Naglo-load...

Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag

Marka:

Deskripsyon: Isang panimula sa pagpapalakas ng antas ng pananampalataya (Imaan). Dito ay nagsimula tayong suriin ang kahulugan ng salitang pananampalataya at natuklasan natin na ang pananampalataya ay nadadagdagan at bumababa lalo na dahil sa likas na katangian ng tao at sa iba't ibang mga pangyayari na hinaharap natin sa ating pang-araw-araw na buhay.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 83 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,718 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Layunin

· Upang matuklasan kung ano ang ibig sabihin ng salitang pananampalataya, lalo na sa kahulugan nito sa Islam.

· Upang maunawaan kung paano at bakit ang antas ng pananampalataya ng isang tao ay hindi matatag, ngunit ito'y lumalakas at humihina sanhi ng maraming mga kadahilanan.

Mga Terminolohiyang Arabik

Imaan - pananampalataya, paniniwala o pananalig.

· Ramadan - Ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong na base sa lunar. Ito ay ang buwan kung saan ipanag-utos ang obligadong pag-aayuno.

· Shaytan - paminsan-minsan ay binabaybay bilang Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at sa wikang Arabo upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang pagkatawan ng kasamaan.

· Shahadah - Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya.

· Salah - ang salitang Arabo na tumutukoy sa isang direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at sa kanyang panginoon (ang Allah). Higit sa lahat, sa Islam ito ang tumutukoy sa pormal na limang pang-araw-araw na pagdarasal at ang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.

· Sawm - Pag-aayuno

· Hajj - Isang paglalakbay sa Mecca kung saan ang mga manlalakbay ay nagsasagawa ng hanay ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, kung saan ang bawat may sapat na edad na Muslim ay kailangang magsagawa ng nito(Hajj) ng isang beses sa kanilang buhay kung ito'y kanilang makakaya sa pananalapi at pisiskal na pangangatawan(kalusugan).

· Zakah - obligadong kawanggawa.

Ano ang pananampalataya?

IncreasingFaith1.jpgAng Merriam Webster Online Dictionary ay binigyan nya ng kahulugan ang salitang pananampalataya na kinabibilangan ng mga sumusunod: Paniniwala at tiwala sa Diyos at katapatan, paniniwala sa mga tradisyonal na doktrina ng relihiyon, at isang bagay na pinaniniwalaan lalo na sa matibay na pananalig.

Ang pananampalataya sa Islam ay nangangahulugan ng pagsasa alang-alang, nang walang pag-aalinlangan, isang bagay na dapat totoo. Maaari lamang itong maipagkaloob sa taong nanaisin ng Allah at kasama ang paniniwala at pagkilala kay Allah bilang ang nag iisang Diyos at wala ng iba. Ang isang taong may pananampalataya ay nauunawaan at tinatanggap niya ang kanyang posisyon bilang Alipin ng Allah at kinikilala ang karapatan ni Allah na sundin at pasalamatan. Kabilang din sa pananampalataya ang pag-alam na ang mga pangako ng Allah sa Kanyang tapat na alipin ay totoo at mangyayari.

Ang pananampalataya o Imaan ay bagay na binibigkas na salita, upang maniwala sa loob ng puso, at upang gawin.

Sinabi ni Propeta Muhammad na ang pananampalataya ay mayroong pitumpu't-magkaka-ibang mga sanga, ang pinakamalaki rito ay ang pagsasabi ng 'Walang (totoong) diyos kundi ang Allah lamang' at ang pinakamababa nito ay ang tanggalin ang isang balakid mula sa daanan."[1].

Ang pananampalataya ay ipinahayag sa mga salitang "La ilaha illa Allah wa Mohammad rasulullah", ibig sabihin: Walang tunay na diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay Kanyang sugo at mensahero. Isinasabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagsunod sa limang haligi ng Islam at pagpapanatili sa puso na may paniniwala sa anim na haligi ng pananampalataya.

Ang Limang haligi ng Islam

·Shahadah: taos puso na pagbigkas ng pagpapahayag ng Pananampalataya.

· Salah: ang wastong pagganap ng pagdarasal at ito'y ang limang beses kada araw.

· Zakat: ang pagbibigay ng permanenting porsyentong kabayaran o sukat sa kawang-gawa at ito'y para sa kapakanan ng mga mahihirap at nangangailangang bigyan.

· Sawm: pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.

· Hajj: ang paglalakbay sa Mecca (matatagpuan sa kasalukuyan sa Saudi Arabia) kung saan ang mga manlalakbay ay nagsasagawa ng mga ritwal na gawain.

Ang Anim na Haligi ng Pananampalataya

·Ang paniniwala kay Allah.

·Ang paniniwala sa mga anghel.

·Ang paniniwala sa mga kapahayagan (mga banal na aklat).

·Ang paniniwala sa mga Sugo at mga Propeta.

·Ang Paniniwala sa Huling Araw.

·Ang Paniniwala sa tadhana (masama man o mabuti).

Ang Paniniwala (Imaan) ay Lumalakas at Humihina

Sinabi ng Propeta Muhammad (SAW), "... Ang puso ay parang isang balahibo na nasa ugat ng isang punong kahoy, at ito'y nababalikbaliktad sa bawat pag-ihip ng hangin dito." [2]

Ito ay pananampalataya, na kumpletong pag-sandal sa Allah, na nagpaparamdam sa atin na tayo'y ligtas, ligtas at malapit sa Allah - gayun paman ang pananampalataya ay hindi permihan at palagian, ito ay lumalakas at humihina rin. Ang pananampalataya ay kadalasang nagbabagu-bago ayon sa kalagayan ng buhay, ngunit anuman ang dahilan ng pagbabago-bago ang pananampalataya ay napapalakas sa pagsunod sa Allah at humihina ito sa pagsuway sa Kanya (Allah). Bilang mga mananampalataya, dapat nating sikaping malaman ang mga bagay-bagay, tulad halimbawa ng mga kakulangan natin sa panalangin at pagdarasal o mga bulong ng Shaytan, na siyang nag papahina sa ating pananampalataya. Ang susunod na dapat nating gawin ay ang mga angkop na hakbang upang maiwasan ang mga bagay o sitwasyon na yaon, at gayundin na subukan nating palakasin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain na kamahal mahal sa Allah. Tayong lahat ay may mga sandali sa ating buhay na nararamdaman natin ang pangangailangan ng pagsasagawa ng mga pagsamba at ito ay natural at ito'y nangyayari ng maraming beses sa buong buhay natin. Kaya ang patatagin at palakasin ang ating pananampalataya ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat gawin ng isang mananampalataya. Ang panimulang punto upang mapalakas ang antas ng pananampalataya sa puso ay ang malaman niya na may problema.

Ang mga Bagay na Nagpapahina sa ating Pananampalataya

·Ang pag papabaya sa pagdarasal.

·Paggawa ng kasalanan. Lalo na ang patuloy na paggawa ng kasalanang maliliit.

·Ang kamangmangan sa mga Pangalan at Katangian ng Allah.

·Ang Hindi pag-alaala sa mga palatandaan ng kadakilaan ni Allah. Lalo na ang mga nakikita natin araw-araw tulad ng araw, buwan at mga bituin, o ang kakayahang huminga o magparami.

·Ang kawalan ng pasasalamat sa Allah sa kahit na sa pinaka-maliit na kakayahaan at biyaya na pag-aari na binigay sa atin.

·Ang kakulangan sa sapat na kaalaman.

·Ang hindi paggawa ng mabuting gawain, kahit man lang ang pag ngiti.

·Ang pagsayang sa oras mula sa mga walang katuturang bagay.

·Ang pagkalimot sa pinaka rason o dahilan ng pagkakalikha sa atin yun ay ang sambahin ang Allah.

·Ang pagiging mapagmalabis sa mga pangangailangan sa buhay. Halimbawa, kumakain ng sobra, sobrang pagtulog sa buong araw, ang pagpupuyat ng walang kadahilanan, ang pakikipag-usap para sa walang magandang dahilan at pagiging abala sa kayamanan.

Kung minsan, nadarama ng mga tao kung saan sinusubukan nila ang lahat ng kanilang makakaya hangga't maaari at hindi nila maunawaan kung bakit ang kanilang pananampalataya ay tila bumababa. Sa puntong ito mahalaga na tandaan na ang pinakamasamang kaaway ng tao, si Shaytan, ay nagnanais na makalimutan ng mga tao kung ano ang kanilang pinakamainam na interes. Si Shaytan ay naghihikayat ng kapabayaan at katamaran, na parehong mga katangian na nagdudulot ng pagbaba o paghina ng pananampalataya.

Ang pabago-bago na antas ng pananampalataya ay normal. Ang lahat ay nakakaranas ng mga ito. Sa ganitong mga panahon mahalaga na gawin ang lahat ng mga obigadong gawain ng pagsamba kaya wag kailanman iiwan ang ganap na landas ng Allah. Dahil hanggat merong katiting na pananampalataya sa puso, ay may pag asa.

Sa mga susunod na aralin ay matutuklasan natin na may napakaraming paraan upang mapalakas ang pananampalataya.


Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[2] Imam Ahmad

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6