Naglo-load...

Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman

Marka:

Deskripsyon: Ang araling ito ay nagbibigay ng pananaw sa mga dahilan kung bakit ang Islam ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa pagsasaliksik ng kaalaman at mga bunga na maaaring ma-ani mula dito.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 24 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 172 - Nag-email: 0 - Nakakita: 36,129 (pang-araw-araw na average: 15)


Mga Layunin

·Upang pahalagahan ang natatanging kahalagahan na ibinibigay ng relihiyon ng Islam sa paghahanap ng kaalaman.

·Upang malaman kung anong uri ng kaalaman ang dapat hanapin o pag aralan.

·Upang maunawaan na ang pasensya at debosyon bilang mahalagang elemento ng pagkakaroon ng kaalaman.

·Upang matutunan ang mga hakbangin na kinakailangang gawin upang tamasain ang bunga ng pagkakaroon ng kaalaman..

Arabikong Termino

·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang rekord ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.

Walang ibang relihiyon o institusyon ang nagbibigay halaga sa kaalaman liban pa sa relihiyong Islam. Ang Pananampalataya ang nag oobliga sa bawat Muslim na mag saliksik ng kaalaman at ang pag iwan dito ay isang kasalanan. Ang Propeta, nawa ang habag at pagpapala ng Allah ay sumakanya, ay nagsabi (hadeeth):

“Ang pagsasaliksik ng kaalaman ay obligasyon ng isang Muslim.” (Al-Tirmidhi)

Ang obligasyon na ito ay hindi limitado sa partikular na kasarian o estado, datapwat ay obligadoito sa mga kababaihan at sa kalalakihan, bata at matanda, mahirap at mayaman. Itinataas Ng Allah ang hanay at katayuan ng mga may kaalaman, at pinuri sila sa maraming beses sa Quran. Sabi Ng Allah:

“Itinataas Ng Allah sa maraming antas yaong mga naniniwala at yaong mga nabiyayaan ng kaalaman .” (Quran 58:11)

Malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng Muslim na mayroong kaalaman kaysa sa wala. Inilarawan ito ng Propeta sa kanyang pahayag:

“Ang kahusayan ng isang iskolar sa ibang (ordinaryo) mananampalataya ay katulad sa liwanag ng kabilugan ng buwan na higit pa sa ibang bituin (liwanag) sa kalawakan.” (Abu Dawood)

Sinabi rin niya:

“Ang kahusayan ng isang iskolar sa iba (ordinaryo) mananampalataya ay tulad ng kahigitan ko sa inyo.” (Al-Tirmidthi)

Bakit binigyan ng Allah ng kaukulang halaga ang mga may kaalaman kaysa sa wala? Ang papel na ginagampanan ng mga Propeta ay ang magbigay ng kaalaman sa mga nilikha, kaalaman na direktang nagmumula sa ating Tagapaglikha, tungkol sa Kanyang Sarili at sa Kanyang mga Katangian, kung paano ang mga tao ay magiging kalugod-lugod sa Kanya at maiwasan ang Kanyang galit /poot. Dito makikita natin ang kahalagahan ng kaalaman sa buhay ng isang Muslim. Ang isang Muslim ay nararapat na magsaliksik ng kaalaman upang maisagawa ang tamang pagsamba, gawin ang mga bagay na kalugod-lugod sa Kanya at iwasan ang mga gawain na nakakagalit sa Kanya. Kung hindi, mamumuhay sila na gumagawa ng mga bagay na salungat sa katuruan ng relihiyong Islam, na mag aani ng kaparusahan mula sa Allah kaysa sa kapatawaran.

Ano ba ang dapat kong matutunan?

Ito ngayon ang katanungan, kung ang pagsasaliksik ng kaalaman ay isang obligasyon ng mananampalataya, gayong napakalawak ng larangan ng kaalaman , anong klase ng kaalaman ang obligadong matutunan? Sinagot ni Imam Ahmed bin Hanbal, isang dakilang iskolar ng Islam, na obligado sa bawat Muslim ang magsaliksik ng kaalaman na magbibigay sa kanya ng tamang pag unawa kung paano isasabuhay ng tama ang kayang relihiyon. Halimbawa:

1) Mga paniniwala sa Islam. Ito ang pinaka mahalagang aspeto ng relihiyon na dapat matutunan ng bawat Muslim , sa pamamagitan ng aspetong ito, maisasabuhay mo ang Islam. Ang unang labing -tatlong taon ng panawagan ni Propeta Muhammad ay kanyang ginugol sa pag tatama o pagwawasto ng paniniwala ng mga tao, kanyang binigyang diin na ang pagsamba ay nararapat na para sa Allah lamang at wala ng iba, habang kakaunti pa lamang ang mga naipapahayag na kautusan ng mga panahon na iyon.

2) Kaalaman sa mga obligadong aspeto ng pagsamba. Alam natin na, ang Ang Allah ay nag-utos sa mga Muslim na magsagawa ng ilang mga gawain ng pagsamba. Karamihan sa mga gawain na ito ay obligado at kinakailangang matutunan ng bawat isa kung paano ito isasagawa. Halimbawa, Inoobliga tayo ng Allah na magdasal ng limang beses sa isang araw, obligado din sa atin na alamin kung paano isagawa ang tamang pagdarasal, at hindi kinakaligtaan ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin habang nagdarasal. At isa sa kundisyon ng Salah ay ang paglinis sa sarili (wu'du), nararapat sa isang Muslim na marunong magsagawa ng paglilinis (wu'du). Ganito rin sa lahat ng ipinag-uutos ng Allah .

3) Kaalaman sa kung ano ang pinahihintulutan at hindi ipinahihintulot sa pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng awa ng Allah, tayo ay nagtatamasa ng hindi mabilang na mga biyaya mula sa nilikha Niya. Kasabay nito, binigyan din Niya tayo ng babala mula sa ilang mga bagay o gawain dahil sa pisikal o espirituwal na pinsala na maaaring idulot nito sa atin kapag ito ay ating isinagawa. Nagiging obligado para sa atin na matutunan ang mga aspeto ng relihiyon upang hindi natin magawa ng sinasadya o makagawa ng di-sinasadyang gawain at mahulog sa mga hindi pinahihintulutang gawa. Mahalaga din na tandaan natin bilang isang Muslim ay marapat na seguruhin na ating matutunan ang mga panuntunan na maaaring may kinalaman sa ating mga trabaho, sa larangan man iyan ng medisina, pangangalakal, batas, o anumang larangan, upang maisagawa ang ating mga trabaho na naaayon sa panuntunan ng ating pananampalataya.

4) Bilang pang huli, dapat din malaman ng isang tao kung paano dalisayin ang kanilang mga puso at mga gawa mula sa kasumpa-sumpa na gawain. Kailangan alam ng bawat Muslim kung paano dalisayin ang kanilang mga puso mula sa pagmamahal sa makamundong kayamanan, estado, at kasikatan, at kung paano mahalin ang Allah ng bukod tangi. Dapat din nilang matutunan ang mga magagandang asal na itinuro sa atin ng relihiyong Islam, at subukan din nating sundan ang pamumubuhay ng Propeta Muhammad.

Pagpapasensya sa landas tungo sa Paraiso

Ang pagsasaliksik sa kaalaman ay isang bagay na dapat gawin, ngunit hindi ito kinakailangang gawin ng biglaan, ang isang dakilang iskolar na si az-Zuhri ay nagsabi, “Ang sinumang naghahanap ng kaalaman ng madalian, iiwanan din sya ng kaalaman na nagmamadali. Sa halip, ang kaalaman ay sinasaliksik nang paunti-unti habang lumilipas ang mga araw at gabi .” Kinakailangan ang isang matibay na intensyon at pagpapasensya sa pagsasaliksik na ito. Ang ilan sa mga ito ay maaaring madali subalit ang iba ay mahirap makuha. Tandaan natin na habang ang isang Alipin ng Allah ay nagsusumikap matuto kahit nahihirapan, sila ay tatanggap ng dobleng pagpapala mula sa Allah dahil sa pagsusumikap na ginugol nila sa pagsasaliksik ng kaalaman, at ang biyaya ng Allah , katotohanan ay walang hanggan. Sinabi ng Propeta:

“Sinuman ang magbasa ng Quran at nauutal habang nagbabasa, dahil nahirapan,siya ay makakatanggap ng doble na gantimpala.” (Saheeh Muslim)

Maraming paraan para matutunan ang relihiyong Islam, ang pinaka mainam ay matuto direkta mula sa maalam at matuwid na Muslim. Subalit sila ay hindi palagiang nandiyan, kinakailangan maghanap ng ibang paraan, tulad sa mga aklat, cassetes, at websites upang mapunuan ang mithiin na ito. Huwag mong pagka abalahan iyong mga aralin na nangangailangan ng mabusising pag aaral sa umpisa; nararapat na piliin ang mga araling higit na mas mahalaga. Isa sa mga paraan upang matutunan ang relihiyong Islam ay mula sa website, na sadyang binuo upang matutunan ng isang Muslim ang mga pangunahing aralin sa religiong Islam mula sa mga tunay na pinagmulan, sa madali at sistematikong pamamaraan . Hinihikayat din namin kayo na basahin ang mga aralin na inihanda namin para sa inyo, at sagutan ang mga katanungan na may kaugnayan dito upang subukin ang iyong natutunan. Huwag ninyong umpisahan ang susunod na aralin hanggat hindi ninyo lubusang nauunawaan ang sinusundang aralin nito, sapagkat inihanda ang mga aralin na ito pra sa inyong pagkatuto. Huwag nyo ding problemahin ang oras na ilalaan ninyo upang lubusang maunawaan ang usapin na ito, sapagkat ikaw ay binibiyayaan sa bawat segundo na inilalaan mo dito. Ang matutunan ang iyong pananampalataya ang mag papadali sa iyong landas tungo sa Paraiso, ayon sa sinabi ng Propeta Muhammad:

“Sinuman ang nasa landas ng pagsasaliksik ng kaalaman, pagagaanin Ng Allah ang kanyang daan tungo sa Paraiso .” (Al-Tirmidthi)

Masusing Pagsasaliksik ng Kaalaman

Ang Propeta, purihin nawa siya ng Allah, ay nagsabi:

“Kapag nais ng Allah ang mabuti para sa isang tao, ipina uunawa Niya ang kanyang relihiyon.” (al-Bukhari)

Ang mga sahaba, kaluguran nawa sila ng Allah, ay masigasig sa pagkakaroon ng kaalaman. Si Abdullah ibn Abbas, ang pinsan ng Propeta, sa pagsasaliksik ng kaalaman. Ginugol niya ang kanyang oras upang makakuha ng kaalaman sa iba't ibang larangan. Mayroon siyang espesyal na paghanga para sa mga taong katulad ni Zaid ibn Thabit, na isa sa mga eskriba ng Quran, ang nangungunang hukom at dalubhasa sa Medina, at isang eksperto sa mga batas ng mana at sa pagbabasa ng Quran. Minsang naglakbay si Zaid, ang batang si Abdullah ay tumayo nang may kababaang-loob sa kanyang tagiliran, hinawakan ang tali ng kanyang alaga, at nagpamalas ng mapagpakumbabang gawi sa kanyang amo . Sinabi ni Zaid na: “huwag mong gawin ang ganyan, O pinsan ng Propeta!”

"Ganito ang ipinag uutos sa amin na kaugalian sa pakikitungo sa mga maalam," sagot ni Abdullah .

Bilang sagot, sinabi ni Zaid, "patingin ng iyong kamay."

Iniabot ni Abdullah ang kanyang kamay. Inabot ito ni Zaid at humalik sa kanyang kamay at nagsabi: "Ito ang ipinag uutos sa amin na pagtrato sa pamilya ng Propeta.”

Mga Bunga ng Kaalaman

Sa kabuuan, ang pagsasaliksik ng kaalaman ay isang gawaing pag samba na nangangailangan ng sinserong layunin, bukod tanging para a Allah lamang , nag-aasam sa Kanyang Kasiyahan at Gantimpala. Huwag mag asam ng kaalaman para ipagmalaki o makipagkumpitensya sa iba, o upang mapasigla ang mga pagtitipon. Ang Propeta ay nagsabi:

“Sinumang naghahanap ng kaalaman na kilimitan, hinahangad upang makamtan ang kaluguran Ng Allah, subalit ginamit lamang ito upang magkaroon ng ilang makamundong pakinabang, hindi niya maaamoy ang bango ng Paraiso sa Araw ng Paghuhukom.” (Ibn Maajah)

Tandaan natin na ang kaalaman ay mawawalan ng halaga kung hindi natin matatamasa ang kanyang bunga, na walang iba kundi ang pagsasabuhay ng relihiyong Islam . Ibig sabihin, kailangan na isagawa ang natutunan ng bawat isa, sapapagkat ang pamumuhay na Islamiko ang magdadala sa bawat tao tungo sa paraiso.

Tayo ay magtatapos sa ilang mga panalangin na ginawa mismo ni Propeta Muhammad tungkol sa paghahanap ng kaalaman.

“O Allah! Biyayaan mo kami sa pamamagitan ng itinuro mo sa amin, at turuan mo kami ng mga bagay na kapaki-pakinabang sa amin, at dagdagan mo ang aming kaalaman” (Ibn Maajah)

“O Allah,nananalangin kami sa Iyo, kalooban Ninyo kami ng kapaki-pakinabang na kaalaman, mabuti, dalisay at ipinahihintulot na kabuhayan, at mga gawain na tinatanggap Ninyo.” (Ibn Maajah)

“O Allah Nagpapakupkop ako sa Iyo 'Ya Allah laban sa kaalaman na walang kapakinabangan, sa puso na hindi kayang magpakumbaba sa bagay na kinakatakutan; sa kawalan ng kakuntentuhan at sa mga panalangin na hindi natutugunan .” (Muslim)

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.