Naglo-load...

Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)

Marka:

Deskripsyon: Isang pinadaling gabay na naglilinaw ng mga mahahalagang malaman ng bawat bagong Muslim tungkol sa Hajj, ang mas mataas na pilgrimo sa Mecca.

Ni Abdurrahman Murad (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 93 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,375 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin:

·Upang matuto paano magsagawa ng Hajj.

Terminong Arabik

·Yaum ul-Arafah – Araw ng Arafah kung saan ang mga pilgrimo ay nagtitipon sa lugar na tinatawag na Arafah

·Dhul-Hijjah – Ang ika-12 na buwan ng lunar na kalendaryo ng Islam.

·Du’a - panalangin, pagdarasal, na humihiling sa Allah ng isang bagay.

·Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha – Ang mga pangalan ng limang pang araw-araw na pagdarasal sa Islam

·Hajj - Ang pilgrimo papunta sa Mecca kung saan ang mga pilgrimo ay nagsasagawa ng hanay ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, kung saan ang bawat nasa tamang edad na Muslim ay kailangang magsagawa ng hindi bababa sa isang beses sa kanilang buhay kung nasa kakayahan nila ito sa salapi at pisikal.

·Ihram – Isang kalagayan kung saan ang isang tao ay ipinagbabawal na magsagawa ng ilang mga gawain na sang-ayon sa batas sa ibang mga panahon. Ito ay kinakailangan kapag ginagampanan ang mga ritwal ng Umrah at Hajj.

·Kabah – Ang hugis-kuwadrado na gusali na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Nagsisilbi itong bilang tuunan ng direksyon kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal.

·Masjid - terminong arabic para sa salitang moske

·Talbiyah – Ang pahayag ng mga Muslim na binibigkas sa panahon ng pilgrimo.

·Tarwiyah – Ang ika-8 araw ng buwan ng Dhul-Hijjah, ang unang araw ng Hajj.

·Umrah – Ay isang paglalakbay sa banal kabahayan ng Allah sa lungsod ng Mecca, Saudi Arabia. Kadalasang tinutukoy ito bilang ang mas mababang pilgrimo. Maaari itong maisagawa sa anumang oras ng taon.

Panimula

ThePilgrimageHajj2.jpgAng Hajj ay isang haligi ng Islam at isang gawaing pagsamba na pinagsasama ang, paniniwala, salita at pagkilos; sa maikling salita ito ay isang gawaing pagsamba na nangangailangan ng iyong buong pansin. Mas mainam para sa iyo na magpaliban muna sa pamimili, habulin ang mga hindi pangkaraniwang gantimpala, na tiyak na makikita mo, pagkatapos ng panahon ng Hajj.

Isang mahalagang aparato na hindi mo dapat kalimutan ay isang cell phone. Ipinapayo na huwag gumamit ng isang mamahaling aparato sa panahong ito, ngunit gumamit lamang ng mas mura na maaaring mabili sa Pilgrims City (Syudad ng mga Pilgrimo, sa iyong pagdating sa Saudi). Ang mga cellphone na ito ay karaniwang ibinebenta na may kasamang isang pre-paid SIM card. Ilista ang numero ng direktor ng iyong pangkat at pinuno ng Hajj sa cell phone.

Mayroong 3 uri ng Hajj at ang seryeng ito ay ipapaliwanag ang pinaka karaniwang uri, ang Hajj Tamattu '. Dito, ay isasagawa mo ang Umrah pagdating pagkatapos ang pagdating mula sa iyong bansa bago ang ika-8 ng Dhul-Hijjah (ang pamamaraan ng pagsasagawa ng Umrah ay ipinaliwanag na kanina).

Ika-8 Araw ng Dhul-Hijjah

Tayo ngayon ay nasa ika-8 ng Dhul-Hijjah. Ito ay kilala bilang 'araw ng Tarwiyah' o 'ang araw ng pagkuha ng tubig at pagtatanggal ng uhaw.' Tinatawag ito sa pangalang ito, sapagkat ang mga pilgrimo ay maghahanda para sa mahabang araw at gabi na ito sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanilang mga hayop at pagtiyak na ang kanilang mga kamelyo ay may sapat na tubig para sa mahabang paglalakbay sa hinaharap. Sila din ay mag iimbak ng tubig para sa paghahanda sa araw ng Arafah, na karaniwan ay isang mainit at mahabang araw

Kapag ang araw ng Tarwiyah ay dumating, dapat na pumasok sa Ihram sa umaga mula sa lugar kung nasaan siya sa Mecca. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay sumakaniya, ang mga kasuotan ng Ihram sa oras ng Duha (ang oras pagkatapos ng pagsikat ng araw hanggang bago ito maging tirik sa tanghali). Dapat niyang sabihin ang mga sumusunod: Lab'baika Haj'jan (Narito ako O Allah na gumaganap ng Hajj) na nagpapahiwatig ng layunin ng pagsasagawa ng Hajj. Pagkatapos nito ay dapat sabihin ang Talbiyah ng patuloy: 'Lab'baik Al'laahum'ma Lab'baik, Lab'baika laa Shareeka laka Lab'baik, In'nal Hamda wan Ni'mata laka wal Mulk, Laa Shareeka lak'.[1]

Pagkatapos ay magpapatuloy kasama ang iyong grupo ng Hajj sa lugar ng Mina, na isang lungsod ng tolda(tent). Milyun-milyong tao ang nagtitipon dito sa araw na ito mula sa lahat ng sulok ng mundo. Mas wais na maingat mong tandaan ang lugar na pinaroroonan mo; ang bawat isa ay markado ng isang kulay at isang pagkakakilanlan na code. Kung ito ay di umubra, maaari mo lamang tanungin ang pangkalahatang lokasyon ng mga tolda ng iyong bansa.

Mahalaga na pagsumikapan ng bawat isa na makaabot sa Mina bago tumirik ang araw. Ang pilgrimo ay dapat maging abala sa kanyang sarili sa pag-alaala sa Allah at pagbabasa ng Quran. Dapat na maiwasan ang walang saysay na pag-uusap at talakayan ng makamundong bagay at pagtatalo.

Si Abu Hurairah, nawa ay kalugdan siya ng Allah ay nagsabi: "Narinig ko ang Propeta na nagsabi, 'Sinumang nagsasagawa ng Hajj at hindi gumawa ng anumang rafath (kalaswaan) o fusooq (paglabag), siya ay magbabalik (malaya mula sa kasalanan) tulad ng araw na kapanganakan ng kanyang ina sakanya'". (Saheeh Al-Bukhari)

005.jpgHabang narito, dapat gawin ng manlalakbay ang bawat pagdarasal (Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha at Fajr) sa panahong nito. Hindi nila dapat pagsamahin ang mga pagdarasal, ngunit ang bawat apat na yunit ng panalangin ay pinaikli sa dalawang yunit.

Mayroong isang kagiliw-giliw na masjid sa Mina. Ito ay kilala bilang Masjid Kheef. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagsabi: "Pitumpu na mga Propeta ang nagsagawa ng pagdarasal sa masjid na ito."(Baihaqi)

Hindi obligado para sa tao na bisitahin ang masjid upang manalangin doon, ang ilan ay maaaring dala ang paniniwala na ito, ngunit walang batayan para dito.

Depende sa iskedyul ng bus para sa iyong grupo ng Hajj, maaari kang lumipat mula sa Mina hanggang sa susunod na hihintuan sa Hajj pagkatapos ng ilang sandali ng dasal ng Fajr o bago ang dasal ng Dhuhr ng ika-9 na araw ng Dhul-Hijjah.

Ang ika-9 na Araw ng Dhul-Hijjah

Ang ika-9 na araw ng Dhul-Hijjah ay tinatawag na Yaum ul-Arafah o ang araw ni Arafah. Ito ang pinakamahalagang araw ng Hajj. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagsabi: "Ang Hajj ay Arafah"(Ahmed)

Ang pilgrimo ay dapat manatili sa Arafah (isang lugar ng pilgrimo) hanggang bago ang paglubog ng araw. Ang Propeta ay nagsabi: "Ang pinakamainam na du'a (panalangin) sa araw ng Arafah; ang pinakamagandang bagay na aking sinabi at mga Propeta bago ako ay "Laa ilaahah il'la Allah wahdahu laa shareeka lahu, lahul-mulk wa lahul-hamd yuh'yee wa yu'meet wa hu'wa 'alaa kol'lee shay 'sa qadeer.[2] (Sahih at-Targhib)

Sa susunod na aralin ay matututuhan natin ang natitirang mga gawain sa Hajj.



Talababa:

[1] Kahulugan: Narito ako O Allah, (bilang pagtugon sa iyong panawagan), narito ako. Narito ako, wala Kang katambal, narito ako. Tunay na ang papuri at ang biyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; wala Kang katambal.

[2] Kahlugan: Walang karapat dapat sambahin maliban sa Allah lamang, Kung saan walang katambal. Sa kanya ang kaharian at sa kanya ang pagpupuri. Siya ang nagbibigay ng buhay at nagsasanhi ng kamatayan. Siya ay makapangyarihan sa lahat ng bagay.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7