Naglo-load...

Payo sa Pag-aasawa (2 ng 2 bahagi): Praktikal na mga Hakbang

Marka:

Deskripsyon: Ipinaliliwanag ng artikulo ang mga uri ng kasalan na ipinagbabawal para sa isang lalaki at babaeng Muslim at nagbibigay ng payo sa pagpapakasal sa pamamagitan ng sariling mga kakilala at mga matrimonyal na website.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 85 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,629 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin:

·Upang matutunan ang mga Islamikong alituntunin o kapasyahan sa pagkakaroon ng kasintahan, pagsasama ng mga may magkaibang paniniwala, at parehong kasarian.

·Upang matutunan ang ilan sa mga praktikal na payo sa paghahanap ng isang Muslim na makakasama sa buhay.

·Upang makilala ang mga patibong sa paghahanap ng isang asawa sa online.

Mga Katawagan sa Arabik:

·Imam - ang taong namumuno sa pagdarasal.

MarriageAdvice2.jpgDahil hindi pinahihintulutan ng Islam ang pakikipag-relasyon o pagkakaroon ng kasintahan, ang tanging likas na paraan para sa isang bagong Muslim na mapanatiling malinis ang kanyang sarili at makisama sa ibang kasarian ay ang pag-aasawa.

Pagpapakasal ng may Magkaibang Paniniwala

Ang tanging uri ng pagpapakasal o pagsasama ng mga may magkaibang paniniwala na pinapayagan ay sa pagitan ng isang lalaking Muslim at isang Kristiyano o babaeng Hudyo sa kondisyon na siya ay malinis. Ang ibig sabihin nito ay wala siyang kasintahan at hindi nakipagtalik bago magpakasal.

Nakasaad sa Qur'an:

“Sa araw na ito ang (lahat) ng mabubuting bagay ay pinahintulutan para sa inyo. Ang pagkain ng mga taong nakatanggap ng Banal na Kasulatan ay pinahihintulutan para sa iyo, at ang iyong pagkain ay pinahihintulutan para sa kanila. At ang [maaring pakasalan ay ang mga] malinis na kababaihan mula sa mga mananampalataya at malinis na kababaihan mula sa mga binigyan ng Banal na Kasulatan na nauna sa inyo, kapag naibigay mo sa kanila ang kanilang angkop na kabayaran (halaga na ibinigay ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae sa panahon ng kasal ), sa paghahangad ng kalinisang-puri, hindi sa di pinahintulutang pakikipapagtatalik o pagkakaroon ng (palihim) mga mamahalin. At kung sinuman ang tumanggi sa pananampalataya - ang kanyang gawain ay magiging walang kabuluhan, at siya, sa Kabilang-buhay, ay magiging kabilang sa mga talunan. "[Qur'an 5: 5]

Gayunpaman, sa isang di-Muslim na bansa, ang isang Muslim na lalaki ay pinapayuhan na huwag mag-asawa ng isang di-Muslim. Sinasabi ng ilang iskolar na ito ay ipinagbabawal. Dahil lumilikha ito ng maraming kaguluhan sa kaso ng diborsyo, na pangkaraniwang nagaganap, lalo na sa mga suliranin sa pangangalaga ng mga bata.

Ang isang Muslim na babae ay hindi pinahihintulutang mag-asawa ng isang di-Muslim na lalaki, kahit na siya ay isang Hudyo o isang Kristiyano, sa anumang kalagayan.

Dagdag pa dito, ang isang lalaking Muslim ay hindi maaaring mag-asawa ng isang babae na di-Hudyo o di-Kristiyano sa anumang kalagayan. Samakatuwid, ang pagpapakasal sa mga ateista, Hindu, Sikh, Budista, agnostiko, at Qadianis ay hindi pinahihintulutan para sa isang Muslim, lalaki man o babae.

Kasal ng may Parehong Kasarian

Walang konsepto sa Islam ng parehong kasarian o 'kasal' ng homosekswal. Bagkus, ang paggawa ng homoseksuwal na gawain ay isang kasalanan, at isang ipinagbabawal na gawain.

Paghahanap ng asawa

Kaya, paano mo gustong magpakasal? Paano ka naghahanap ang isang asawa?

Mayroong ilang mga simpleng paraan sa paghahanap ng isang asawa.

1. Kung gusto mo ang isang tao, halimbawa, mula sa trabaho o paaralan, dapat mong kausapin ang Imam sa inyong moske o ilang malapit na mga kaibigang Muslim kung ano ang susunod na hakbang . Ang mga nakasanayang kaugalian ay lubos na naiiba sa kung ano ang itinuturing na angkop o hindi naaangkop sa bagay na ito. Maaari mong simulan sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong mga Pakistani (o Arabong) kaibigan, 'Ano ang pinaka-mabuting paraan upang lumapit sa pamilyang Pakistani (o Arabo) para sa kasal?'

2. Kung nagsisimula ka mula sa wala, isang magandang ideya na unahing gumawa ng isang 'resume sa paghahanap ng mapapang-asawa,' kasama ang sumusunod na impormasyon:

·Pangalan

·Impormasyon kung saan maaaring makipag-ugnayan (tirahan, email, telepono, atbp)

·Edad

·Edukasyon

·Mga detalye ng trabaho

·Taas

·Timbang

·Maikling detalye tungkol sa iyong pamilya

·Ano ang iyong hinahanap (edad, edukasyon, atbp)

·Kaunting pahayag tungkol sa iyong sarili at sa iyong mga plano sa hinaharap

·Maaaring sabihin kung dating kasal o hindi kasal, at may mga anak

·Maaaring ipahiwatig na ang "espesyal na pansariling impormasyon" (tulad ng pangkriminal na talaan, mga isyu sa kalusugan, sakit sa isip, atbp) ay ibabahagi sa ibang pagkakataon

·Mga sanggunian

Humingi ng ilang tulong mula sa mga kaibigan sa paggawa ng datos ng iyong buhay (bio-data) kung ito ay iyong kailangan.

Gagamitin mo ang datos ng iyong buhay (bio-data) na ito upang ipadala sa email o magbigay ng mga inimprenta sa mga taong iyong kakilala . Kung hindi, ito ay kanilang malilimutan. Nagpapakita rin ito sa kanila na ikaw ay seryoso.

3. Ang iba pang mga mapagkukunan ay ang mga websites na matrimonyal para sa mga Muslim (muslim matrimonial) at ang panlipunang pagkikipagtipon (social networking) na mga website. May dalawang uri ng mga matrimonyal na website: pangkalahatang mga website na hindi nakatuon sa anumang partikular na pananampalataya at mga website na nakatuon sa mga Muslim. Ang ilan sa mga Muslim na matrimonyal na website ay pinamamahalaan ng mga di-Muslim!

Ang pagsali sa kanila ay isang mas kapaki-pakinabang na paraan upang makahanap ng isang asawa, ngunit wala itong kasiguraduhan na tulad ng sariling paghahanap o pagpapakalat. Ang ibig sabihin nito, ay makakahanap ka ng mas malaking bilang ng mga tao sa online na nais magpakasal, ngunit kailangan mong maging mas maingat.

Maraming mga Muslim sa matrimonyal na website na seryoso tungkol sa paghahanap ng makakasama sa buhay o mapapangasawa. Kasabay nito, ay marami rin sa kanila ang mga hindi seryoso, o mas masahol pa, na ang ilan sa nagpapatakbo ay mga manloloko. Alam nila kung paano tuklasin ang iyong mga kahinaan, o makuha ang iyong damdamin, at hikayatin ka na magpadala sa kanila ng pera o suportahan sila mula sa ibang bansa na makapunta sa Amerika para sa isang mas magandang buhay. Ang ilan ay maaaring hindi Muslim, ngunit nagpapanggap na isa. Na ang ilang mga kalalakihan ay maaaring magpanggap na kababaihan. Dapat kang mag-ingat na huwag magpadala ng pera sa sinuman sa ibang bansa. Kung iyong gagawin, dapat mong maunawaan na maaaring hindi ito gamitin sa layunin nang pagpapadala mo dito. Mag-ingat dahil karaniwan na sa tao ang magsinungaling at hindi ipakita o ipakilala ang tunay nilang katauhan upang makakuha ng mas marami pang titingin sa kanilang larawan (profile).

Maaaring magkaroon ng napakalawak na pagkakaiba sa kultura kung magpasya kang kumuha ng mapapangasawa sa labas ng iyong sariling bansa, at gagawin mo ang pinaka-mabuti upang sundin ang payo ng isang tao na matagumpay na gumamit ng mga matrimonyal na website at matulungan kang maghanap sa pamamagitan ng mga ito.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Payo sa Pag-aasawa (2 ng 2 bahagi): Praktikal na mga Hakbang

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5