Naglo-load...

Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling listahan ng mga pamamaraan para sa isang mananampalataya upang palakasin ang kanyang pananampalataya.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 17 Oct 2022

Nai-print: 106 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,074 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang maunawaan kung paano ilagay ang mga simple at epektibong pagpapalakas ng Imaan sa pamamagitan ng pagsasagawa nito.

Terminolohiyang Arabik

·Du’a - panalangin, pagdarasal, at paghingi kay Allah ng anuman.

·Sadaqah - boluntaryong kawanggawa.

·Imaan - pananampalataya, paniniwala o pananalig.

Sapagkat si Allah ang ating Tagapaglikha at alam Niya ang likas na katangian ng tao na Siya ay nagbigay sa atin ng patnubay na parehong may katuturan sa sangkatauhan at madali para sa atin na gawin ito. Ganun paman nakikita natin ang antas ng ating pananampalataya (Imaan) na tumataas at bumababa na madalas na walang palatandaan o sapat na dahilan. Sa kabilang dako ang paggawa ng kasalanan o hindi kanais-nais na gawain ang siyang kadalasang mabilis na nagpapahina ng ating Imaan. Bilang tugon sa ating mga pangangailangan, binigyan tayo ng Allah ng maraming paraan upang madagdagan ang ating pananampalataya, at alinsunod sa ating iba't ibang mga kakayahan na magkakaiba. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng kakayahang madagdagan ang kanyang kusang-loob na mga pagdarasal, ang isa nama'y maaaring madaling mag-ayuno at ang iba nama'y maaaring sa paraan ng pagbibigay ng kawanggawa.

Walong Paraan Upang Mapalakas Ang Isang Nanghihinang Pananampalataya

1.Pag-aralan ang mga bagay tungkol sa Allah mula ng Kanyang mga Pangalan at mga Katangian

Ang mga mananampalataya ay hinihimok na alalahanin ang Allah at magpasalamat sa Kanya sa lahat ng oras ,ang kapaki-pakinabang na paraan ng paggawa nito, ay ang pag-alaala at maunawaan ang Kanyang Magagandang Mga Pangalan. Sa pamamagitan ng mga Pangalan na ito, makikilala natin ang ating Taga-paglikha at matututunan natin kung paano purihin at sambahin Siya(Allah), at manalangin sa Kanya sa pamamagitan ng Mga Pangalan na tumutukoy sa ating mga pangangailangan."Sabihin : "kayo ay manawagan sa Allah o manawagan sa Ar-Rahman ( ang Pinakamahabagin). Sa Anumang [Kanyang pangalan] ang inyong tawagin- sa Kanya ang pagmamay-ari ng mga Pinakamagagandang Pangalan '... "(Quran 17: 110))

2.Pagmumuni-muni sa mga Palatandaan ng Allah sa Sanlibutan

“At sa kalupaan ay may mga palatandaan - para sa mga may pananampalataya ng may katiyakan. At maging sa inyong mga sarili. Hindi ba ninyo baga nakikita? ?” (Quran 51:20-21) Ang Sanlibutan ay sumasaksi sa kaisahan ng Allah. Sa pag-alaala o pagmumuni-muni sa sanlibutan, mula sa pinakamainam na butil ng buhangin hanggang sa naglalakihan at nag gagandahang mga bundok, makikita ng isang tao ang kagandahang-loob at Kadakilaan ng Allah. Ang malawak na uniberso[sanlibutan] ay umiikot ng naaayon sa isang angkop at tiyak na sistema nito, ang lahat ay nasa tamang lugar , at nilikha sa tamang mga sukat.

3.Ang palagiang pagDu-du'a[Panalangin] sa Bawat Pagkakataon

Ang Du'a[Panalangin] ay ang nagpapasigla, nagpapalakas, nagpapalaya at nagpapabago sa atin at isa ito sa pinakamalakas at epektibong mga gawain ng pagsamba na maaaring magawa ng isang tao. Ang Du'a ay tinatawag na "armas ng mananampalataya". Ito'y nagpapatunay sa paniniwala ng isang tao sa Allah at sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng anyo ng idolatrya o Pagsamba sa maraming dyos dyosan at ito ay nagpapatibay at nagpapataas ng pananampalataya.At kapag ang Aking mga alipin ay magtanong (O Muhammad) tungkol sa Akin, ay (sagutin), Tunay na Ako ay malapit (sa kanila sa pamamagitan ng aking Kaalaman). Tinutugon Ko ang mga panalangin ng bawa't dumadalangin kapag siya ay nananalangin sa Akin (nang walang ibang tagapamagitan). Kaya, hayaan silang sumunod at maniwala sa Akin, upang sa gayon sila ay mapatnubayan. ” (Quran 2:186)

4.Ang Pag-alaala kay Allah

Ang Qur'an ay puno ng mga talata kung saan ay naghihikayat sa atin na alalahanin ang Allah sa lahat ng oras hanggat maari.

"…Katotohanang, sa pag-alaala kay Allah ang mga puso ay makakatagpo ng kapahingahan." (Quran 13:28)

"O kayong mga naniniwala, Wag ninyong hahayaan na ang inyong yaman at mga anak na ilayo kayo mula sa pag-alaala kay ALLAH ..." (Quran 63:10)

" O kayong mga naniwala,alalahanin ninyo ang Allah ng palagiang pag alaala. At inyong luwalhatiin ang Allah sa umaga't hapon." (Quran 33:41-42)

Ang pag-alala sa Allah sa pamamagitan ng mga gawaing pag- alaala ay nagdudulot ng kapayapaan at kapanatagan. Kabilang sa ilang mga kapaki-pakinabang na mga parirala:

SubhanAllah - Kaluwalhatian sa ALLAH!

Al-hamdu-lillah - Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah lamang.

Allahu Akbar - Ang Allah ay dakila.

La ilaha il-lal-lah - Walang karapat dapat na sambahin liban kay Allah.

5.Ang Pagbigkas, Pagbabasa or Pakikinig sa Banal na Quran

Ang Quran ay gamot o panlunas ng katawan at kaluluwa. Sa tuwing ang buhay ay nagiging napakahirap o tayo ay napapalibutan ng pinsala, sakit o kalungkutan, Ang Quran ay liwanag sa ating daan na siyang magpapagaan sa ating mga pagsubok at suliranin. Siya (Ang Qur'an) ang pinanggagalingan ng kaginhawaan at katiwasayan. Sa panahon natin ngayon ay marami sa mga tao ang may hindi mabilang na yaman at karangyaan subalit walang kakontentuhan sa buhay. Ang Quran ang nagbubusog sa ating mga puso, isip at kaluluwa at nagpapalakas sa ating pananampalataya. Ang Propheta Muhammad ay nagpadala ng mga guro ng Koran sa mga malalayong mga tribo at malalayong mga lungsod at nagsabi na ang pinakamabuti sa kanyang mga tagasunod ay ang mga natuto ng Quran at pagkatapos ay itinuro ito sa iba. [1]

6.Ang Pagkalap ng Tamang Kaalaman sa Islam

Ang pagkakaroon ng kaalaman ay nagbibigay-daan sa mga mananampalataya upang pagmasdan ang mundo na nakakapaligid sa kanya at pagnilayan ang mga nakamamanghang nilikha ng Allah. Ang tama at tunay na kaalaman ay nagpapalakas ng pananampalataya at ang pagpapatupad ng kaalamang iyon ay nag bibigay daan sa isa na sumamba nang may katiyakang pagpapasakop.“At upang nang sa ganoon yaong mga nabiyayaan ng kaalaman ay mabatid na itong ( Quran) ay ang katotohanan galing sa iyong Panginoon, ng sa ganoon sila ay maniwala, at ang kanilang mga puso ay magpasakop dito nang may pagpapakumbaba. At katotohanang, ang Allah ang gabay sa mga naniniwala, sa Tuwid na Landas. "(Quran 22:54)

7. Pagpaparami ng mga boluntaryong mga gawain tulad ng paggawa ng mga kabutihan, at pagbibigay ng sadaqah (pagkakawanggawa)

Isa sa pinaka mainam na gawain para mapalakas ang pananampalataya ay ang paggawa ng kabutihan. “Sinumang gumawa ng kabutihan - maging lalaki man o babae - habang siya ay isang tunay na mananampalataya, katotohanang magbibigay Kami ng isang mabuting pamumuhay at Kami ay magbibigay sa kanila ng tiyak na gantimpala katumabas sa kanilang pinakamabubuting ginagawa (ie Paraiso sa Kabilang Buhay)" (Quran 16:97)

Kung daragdagan natin ang ating mga mabubuting gawain, ay mas lalo ring tataas ang antas ng ating pananampalataya at sa gayon, asahan ang mga gantimpala ni Allah maging sa buhay dito sa mundo at sa Kabilang Buhay.

8.Paghahanap ng mabuting mga kaibigan

Ang pagkakaibigan at pagsasama ay mahalaga sa Islam. Ang mabuting kaibigan ay siyang tinatanggap ang iyong nga kamalian ngunit ito'y kanyang isinasaayos sa abot ng kanyang makakaya. Madali tayong maimpluwensiyahan ng mga taong nakapaligid sa atin at unti-unti nating nakokopya ang kanilang mga gawi at mga katangian nang hindi namamalayan ito. Kung ang mga ito ay mahusay na mga katangian ito makabubuti ngunit paano kung ang mga tao na iyong itinatangi ay sila ring sanhi nang pagbaba ng iyong Imaan? Ito ay maaaring isang kapahamakan, at nagbababala ang Diyos tungkol dito sa Quran. "At (tandaan) ang Araw kung kailan ang makasalanan ay kakagatin ang kanyang kamay ( sa pagsisisi), ang ika nya: ‘Oh! Sana ay aking nasundan ang landas na tinahak ng Sugo. Ah! Sa aba ko! Sana ay hindi ko kinuha si ganito-si-ganyan bilang isang kaibigan! Sa katunayan, pinalayo lamang niya ako sa mga Paalala (ang Qur-an) nang siya ay dumating sa akin...’” (Quran 25:27-29)



Footnotes:

[1] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6