Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
Deskripsyon: Sa panahon ngayon, ang malaking bilang ng mga tao ay nakikisama sa kanilang mga kasintahan, at nakikipagtalik, o di kaya sila'y nanunuod ng pornograpiya. Ang mga araling ito ay mag tuturo sa bagong muslim kung ano ang tinuturo ng Islam tungkol sa usapin na direktang nakaka-apekto sa mga puso.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 101 - Nag-email: 0 - Nakakita: 13,034 (pang-araw-araw na average: 5)
Mga Layunin:
·Upang maunawan kung gaano kalaganap ang pakikiapid at pornograpiya sa modernong lipunan.
·Upang matutunan ang malinaw na pagsasabatas ng Islam sa zina, kung paano ito nakakaapekto sa pananampalataya, at kung anong parusa ang ipinapataw dito.
·Upang malaman ang tungkol sa zina ng mga mata, dila, at isip.
·Upang malaman kung ano ang gagawin kung ang isa ay nakagawa ng zina.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Zina - Ang pangangalunya o pakikiapid ay ang kinasasangkutan ng ari ng babae't lalaki na pakikipagtalik, ngunit ito rin ay tumutukoy sa iba pang mga uri na hindi nararapat na pag-uugaling sekswal.
·Haram - Pinagbawal o bawal.
·Imaan - Pananampalataya, paniniwala or pananalig.
·Kabeerah - Malaking kasalanan.
·Shirk - ang salita na nagpapahiwatig ng mga pagtatambal sa Allah, o pagbibigay o paglalagay ng banal na katangian sa iba na marapat sa Allah lamang, o paniniwala na ito'y nagbibigay ng kapangyarihan o lakas, kasamaan at mga biyaya na nagmumula sa iba liban sa Allah.
·Barzakh -ang yugtong pagitan ng buhay at sa pagkabuhay-muli.
Ang Pangangalunya o Pakikiapid, na kilala bilang zina sa Arabik, ito ay itinuturing na kasalanan sa lahat ng relihiyon. Ang ikapitong utos ng Biblia ay nagsasabi “Huwag kang mangangalunya.” Ang Biblia ay nag-uutos ng kamatayan para sa kapwa nangalunya at sa pinanga-lunyaan (Lev 20:10). Ang pangangalunya ay isang kriminal na pagkakasala sa 23 estado ng Stados Unidos [1], na may mga parusa mula sa $ 10 na multa sa Maryland at habang buhay na pagkabilanggo sa Michigan.
Gayunpaman, ang kasalanang ito ay nagagawa noon paman sa buong kasaysayan at ang mga pangyayaring ito ng pangangalunya ay laganap sa panahon ngayon. Habang ang mga kuwento ng tabloid ay nag-uulat ng mga relasyson ng mga pulitiko, mga Milyonaryo, at mga Sikat na mga Artista, marami sa mga palabas ang naghihikayat sa gawaing pangangalunya.
Gaano ka laganap ang gawaing pangangalunya? Ang Janus Report tungkol sa Sekswal na gawain ay tinatayang nasa “Mahigit sa isa-sa-tatlo sa mga lalaki at isa-sa-apat na mga kababaihan ang umamin na gumagawa o nakagawa ng hindi bababa sa isang extra-marital na sekswal na karanasan.”[2]
Ang pakikiapid ay isang Kasalanan sa Islam
Sa Islam, Ang Allah ay naglagay ng mga panuntunan para sa pagtatalik. Ipinagbabawal ang Zina at ito'y isa sa mga pinaka-seryosong malaking kasalanan (kabeerah) pagkatapos ng shirk at pagpatay. Sinisira ng Zina ang pananampalataya ng tao, inaalis ang magandang kalidad na panamamapalataya ng isang tao, at inilalantad siya sa kaparusahan at kahihiyan maliban kung siya ay nagsisisi. Sabi ni Allah:
“At yaong hindi nanawagan [o dumadalangin] sa ibang diyos na itinatambal sa Allah, at hindi pumapatay ng kapwa-tao na ipinagbawal ng Allah, maliban sa makatwirang dahilan, at hindi nagkasala ng bawal na pakikitalik. Ang sinuman na gumawa niyan ay makatatanggap ng isang parusa. Padadamihin para sa kanya ang parusa sa Araw ng pagkabuhay na muli, at siya ay mamamalagi roon nang hiyang-hiya. Maliban ang mga yaong nagsisi at naniwala at gumawa ng gawaing matuwid, papalitan sa kanila ng Allah ang kanilang mga masasamang gawa ng mga mabubuting gawa, at ang Allah ay Lagi ng Mapagpatawad, Maawain. ” (Quran 25:68-70)
“At wag kayong lumapit sa zina (ating iwasan). Kaatotohanan, ito ay napakalaking kasalanan, at napakasamang landas (na magdadala sa tao sa Impyerno maliban nalang kung patawarin ng Allah)." (Quran 17:32)
Binigyang-diin ng mga iskolar sa talatang ito na hindi sinabi ni Allah, “wag kayong gumawa ng bawal na pagtatalik,” bagkus “huwag kayong (ni) lalapit sa zina o bawal na pagtatalik.”
Pinaliwanag ng mga Iskolar: wag kayong gagawa ng gawaing mag papalapit sa inyo sa zina o dikaya'y magdadala sa inyo dito. Ang halimbawa nito kapag ang tao ay nanatiling mag-isa kasama niya ang hindi niya kapareho ng kasarian sa isang nakatagong lugar o hindi mataong lugar, hawakan, tinginan, at pagpunta sa mga mapanghimok na lugar tulad ng mga bar at mga nightclub, pakikipag-usap sa paraang mapang akit sa isang babae, at mag-isip at magplano ng masamang gawain. Kabilang ito sa cyber sinning at virtual adultery. Ipinapahiwatig din nito na dapat na lumayo mula sa web ng pornograpiya, pelikula, magasin, at pagtatalik sa telepono.
Gaano kadilikado ang zina sa pananampalataya ng isang tao? Ang Propeta, nawa'y ang kapayapaan ay mapa sa kanya, ay nagsabi: “walang mangangalunya ang tunay na mananampalataya kapag siya'y gumagawa ng pangangalunya; walang magnanakaw ang tunay na mananampalataya kapag siya'y gumagawa ng pagnanakaw; at walang lasinggero ang tunay na mananampalataya sa oras ng kanyang pag-iinom.”[3]
Ang Zina ng mga Mata, Dila, at Isipan
Sa Islam ang tinatawag na zina ay hindi lamang ang pagtatalik na hindi kasal na relasyon, Isa lamang yan sa marami nitong klase. Ang pornograpiya ay maaring ang pinaka-laganap na uri ng zina sa panahon ngayon.
Ang mga taong gumagamit ng Internet, 43% ang bumibista sa mga mga malalaswang website. Halos 40 million na mga Amerikano ang madalas ang bumibisita sa mga pornographic sites, na may pornographic na mga pag-download na 35% sa lahat ng download sa Internet. Sa 40 million na mahilig manuod, 33% ay mga kababaihan, at 70% naman na kalalakihan sa idad na 18-24 ang bumibisita sa mga pornographic sites kada buwan. Hindi lang matatanda. Ang “Pagtatalik” at “pornograpiya” ay kabilang sa mga nangungunang 5 sa pinaka-madalas na hinahanap ng batang wala pang 18 taong gulang.[4] Ang kita na nagagawa ng industriya ng pornograpiya ay mas malaki kaysa sa lahat ng mga pangunahing kumpanya ng teknolohiya kahit io'y pagsamahin pa. Ito ang numero- unong paksa para sa mga paghahanap (search history) sa Internet. Sa karaniwan, ang isang bata na may edad na 11 ay nakalantad dito.[5]
Ang Propeta (SAW) ay nagsabi, “Tunay na sinulat/tinakda ni Allah sa mga anak ni Adan ang kaniyang bahagi sa Zina (pangangalunya), di maiiwasang ito'y darating sa kanya. Ang zina ng dalawang mata ay ang pagtingin, ang zina ng dila ay ang pagsasalita. Ang puso ay mangangarap at magha-hangad at ang mga pribadong parte ang siyang mag ko-kumpirma o magtatanggi dito.”[6]
Ang panunuod ng pornograpiya ay isang zina ng mga mata. Ang pagtatalik o pangangalunya na pag-uusap (sex talk) ay zina ng dila. Ang mag-isip ng pakikipagtalik sa iba ay zina ng pag-iisip.
Ang Parusa ng Zina sa Kabilang Buhay
Ang parusa ng sinumang namatay ng hindi nakapagsisi (nakahingi ng tawad sa Allah) mula sa kanyang pangangalunya ay magsisimula sa libingan. Sa mahabang hadith, Ang sugo ng Allah (SAW) ay nagkwento ng isang panaginip kung saan nakita niya si Jibreel at Malik na sinasamahan siya na nasa anyong mga tao, pinapakita sa kanya kung paano pinaparusahan ang mga makakasalanang tao sa Barzakh.
Ang Propeta(SAW) ay nagsabi: “…Nagpatuloy kami hanggang sa kami ay dumating sa isang butas sa bandang baba na katulad ng isang pinag-lulutoang hukay, makitid sa itaas at maluwang sa ibaba. Maririnig ang mga daing at mga boses na nang-gagaling mula dito. Nakita namin doon ang mga lalaki't babae na walang mga saplot. Sa ilalim ng hukay ay may naglalagablab na apoy; sa tuwing ito'y sumisiklab, ang mga babae't lalaki ay nagsisigawan at silay tumataas kasabay ng pagsiklab hangang sa halos mahulog sa hukay. Habang ang apoy ay humuhupa, sila'y muling ibinabalik sa kailaliman. at sinabi ko (SAW): ‘Sino sila?’ Sabi nila: ‘… sila ang mga lalaki't babae na gumawa (indulge) ng zina (pangangalunya)…’”[7]
Sa parehong pagkaka-ulat ang Propeta (SAW) ay nagsabi: “Lumipat kami hanggang sa nakita ko ang mga taong sobrang namamaga, at mayrong napakabahong amoy, ang kanilang amoy ay katulad ng mga imburnal. Ako'y nagtanong: ‘Sino sila?’ Silay sumagot: ‘Sila ang mga lalaki at babaeng nangalunya.’”[8]
Ano ang Gagawin kung ang tao ay nakagawa ng Zina?
1. Ang Malaman na ang Allah ay kaya niyang patawarin ang lahat ng kasalanan. Samakatuwid, dapat ay maging tapat at totoo siya sa kanyang pagsisi (paghingi ng kapatawaran sa Allah).[9] Ang Propeta (SAW) ay nagsabi, “Ang sinumang mag balikloob sa Allah (magsisi), bago sumikat ang araw sa nilulubugan nito (sa kanluran), Siya'y papatawarin ng Allah.”[10]
2. Dapat itago ng tao ang kanyang kasalanan at hindi ito ipagsabi sa iba. Kailangan ng tao na kumunsulta sa isang may-kaalaman na iskolar kung ano ang gagawin sa kaso ng mag-asawa dahil ang STDs (sexually transmitted diseases) ay maaaring kasama.
Talababa:
[1] (http://www.nytimes.com/2012/11/15/us/adultery-an-ancient-crime-still-on-many-books.html)
[2] Samuel Janus and Cynthia Janus, The Janus Report on Sexual Behavior (New York: John Wiley and Sons, 1993), 169.
[3] Saheeh Al-Bukhari
[4] (http://www.onlineeducation.net/porn)
[5] (http://www.familysafemedia.com/pornography_statistics.html)
[6] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[7] Saheeh Al-Bukhari
[8] Ibn Khuzaymah & Ibn Hibban
[9] Upang matuto ng higit pa tungkol sa pagsisisi (paghingi ng kapatawaran sa Allah), paki-tingnan ito: (http://www.newmuslims.com/lessons/7/) [3 parts]
[10] Saheeh Muslim
- Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal
- Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala
- Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno
- Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan
- Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
- Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
- Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
- Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)
- Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
- Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
- Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
- Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Umrah (1 bahagi ng 2)
- Umrah (2 bahagi ng 2)
- Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)