang mensahe sa anyo ng mga kasulatan, at maikling paglalarawan ng dalawang kasulatan: Ang Biblia at ang Quran.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 100 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,359 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Kinakailangan

·Pambungad sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (2 bahagi).

Mga Layunin

·Upang maunawaan ang layunin ng paghahayag ng mga banal na kasulatan.

·Upang matutunan kung ano ang kahulugan ng 'Paniniwala sa Kasulatan'.

·Upang makilala ang dalawang bagay: ang orihinal na Torah, Ebanghelyo, at Mga Awit/Salmo at ang Biblia ng kasalukuyan.

·Upang pahalagahan na ang Quran ay talagang naiiba mula sa iba pang mga kapahayagan sa maraming aspeto.

Ang paniniwala sa Kasulatan ay ang ikatlong saligan ng pananampalatayang Islamiko.

Bilang panimula, tingnan natin kung bakit ipinahayag ang mga ito.

(1) Ang pagkakapahayag ng kasulatan sa propeta ay sanggunian upang malaman ang relihiyon at mga pananagutan tungo sa Allah at sa kapwa tao. Pinapatnubayan ng Allah ang mga tao sa pamamagitan ng paghahayag ng mga Banal na Kasulatan kung saan mapagtatanto nila ang layunin ng kanilang pagkakalikha.

(2) Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga ito ang mga alitan sa relihiyon at mga pagkakaiba sa pagitan ng mga tagasunod nito ay maaaring malutas.

(3) Layunin ng mga banal na kasulatan ang pagpapanatili na ligtas ang relihiyon mula sa katiwalian at pagkasira kahit manlang hanggang sa panahon ng pagpanaw ng propeta. Gayunpaman, ang Quran na ipinahayag sa aming Propeta ay nananatiling ligtas mula sa katiwalian hanggang sa katapusan ng panahon. Ang Allah, ang Kataastaasan, ay nagsabi:

‘Katotohanan, kami ang nagpadala ng mensahe, at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan.(15:9)

(4)Upang ang matibay na argumento ng Allah na ipinarating ng mga sugo/mensahero laban sa mga tao ay manatili pagkatapos ng kanilang kamatayan.

“Ang mga sugo/mensahero bilang mga maydala ng mabuting balita gayundin ng babala upang ang tao ay wala nang maipangatwiran laban sa Allah pagkatapos ng mga sugo/mensahero. At ang Allah ay ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam.” (Quran 4:165)

Walang sinuman ang maaaring mangatwiran na ang mga propeta at ang kanilang mga mensahe ay hindi na umiiral hangga't nananatili ang mga banal na kasulatan.

Ang Kahulugan ng Paniniwala sa mga Kapahayagan:

(i) Tunay na ipinahayag sila ng Allah.

(ii) Paniniwala sa mga pangalan ng ilang mga kasulatan.

(iii) Paniniwala na naglalaman sila ng katotohanan. At tungkol naman sa mga banal na kasulatan bago ang Quran, sa kadahilanang nabago na ang mga ito, naniniwala lamang kami sa mga orihinal na kasulatan na ipinahayag sa mga propeta. Sa madaling salita kaming mga Muslim ay di naniniwala na ang ibang kasulatan ay nasa orihinal pa nitong anyo.

(iv) Paniwalaan na ang Quran ay saksi sa kanila at pinapatotohanan ang mga ito. Ang katotohanan ay nananatiling hindi nabago, kaya't ang Quran ay nagpapatunay sa katotohanan nila. Hingil sa mga batas, binawi o pinawalang kabuluhan ng Quran ang mga nakaraang kasulatan.

Una, Matibay ang paniniwala ng isang Muslim na ang Banal na Kasulatan ay ipinahayag ng Allah sa Kanyang mga sugo/mensahero upang gabayan ang sangkatauhan. Naniniwala ang mga Muslim na ang Quran ay hindi lamang ang binigkas na Salita ng Allah, kundi ang Allah ay nagsalita rin sa mga propeta bago pa ang pagdating ni Propetang Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah.

“…at kay Moises ang Allah ay tuwirang nakipagusap.” (Quran 4:164)

Inilalarawan ng Allah na ang tunay na mga mananampalataya ay yaong mga:

“…nananampalataya sa Kapahayagan na ipinadala sa iyo (Muhammad) at sa ipinahayag nang una pa sa iyo.” (Quran 2:4)

Ang sentro at pinakamahalagang mensahe ng lahat ng mga kasulatan ay ang pagsamba sa Allah lamang.

“At hindi Kami nagpadala ng sugo bago pa sa iyo (O Muhammad) maliban sa Aming ipinahayag sa kanila, na nagsasabing, ‘Walang ibang Diyos maliban sa Akin kaya't sambahin ako.” (Quran 21:25)

Pangalawa, kami ay naniniwala sa mga kasulatan na binanggit sa Quran:

(i) ang Quran mismo, ay ipinahayag kay Propeta Muhammad.

(ii) ang Torah (Taurah sa Arabik) ipinahayag kay Propeta Moises (naiiba mula sa Lumang Tipan na nababasa ngayon).

(iii) ang Ebanghelyo (Injeel sa Arabik) ipinahayag kay Propeta Hesus (naiiba mula sa Bagong Tipan na binabasa sa mga simbahan ngayon).

(iv) ang mga Awit/Salmo (Zabur sa Arabik) ni David.

(v) Ang Kalatas (Suhuf sa Arabik) ni Moises at Abraham.

Mayroon tayong pangkalahatang paniniwala na may iba pang mga banal na kasulatan na ipinahayag ng Allah na ang mga pangalan at detalye ay hindi natin batid. Kung kaya't tunay na hindi natin mapanghahawakan ang mga kasulatan ng ibang relihiyon bago ang pagdating ni Muhammad maliban lamang sa mga nabanggit mula sa kapahayagan ng Allah.

Ikatlo, naniniwala ang mga Muslim sa anumang katotohanan mula sa mga ito na hindi nabago o napinsala sa mga nakaraang mga kasulatan. Ipinaliwanag sa ibaba ang hinggil dito upang maging malinaw at wala nang anupamang kalituhan.

Ikaapat, paniwalaang ipinahayag ng Allah ang Quran bilang saksi sa mga nakaraang mga kasulatan at patotohanan ang mga ito, tulad ng sinabi ng Allah:

“At Kami ay nagpadala sa iyo (O Muhammad) ng Aklat (Ang Quran) na makatotohanan, nangingibabaw sa lahat at nagpapatotoo sa mga naunang kasulatan. ” (Quran 5:48)

Kung kaya't ang Quran ay nagpapatunay sa kung ano ang totoo sa mga nakaraang kasulatan at tinatanggihan ang anumang pagbabago at mga binago ng kamay ng tao sa kanila, at ang mga batas na taglay ng Quran ay pinanaig at pinawalang-bisa ang anumang mga batas ng mga nakaraang relihiyon.

Ang Orihinal na mga Kasulatan at ang Bibliya

Kailangang makilala natin ang pagkakaiba ng dalawang bagay: ang orihinal na Torah, Ebanghelyo, at Mga Awit/Salmo at ang kasalukuyang Bibliya. Naniniwala kami na ang mga orihinal (na kasulatan) ay ang mga kapahayagan ng Allah, ngunit ang kasalukuyang Bibliya ay walang pinanghahawakang orihinal na kasulatan.

Walang umiiral na kapahayagan sa kasalukuyang panahon na naihayag sa orihinal na wika, maliban sa Quran. Ang Bibliya ay hindi ipinahayag sa wikang Ingles. Ang iba't ibang mga libro ng Bibliya ngayon ay mga salin mula sa mga pagkakasalin na may iba't ibang mga bersyon. Ang mga pagsasalin na ito ay ginawa ng mga taong ang kaalaman o katapatan ay hindi tiyak. Bilang resulta, ang ilang mga Bibliya ay mas malaki kaysa sa iba at may mga kontradiksyon at magkakasalungat na nilalaman! Wala na ang mga orihinal. Ang Quran, sa kabilang banda, ay ang tanging banal na kasulatan na umiiral sa kasalukuyan na nasa sa orihinal na wika at ang nilalaman ay magkakapareho na walang mga kontradiksyon. Napanatili mula sa pagkakapahayag 1400 taon na ang nakaraan, ipinadala sa pamamagitan ng matibay na tradisyon ng pagsasaulo at pagsulat. Iilang mga tao lamang nakapagmemorya ng buong Bibliya, kahit na ang santo papa, samantalang, ang buong Quran ay kabisado ng halos lahat ng mga iskolar ng Islam at daan-daang libong ordinaryong Muslim, henerasyon sa henerasyon. Manapa'y iyon ang tunay na pangangalaga!

Ang mga naunang mga banal na kasulatan ay binubuo ng:

(i) mga kwento ng pagkakalikha sa tao at sa mga naunang nasyon, propesiya sa hinaharap gaya ng mga palatandaan bago ang Araw ng Paghuhukom at mga bagong propeta, at iba pang balita.

Ang mga kuwento, propesiya, at mga balita sa Bibliya na binabasa sa mga simbahan at mga sinagoga ngayon ay bahagyang totoo at bahagyang ring mali. Ang mga aklat na ito ay binubuo ng ilang mga isinalin na mga piraso ng orihinal na kapahayagan na ipinadala ng Allah, mga salita ng ilang mga propeta, kasama na ang kapaliwanagan ng mga iskolar, mga pagkakamali ng sumulat, at hayagang pagdadagdag at pagbabawas. Ang Quran, bilang panghuli at mapagkakatiwalaang kasulatan, ay tinutulungan tayo upang suriin ang katotohanan mula sa kathang-isip. Pamantayan ito upang hatulan ang katotohanan mula sa kasinungalingan. Halimbawa, napanatili ng Bibliya ang ilang malinaw na mga talata na tumutukoy sa kaisahan ng Allah. [1] Gayundin, ang ilang mga propesiya tungkol kay Propeta Muhammad ay matatagpuan din sa Biblia. [2] Gayunpaman, may mga talata, maging halos ang buong aklat ay kakikitaan ng pagiging palsipikado at gawa ng mga tao.[3]

(ii) Batas at mga desisyon, ang mga pinahintulutann at ipinagbabawal, tulad ng Batas ni Moises.

Kung tatanggapin natin ang batas, na ang mga 'pinahintulutan at ipinagbabawal' na nakalagay sa mga sinaunang aklat ay hindi nagkaroon ng katiwalian, ipinawalang-bisa pa rin ng Quran ang mga batas na iyon, tinanggal nito ang mga lumang batas na angkop sa panahon noon at hindi na akma ngayon. Halimbawa, maraming mga lumang batas na nauukol sa pagkain, ritwal na panalangin, pag-aayuno, mana, kasal at diborsyo ay pinawalang-bisa ng Islamikong Batas, habang ang iba naman ay nanatiling ganoon pa rin.

Ang Quran

Ang Quran ay iba sa ibang mga kapahayagan sa mga sumusunod na aspeto:

(1) Ang Quran ay mahiwaga at walang kapantay. Walang anumang katulad nito na maaaring gawin ng tao.

(2) Matapos ang Quran, wala nang kapahayagan pa ang darating buhat sa Allah. Sapagkat ang Propeta Muhammad ay ang Huling Propeta, ang Quran ay ang Huling Tipan.

(3) Siniguro ng Allah ang Kanyang proteksiyon sa Quran mula sa pagbabago, upang pangalagaan ito mula sa katiwalian, at upang mapanatili ito mula sa pagkasira. Sa kabilang banda, ang nakaraang mga kasulatan ay nauwi sa pagbabago at pagbaluktot at hindi nananatili sa kanilang orihinal na anyo ng pagkakapahayag.

(4) Ang Quran, unang-una, ay nagpapatunay sa mga sinaunang kasulatan at, sa isang banda, ay mapagkakatiwalaang saksi sa kanila.

(5) Ang Quran ang nagpawalang-bisa sa kanila, nangangahulugan na ipinatigil nito ang maraming kautusan sa mga nakaraang kasulatan at tinuring na hindi na magagamit pa. Kaya't ang karamihan sa mga Batas ng mga lumang kasulatan ay hindi na naaangkop, ang mga nakaraang kautusan ay binawi o pinatotohanan ng pagkakapahayag ng Quran..


Talababa:

[1] Bilang halimbawa ay ang pahayag ni Moises: “Pakinggan mo, O Israel na Ang Panginoon na ating Diyos ay Iisa” (Deuteronomiyo 6:4) at ang pahayag ni Hesus: “...Ang pangunahin sa lahat ng mga kasulatan ay, Pakinggan mo, O Israel; na ang Panginoon na ating Diyos ay nagiisang Panginoon.” (Marcos 12:29)

[2] tignan ang Deuteronomiyo 18:18, Deuteronomiyo 33:1-2, Isaias 28:11, Isaias 42:1-13, Habakkuk 3:3, Juan 16:13, Juan 1:19-21, Mateo 21 :42, 43 at marami pang iba.

[3] o kaya'y, tignan ang mga libro ng Apocrypha.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Paniniwala sa mga Kapahayagan

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.