Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (2 ng 2 bahagi)
Deskripsyon: Ang mga dapat malaman ng isang Muslim tungkol sa pagdarasal sa araw ng Biyernes - ang pinakamahalagang lingguhang pagdarasal para sa mga Muslim.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 83 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,550 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Upang matutunan ang sampung mga magandang kaugalian at mga tungkulin sa araw ng Biyernes.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Salat ul-Jumuah - pagdarasal sa araw ng Biyernes.
·Dhuhr - ang pagdarasal sa tanghali.
·Khutbah - sermon o pangaral.
·Rakah - yunit o bahagi ng panalangin.
·Imam - ang taong namumuno sa panalangin.
·Adhan - Islamikong pamamaraan ng pagtawag sa mga Muslim para sa limang beses na obligadong pagdarasal.
Magandang Kaugalian at mga Tungkulin sa Araw ng Biyernes
1. Magsuot ng Malinis na Damit at Magpabango
Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW), “Ang bawat Muslim ay dapat na magsagawa ng isang ritwal na paliligo sa araw ng Biyernes at magsuot ng kanyang pinakamagandang damit, at kung mayroon siyang pabango, dapat niya itong gamitin.”[1]
2. Magparating ng mga Pagpapala sa Propeta
Labis na itinatagubilin na magparating ng kapayapaan at pagpapala kay Propeta Muhammad (SAW) tuwing araw ng Biyernes tulad ng sinabi ng Propeta, "Humiling ng pagpapala para sa akin, ng maraming beses, sa araw ng Biyernes at sa gabi (bago ito); para sa sinumang gumagawa nito, magiging saksi ako at tagapamagitan sa kanya sa Araw ng Paghuhukom. "[2]
Maaari itong gawin sa pamamagitan lamang ng pagsasabi at pag-uulit ng mga salitang, "Allahumma sal-ly wa sal-lim 'Ala Muhammad." Ang pag-uulit sa mga simpleng salita ito anumang oras sa araw ng Biyernes ay nagbibigay ng mga malaking pagpapala gaya ng nabanggit na pahayag sa itaas mula kay Propeta Muhammad (SAW).
3. Dagdagan ang Pagsusumamo
Ang isang Muslim ay dapat dagdagan ang kanyang pagsusumamo sa Allah sa araw ng Biyernes dahil mayroong oras sa araw na ito na ang Allah ay tumutugon at ipinagkakaloob ang anumang makabubuti na hinihiling sa Kanya. Sinabi ng Propeta, "Mayroong oras sa araw ng Biyernes kung saan walang Muslim na humihiling sa oras ito maliban na ipagkakaloob ng Allah anuman ang hinihiling niya." [3]
Ang isa ay maaaring humiling sa anumang wika na kanyang nais. Ang mga kabutihan ng pagsusumamo ay nasasakop sa mga nakaraang aralin.
4. Dumating ng Maaga sa Moske (Masjid)
Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW), "Ang sinumang maligo sa araw ng Biyernes tulad ng isa na nililinis ang sarili mula sa sekswal na karumihan, pagkatapos ay aalis sa pinaka-maagang oras, kung gayon siya ay tulad ng isang tao na nag-aalay ng isang kamelyo; ang dumarating pagkatapos ay tulad ng isa na nag-aalay ng isang baka; ang dumarating pagkatapos ay tulad ng isa na nag-aalay ng isang tupa; ang dumarating pagkatapos ay tulad ng isa na nag-aalay ng isang manok; ang dumarating pagkatapos ay tulad ng isa na nag-aalay ng isang itlog. Kapag dumating na ang Imam, ang mga anghel ay naroroon upang makinig sa pag-alala o pangaral (ang khutbah). "[4]
Kung ang isang tao ay huling dumating, hindi siya dapat na humakbang sa mga tao na nakaupo na sa mga hilera, o paghiwalayin ang dalawang tao na nakaupo ng magkatabi. Hindi rin niya dapat paalisin ang ibang tao at okupahin ang kanilang lugar. Ang isang Muslim ay hindi dapat maglakad nang tuloy-tuloy sa harap ng isang taong nagdarasal.
5. Umupo Malapit sa Imam
Ang isang tao ay dapat na sikaping dumating nang maaga at umupo malapit sa Imam na naghahatid ng pangaral. Ang pag-upo ng mas malapit sa Imam ay mas mabuti kaysa sa pag-upo sa likurang mga hilera o pagsandal sa tabi ng pader. Kung ang isang bagong Muslim ay nahihirapang umupo sa sahig sa loob ng kalahating oras o higit pa, maaari siyang umupo kung saan siya makakaramdam ng kaginhawahan, ngunit dapat niyang subukan na sanayin ang sarili na maupo ng mas malapit sa Imam.
6. Huwag Makipag-usap Sa panahon ng Khutbah
Gayundin, ang isang Muslim ay dapat makinig sa sermon at hindi makipag-usap sa panahong ito, kahit na ito ay inihahatid sa wikang Arabik. Ang pakikipag-usap sa oras ng pagdarasal ng Biyernes ay isang seryosong bagay. Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW), "Kung sasabihin mo sa iyong kaibigan, 'Tumahimik,' sa araw ng Biyernes habang ang Imam ay nagbibigay ng pangaral, kung gayon ang iyong sinabi ay walang kabuluhan." [5]
Sa iba pang pagsasalaysay, sinabi ng Propeta, "... ang sinumang magsalita ng mga bagay na walang kabuluhan ay itinuturing na hindi siya dumalo sa pagdarasal ng Biyernes!" [6]
7. Magdasal ng Dalawang Rakah Pagkapasok sa Moske bago Umupo
Kung darating ka sa moske ng maaga, dapat kang magdasal ng dalawang rakah bago umupo. Kung darating ka habang ang Imam ay nagbibigay ng pangaral, dapat mo pa ring idasal ang mga ito, ngunit gawin itong maikli. Sinabi ng Propeta, "Kung sinuman sa inyo ang pumasok sa moske sa araw ng Biyernes habang ang Imam ay nagbibigay ng khutbah, hayaan siyang magsagawa ng dalawang rakah at maging maikli sa paggawa nito." [7]
8. Huwag Bumili o Magbenta kapag Tinawag na ang Adhan
Ang pagbabawal na ito ay batay sa Quran mismo,
“...kung ang Adhan ay ipinahayag na para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes, magmadali sa pag-alala sa Allah at iwanan ang pakikipagkalakalan ... "(Quran 62: 9)
9. Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes na binubuo ng dalawang rakah ay isinasagawa pagkatapos ng sermon o khutbah sa likuran ng isang Imam. Ang isang taong hindi umabot dito ay dapat na magdasal ng apat na rakah ng regular na pagdarasal ng Dhuhr.
10. Maaari kang magdasal ng dalawa o apat na rakah ng Sunnah (ipinapayo) pagkatapos ng pagdarasal sa araw ng Biyernes.
Gumawa ng Kasunduan sa Amo o Pinuno para sa Oras ng Salat ul-Jumuah
Ang hindi mabilang na mga Muslim ay nahihirapang umalis mula sa kanilang mga negosyo, paaralan, at mga amo o pinuno upang dumalo sa pagdarasal sa araw ng Biyernes. Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay isang pangrelihiyong obligasyon at ang isang bagong Muslim ay dapat makipag-ayos sa kanilang paaralan o amo o pinuno upang kumuha ng oras para sa pagdalo dito. Maaari mong palitan ang mga nawalang oras sa pamamagitan ng dagdag na trabaho sa buong linggo o umuwi ng huli sa araw ng Biyernes. [8]
Pinagkunan:
[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[2] Baihaqi
[3] Saheeh Muslim
[4] Muwatta
[5] Saheeh Muslim
[6] Abu Dawood
[7] Saheeh Muslim
[8] Makipag-ugnayan sa mga sumusunod na organisasyon para sa karagdagang impormasyon o tulong:
(www.cair.com)
(www.caircan.ca)
(www.amcran.org)
Kung ang iyong bansa ay wala sa listahan, maaari kang makipag-ugnay sa isang Organisasyon ng mga Muslim para sa Karapatang Pang-mamamayan sa iyong bansa para sa tulong at gabay.
Nakaraang Aralin: Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (1 ng 2 bahagi)
Susunod na Aralin: Sulyap mula sa buhay ni Propeta Abraham
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (1 sa 2 bahagi)
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (2 sa 2 bahagi)
- Ang Pagbuo ng mga Mabubuting Gawi para sa mga Bagong Muslim
- Pagsulyap sa Buhay ni Propeta Noah
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (1 ng 2 bahagi)
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (2 ng 2 bahagi)
- Sulyap mula sa buhay ni Propeta Abraham
- Payo sa Pag-aasawa (1 ng 2 bahagi)
- Payo sa Pag-aasawa (2 ng 2 bahagi): Praktikal na mga Hakbang
- Mga Karapatan at Pananagutan ng mga Mag-asawa
- Ang Nagpapatibay sa isang Islamikong Pagsasama
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Lot
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (1 ng 2 bahagi): Pagtitiis, Pasasalamat at Pagtitiwala
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (2 ng 2 bahagi): Pagtibayin ang ugnayan sa Allah
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Yusuf (Joseph)
- Ang Panalangin ng Patnubay
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Ayub
- Madaling Patnubay sa Zakah (1 ng 2 bahagi)
- Madaling Patnubay sa Zakah (2 ng 2 bahagi)
- Mga Sulyap sa Buhay ni Propeta Moses
- Dapat Ko bang Baguhin ang Aking Pangalan?
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Hesus
- Pagharap sa mga Pag-aalinlangan
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (1 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Makkah
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (2 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Madinah.
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (1 ng 2 bahagi)
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (2 ng 2 bahagi)
- Ang Mundo ng mga Jinn (Espiritu)
- Ang Mundo ng mga Jinn o Espiritu (2 ng 2 bahagi)