Naglo-load...

Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling talambuhay ng kasamahan, kaibigan ng Propeta Muhammad at ang ikalawang Khalifah na Wastong Pinatnubayan sa Islam.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 89 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,383 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin:

·Upang malaman ang tungkol sa buhay ni Umar ibn Al-Khattab at maunawaan ang kanyang kahalagahan sa kasaysayan ng Islam.

Terminong Arabik:

·Qadi - isang huradong Muslim na nagbibigay ng mga legal na desisyon ayon sa Shariah.

·Shariah - Batas ng Islam.

·Shura - ang panuntunan sa pagsasangguni, kadalasan na ginagamit sa pamahalaan.

·Khalifah (maramihan: Khulafa’) – Caliph. Minsan naibaybay na Khalif. Siya ang pangunahing pinuno ng relihiyon at palingkurang-bayan na pinuno, na itinuturing na kahalili ng Propeta Muhammad. Ang isang Khalifah ay hindi isang hari.

·Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

·Diwan - Sa Islamikong Panlipunan, ito ay isang sentral na departamento ng pananalapi, punong administratibong tanggapan, o pampook na lupon ng namamahala.

·Hijrah - ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Sa Islam, ang Hijrah ay tumutukoy sa mga Muslim na lumipat mula sa Mecca patungo sa Medina at ito din ay palatandaan nang pag-uumpisa ng kalendaryo sa Islam.

·Sunnah - Ang ilan sa kahulugan ng salitang Sunnah ay depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap ay, anumang naiulat sa salita ng Propeta, ginawa, o naaprubahan.

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

RightlyGuidedCaliphsUmar2.jpgSi Abu Bakr ang pinili ni Umar na maging pangalawang khalifah (caliph) ng Islam. Sa bingit ng kanyang kamatayan, sama-samang tinipon ni Abu Bakr ang kanyang mga kaibigan at tagapayo at hiniling niya sa kanila na pumili ng kanyang kahalili mula sa kanilang mga sarili, gayunpaman hindi nila magawa ito at bumalik sila kay Abu Bakr at nagpumilit na siya mismo ang magpasya. Pinili niya si Umar Ibn Al-Khattab. Nakuha ni Umar ang pamumuno sa Ummah noong 634 CE noong pagkamatay ni Abu Bakr.

Batid ni Umar ang kanyang reputasyon sa pagiging tigasin at ang kanyang unang gawain ay upang kausapin ang mga tao at banggitin ang mga inaasahan nya sa kanila higit lalo ang sa inaasahan nya sa kanyang sarili. Ang kanyang pananalita ay walang kaduda-duda sa atin na si Umar ay hindi humihingi ng papuri, ni hindi siya naghahanap ng kadakilaan. Gayunpaman, nais niyang itaguyod ang pamana ni Propeta Muhammad. Sinimulan niya sa pagsasabing, "O mga tao, alamin ninyo na ako ay itinalaga upang pamahalaan ang iyong mga gawain, kaya kilalanin na ang aking pagiging tigasin ay humina na ngayon, ngunit magpapatuloy ako na maging matigas at malupit sa mga tao na mapang-api at mapaglabag ..." Yaong panahon ni Umar na ang Islamikong ulirang pang-relihiyon at pampulitikang imprastruktura ay nabuo at pinagtibay. Ibinigay niya ang kahulugan at ipinakita ang mga salitang ito mula sa Quran:

“O kayong mga naniniwala, manindigan para sa katarungan bilang mga saksi sa Allah...” (Quran 4:135)

Namalas sa pamumuno ni Umar ibn Al-Khattab na ang maliit na bansang Islam na nakabase sa Medina ay naging makapangyarihan sa mundo. Ang mga kuta ng militar ay nabuo at sa kalaunan ay nabago ang ilan sa mga dakilang lungsod ng Islamikong Caliphate tulad ng Basra, Damascus, Kufa at Fustat na kilala ngayon bilang Cairo. Hinati-hati ni Umar ang malawak na Caliphate na ito sa mga lalawigan at siya ay nagtalaga ng mga gobernador na ang mga katungkulan at awtoridad ay malinaw na tinukoy. Ang sinumang mga kurakot na administrasyon ay pinarurusahan nang mahigpit. Ang eksekutibo at ang hiktadura ay nahiwalay at ang qadis ay hinirang upang mangasiwa ng katarungan ayon sa mga prinsipyo ng Islam.

Iginiit ng Khalifah na si Umar na ang kanyang hinirang na mga gobernador ay mamuhay ng simpleng buhay at masasanggunian ng mga tao sa lahat ng oras, at siya ang nagsilbing halimbawa sa mga ito. Madalas siyang matagpuan sa gitna ng mga tao o sa moske kung saan ang kanyang damit at kilos ay di naiiba sa mga ordinaryong tao. Ginugol din ni Umar ang maraming gabing nagmamatyag at naghahanap ng sinuman na nangangailangan ng tulong o pangangailangan. Mayroong isang ahadith na nagpapatunay sa mga gabi ng pagmamatyag ni Umar, naglalakad siya sa mga lansangan ng Medina. May mga mahihirap na tao at nagugutom na mga manlalakbay na pinaglutuan ni Umar at mga sanggol na ipinanganak sa tulong ng asawa ni Umar ibn Al-Khattab. Natutuklasan ni Umar kung ano ang naiisip ng mga karaniwang tao at nakakagawa o nababago ang mga patakaran nang naaayon (para sakanila). Halimbawa, ang badyet ng mga bata ay kadalasang binibigay pagkatapos ng pagpapasuso ng ina ngunit binago ito sa pagbibigay sa panahon ng kapanganakan upang hikayatin ang mga ina na huwag madaliin ang pag-iwan sa pagpapasuso.

Ang isang natatangi na kuwento ay ang katulong ng tagagawa gatas na hinihikayat ng kanyang ina na dayain ang gatas upang kumita ng mas maraming pera. Narinig ni Umar ibn Al-Khattab ang pag-uusap kung saan sinalungat ng taga gawa ng gatas ang kanyang ina at sinabi na bagaman maaari nilang linlangin ang Khalifah at ang mga tao, hindi nila maitatago ang panlilinlang mula sa Allah. Hinimok ni Umar ang kanyang anak na lalaki na pakasalan ang babae dahil sa kanyang mga prinsipyo at kaugalian pang Islam. Sa isang pagkakataon, may isang babae na nagreklamo laban sa Khalifa mismo. Nang si Umar ibn Al-Khattab ay lumitaw sa harapan ng qadi, ang qadi ay tumayo bilang tanda ng paggalang sa Khalifah. Sinaway siya ni Umar, habang sinasabi, "Ito ang unang gawain ng kawalang-katarungan na ginawa mo sa babaeng ito!"

Sa buong malaking pagpapalawak ng Ummah ni Umar ibn Al-Khattab kinontrol niya ng maigi ang pangkalahatang patakaran at inilatag ang mga prinsipyo para sa pamamahala ng mga nasasakupan na lupain. Ang istraktura ng tamang islamikong pagsasanay ay dahil sa kanya. Si Umar ay isang kamangha-manghang tagapamahala. Nagtatag siya ng isang Konseho ng Shura kung saan siya naghihingi ng payo tungkol sa mga bagay sa estado, ang mga mahahalagang pasya ay ginagawa lamang pagkatapos ng masusing debate.

Itinatag ni Umar ang institusyong kilala bilang Diwan kung saan ang taunang badyet mula sa pampublikong pananalapi ay binibigay sa lahat ng mga kasapi ng Ummah. Ganap na panagutan na pananalapi, accounting, pagbubuwis at mga kagawaran ng kayamanan. Mga pulis, mga bilangguan at mga koreo ay itinatag at ang mga sundalo sa malawak na mga hukbong Muslim ay binabayaran. Ang mga guro ay binabayaran rin habang hinihikayat ang edukasyon. Ang pag-aaral ng mga siyentipikong wika, literatura, panitikan, pagsulat at kaligrapya, lahat sila ay nakatatanggap ng suporta at iba pa, mahigit 4,000 moske ang itinayo. Ang standardisasyon ng teksto ng Quran ay natapos sa panahon ng pagiging khalifah ni Umar.

Si Umar ibn Al-Khattab ay sabik na isulong ang Ummah na Muslim sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya at konstruksiyon na kilala sa mga lupain na nasasakupan nila. Ang pagtatayo ng mga windmills tulad ng ginamit sa Persiya ay hinimok sa buong Caliphate. Ang mga lumang tulay at mga kalsada ay naayos at mga bago ang itinayo. Sabi nila na ang isang manlalakbay ay maaaring makabyahe nang madali mula sa Ehipto patungo Khorasan sa gitnang Asya. Ang malawak na teritoryo ng Kanlurang Asya at Hilagang Aprika ay nauugnay sa isang malayang kalakalang lugar. Kinuha ang sensus ng populasyon at itinatag ni Umar ang kalendaryong Islamiko simula sa Hijrah ng Propeta Muhammad.

Nakakalungkot at di kapani paniwala na si Umar, na isang lalaki na tumayo para sa hustisya ng lahat ay pinaslang dahil sa isang hatol na ibinigay niya sa isang sibil na kaso. Ang isa sa mga Kasamahan, si Mugheera bin Sho'ba, ay pinarentahan ang isang bahay sa isang karpintero ng Persiya na nagngangalang Abu Lulu sa halagang dalawang dirhams sa isang araw, halaga na nadama ni Abu Lulu na masyadong mataas. Nagreklamo siya sa Khalifah na si Umar ibn Al-Khattab na nagsuri ng lahat ng mga katotohanan, at tinukoy na ang upa ay patas. Ang maliit na pangyayari na ito ay ang naging daan sa pagtatapos ng 10 taon ng pamumuno ni Umar bilang ika-2 Khalifah ng Ummah. Nangako si Abu Lulu na tatapusin niya ang buhay ng Khalifah. Pagkasunod na umaga, pumaroon si Umar sa moske at habang pinamumunuan niya ang pagdarasal, binibigkas ang Quran, isinaksak ni Abu Lulu ang kanyang may dalawang-ulo na espada sa tiyan ng Khalifah. Ang pagdurugo sa loob ay walang tigil at si Umar ibn Al-Khattab na pinuno ng mga mananampalataya ay namayapa sa sumunod na araw. Ang taon ay 644 CE.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7