Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
Deskripsyon: Ang mga Muslim ay nagdiriwang ng dalawang kapistahan: Eid ul-Fitr at Eid ul-Adha. Ang mga araling ito ay sumasaklaw sa lahat ng bagay na kailangan mong malaman tungkol sa Eid ul-Adha upang gawin itong isang bahagi ng iyong buhay at mabigyang lugod si Allah.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 13 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 79 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,463 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin:
·Upang matutunan ang karunungan sa likod ng pagsasakripisyo ng hayop.
·Upang matutunan ang pangunahing mga patakaran ng udhiyyah.
·Upang matutunan ang 5 Sunnahs (iminumungkahing mga gawa) ni Propeta Muhammad na may kaugnayan sa Eid ul-Adha.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Adhan - isang Islamikong paraan ng pagtawag sa mga Muslim sa limang obligadong mga Pagdarasal.
·Eid - kapistahan o pagdiriwang. Ang mga Muslim ay nagdiriwang ng dalawang relihiyosong mga pagdiriwang, na kilala bilang Eid-ul-Fitr (na nagaganap pagkatapos ng Ramadan) at Eid-ul-Adha (na nagaganap sa panahon ng Hajj).
·Eid ul-Adha – “Pista ng Sakripisyo”.
·Ghusl – ritwal na pagligo.
·Iqamah – Ang salitang ito ay tumutukoy sa pangalawang panawagan sa pagdarasal na ibinibigay kaagad bago ang pagdarasal ay magsimula.
·Khutbah – sermon.
·Rakah - yunit ng pagdarasal.
·Sunnah – Ang salitang Sunnah ay may maraming mga kahulugan sang-ayon sa larangan ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan ay pangkalahatang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi, ginawa, o pinayagan ng Propeta.
·Udhiyyah – ang pangsakripisyong hayop.
Pag-unawa sa Pag-aalay ng Hayop sa Eid ul-Adha
Ang pagsasakripisyo sa anak ay naging isang pagsubok sa pananampalataya ni Abraham. Upang gunitain at matandaan ang mga pagsubok ni Abraham, ang mga Muslim ay nagkakatay ng isang hayop tulad ng tupa, kamelyo, o kambing. Ang kasanayan ay madalas na maling nauunawaan ng mga nasa labas ng pananampalataya. Samakatuwid, ilang mga punto ang dapat na maunawaan dito:
Una, walang natatanging mga ritwal na kaugnay, malibang ang hayop na nakatutugon sa ilang mga kinakailangan. Ang hayop ay kinakatay sa parehong paraang ito ay kinakatay sa anumang oras sa taon. Ang pagkakaiba lamang ay nasa layunin. Para sa pangkaraniwang pagkatay, ang layunin ay ang karne, subalit para sa Eid ul-Adha, ito ay upang sambahin si Allah sa pamamagitan ng paggunita sa pagsubok ni Abraham.
Ikalawa, ang Pangalan ng Diyos ay sinasambit dahil si Allah ang nagbigay sa atin ng kapangyarihang higit sa mga hayop at pinahintulutan tayong kainin ang kanilang karne, subalit sa Kanyang Pangalan lamang. Sa pagsambit ng Pangalan ni Allah sa sandali ng pagkatay, ipinaaalala natin sa ating mga sariling kahit ang buhay ng isang hayop ay sagrado at maaari lamang nating kitilin ang buhay nito sa Pangalan ng Siyang nagbigay nito sa simula pa lamang.
Ikatlo, ang mabuting mga gawa ay nagtutubos para sa ating mga kasalanan. Ang pag-aalay ng udhiyyah ay isang gawang pagsamba na walang pagtatangi. Si Propeta Muhammad ay nagsabi na ang pinakamamahal na gawa sa Eid ul-Adha ay ang pag-aalay ng udhiyyah at ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay Muli na may mga sungay, baak na mga kuko, at balahibo. Ang dugo nito ay tinanggap na ni Allah bago pa ito umabot sa lupa. "Kaya magalak ang iyong puso dito." (Tirmidhi, Ibn Majah)
Mga Batas ng Udhiyyah para sa Eid ul-Adha
a) Uri ng Hayop
Ang isang tupa ay maaaring ialay bilang sakripisyo para sa isang tao o isang pamilya. "Sa panahon ng Sugo ni Allah, ang isang tao ay nagsasakripisyo ng isang tupa para sa kanyang sarili at sa mga miyembro ng kanyang sambahayan, at sila ay kakain mula dito at ipamimigay ang ilan sa iba."[1]
Ang isang kamelyo o baka ay sapat para sa pitong katao, dahil sa ulat na "Ang baka ay maisasakripisyo para sa pitong katao at ipinapamahagi namin ito."[2]
b) Gulang ng Hayop
Ang hayop ay dapat maging nasa natatanging gulang upang maging angkop para sa udhiyyah. Ang pinakamababang mga gulang ay:
a)6 na buwan para sa isang kordero o tupa.
b)1 taon para sa isang kambing.
c)2 taon para sa isang baka.
d)5 taon para sa isang kamelyo.
c) Mga Katangian ng Hayop
Ito ay kailangan maging malaya sa anumang mga kapansanan, sapagkat ang Propeta ay nagsabi,
"Mayroong apat na hindi karapat-dapat para sa sakripisyo:
a) ang iisang-matang hayop na ang depekto nito ay halata,
b)ang isang may sakit na hayop na ang sakit nito ay halata,
c)ang isang pilay na hayop na ang pagkapilay nito ay halata at
d)ang isang payat na hayop na walang bulalo sa kanyang mga buto."[3]
May mga bahagyang depektong hindi magtatanggi sa isang hayop, subalit hindi kanais-nais isakripisyo ang ganitong mga hayop tulad ng isang hayop na may sungay o taingang kakulangan, o may pingas sa tainga nito, atbp. Kung ang hayop ay kapon, ito ay hindi itinuturing na isang kapansanan.
d) Oras ng Sakripisyo
Dapat itong isakripisyo sa tukoy na panahon, na kung saan ang pagdarasal at khutbah ng Eid ul-Adha ay nagtapos na hanggang sa bago lumubog ang araw ng ika-13 araw ng Dhul-Hijjah. Ang Propeta ay nagsabi:
"Ang sinumang nagsakripisyo bago ang pagdarasal ay hayaan siyang ulitin ito."[4]
Ang karne mula sa sakripisyo ng Eid ul-Adha ay kinakain ng pamilya at mga kamag-anak, ipinamimigay sa mga kaibigan, at ipinagkakaloob sa mga mahihirap. Kinikilala nating ang lahat ng mga pagpapala ay nagmumula kay Allah, at dapat nating buksan ang ating mga puso at ibahagi sa iba.
Kalendaryo ng Eid ul-Adha mula 2013-2015 CE
Ang tiyak na petsa ng Eid ul-Adha ay matutukoy batay sa pagkakita sa buwan, subalit ang pansamantalang mga petsa ay ang mga sumusunod:
Martes Oktubre 15 2013
Linggo Oktubre 5 2014
Huwebes Setyembre 24 2015
Sunnahs (Iminumungkahing mga gawa) sa Eid al-Adha
Ang mga sumusunod ay ang iminumungkahing mga gawain na nagdadala ng karagdagang gantimpala sa Eid ul-Adha. Hindi na dapat mag-alala kung nakalimutan mo ang ilan, subalit subukang gawin ng higit na marami hangga't maaari upang malubos ang iyong gantimpala.
1. Ang Propeta ay nagsasagawa ng isang kumpletong ritwal na pagligo (ghusl) sa araw ng Eid.
2.Ang Propeta ay nagsusuot ng kanyang pinakamainam na mga damit upang dumalo sa pagdarasal ng Eid. Kapwa mga kalalakihan at mga kababaihan ay dapat sundin ang tama, wastong Islamikong pananamit kapag lumabas sila para sa pagdarasal ng Eid.
3.Ang Propeta ay kinukuha ang iba't ibang ruta para sa pagpunta at pagbalik mula sa pagdarasal ng Eid.
4.Ang isa pang sunnah (iminumungkahing gawain) ay ang sambitin ang kadakilaan ni Allah sa mga salitang ito:
Allahu akbar, Allahu akbar, la ilaha il-lal-lah, wa-Allahu akbar, Allahu akbar, wa lil-la hil-hamd
"Si Allah ay dakila, si Allah ay dakila, walang diyos maliban kay Allah, si Allah ay dakila, si Allah ay dakila, at ang lahat ng papuri ay kay Allah."
Ang mga ito ay sasambitin kapag lumalabas sa kanyang bahay patungo sa lugar ng pagdarasalan at hanggang sa dumating ang imam upang isagawa ang pagdarasal.
5.Sa Eid ul-Adha iminumungkahing huwag kumain ng kahit ano hanggang sa makabalik mula sa pagdarasal, kaya dapat siyang kumain mula sa udhiyyah kung nag-alay siya ng sakripisyo. Kung hindi siya nag-alay ng sakripisyo ay walang mali sa pagkain bago ang pagdarasal.
Pangunahing Kaayusan ng Pagdarasal ng Eid
Ang Propeta ay hindi nagsagawa ng anumang pagdarasal kaagad bago o pagkatapos ng pagdarasal ng Eid. Kung ang pagdarasal lamang ng Eid ay nasa isang moske, ikaw ay magdarasal ng dalawang rakah bago umupo.
Walang adhan o iqamah para sa pagdarasal ng Eid. Ang Propeta ay isasagawa ang pagdarasal muna na susundan ng sermon (khutbah).
Nakaraang Aralin: Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
Susunod na Aralin: Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal
- Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala
- Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno
- Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan
- Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
- Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
- Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
- Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)
- Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
- Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
- Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
- Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Umrah (1 bahagi ng 2)
- Umrah (2 bahagi ng 2)
- Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)