Naglo-load...

Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang isang maikling talambuhay ng kasama ng Propeta Muhammad, pinsan at manugang, at ikaapat na Matuwid na Pinatnubayang Khalifa sa Islam. Malalaman din natin ang ilan sa mga nakamit at pagsubok ni Ali.

Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 87 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,970 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin:

·Upang mapag-aralan ang buhay ni Ali ibn Abi Talib at maunawaan ang kahalagahan ng papel niya sa kasaysayan ng Islam.

Terminong Arabik:

·Khalifah (maramihan: Khulafa’) – Caliph. Minsan naibaybay na Khalif. Siya ang pangunahing pinuno ng relihiyon at palingkurang-bayan na pinuno, na itinuturing na kahalili ng Propeta Muhammad. Ang isang Khalifah ay hindi isang hari.

·Rashidun – Yaong mga matutuwid na pinatnubayan. Partikular na, ang isang kolektibong termino na tumutukoy sa unang apat na mga Khalifah.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.

·Ummah – Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

RightlyGuidedCaliphsAli2.jpg

Si Ali ibn Abi Talib ay ang ikaapat na matuwid na pinatnubayang Khalifa sa Islam. Ang pinsan at manugang ng Propeta. Matapos ang pagpatay kay Uthman ibn Affan maraming mga Muslim ang sabik para kay Ali na manguna sa pamumuno ngunit nababahala si Ali na ang mga binhi ng paghihimagsik ay kumakalat sa mga mananampalataya. Nag-aatubili siya hanggang ang ilan sa mga pinakamalapit kay Propeta Muhammad ay hinimok siya at binigyan siya ng suporta. Ang mga pangyayari na umuugnay sa pagpatay kay Uthman ay kumalat sa maliit na Ummah sa isang panahon na naging kilala bilang "oras ng kapighatian". Nakakalungkot na si Ali ay nagsimula at natapos ang kanyang pagiging khalifah sa panahon ng kataksilan.

Tinanggap ni Ali ang pagiging khalifah na labis na nag-aatubili at inilipat ang kabisera ng maliit na Muslim na Ummah mula sa Medina papuntang Kufa na sa kasalukuyang araw ay Iraq. Nadama niya na ang pag-aaway ng mga tao dahil sa pagkapatay kay Uthman ay dahil sa kawalang kakayahan ng mga gobernador kaya pinatawag niya ang lahat ng mga gobernador na itinalaga ni Uthman at nagtalaga ng mga bago, na nadama ni Ali na pangangasiwaan ang kanilang lalawigan nang mas mahusay. Si Muawiyah, pamangkin ni Uthman at gobernador ng Malaking Parte ng Syria, ay tumangging bumaba hanggang ang mga pumatay kay Uthman ay mabigyan ng hustisya.

Ang isa sa mga balo ni Propeta Muhammad na si Aisha, ay naniniwala rin na ang mga mamamatay-tao ni Uthman ay dapat dalhin sa hukuman. Gayunpaman dahil sa kaguluhan sa panahon ng mga huling araw ng pamamahala ni Uthman mahirap na tapusin ang gawaing ito dahil maaaring magdulot ito ng higit na kaguluhan.

Sa kabila ng kanyang pinakamahusay na pagsisikap na tapusin ang kaguluhan na sumailalim sa Ummah, hindi nagawang maisa-isa ni Ali ang lahat ng mga nakikipagtalo at nakikipaglaban na mga pangkat at noong 657 CE Ang pagtanggi ni Muawiyah na bumaba mula sa pagkagobernador ng Syria ay nagbunga sa pagkilos ng militar. Ang mga pwersa ni Muawiyah at Ali ay nakilala sa Labanan ng Siffin. Ito ay talagang isang serye ng mga labanan at negosasyon na naganap sa pagitan ng Mayo at Hulyo 657 CE at natapos sa wakas sa arbitrasyon ng Adhurh.

Sa una, si Ali at ang kanyang mga pwersa ay mukhang nananalo na ngunit pagkatapos magkasundo ang magkabilang panig na ihinto ang pagdanak ng dugo at magtalaga ng hukom upang magpasiya kung aling partido ang nasa katotohanan. Ang isang maliit na bilang ng mga tao, na naging kilala bilang Kharwarij [1], ay tumanggi sa arbitrasyong ito, at pagkatapos ay nakipagdigma laban kay Ali, nawa kalugdan siya ng Allah. Si Ali ay gumugol sa susunod na dalawang taon sa isang kampanya laban sa Kharwarij hanggang sa siya ay pinaslang ng isa sa kanila. Matapos ang kanyang pagpaslang, ang kanyang anak na si Al-Hasan, nawa kalugdan siya ng Allah, ang naging karapat dapat na sunod na Khalifah sa Ummah. Sa bagay na ito, ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay sinabi: "Sa katunayan ang aking anak na ito (ibig sabihin si Al-Hasan) ay isang kaaya-aya na tao; Sa pamamagitan niya na ang Allah ay pagkakaisahin ang dalawang malalaking partido ng Ummah. "Totoo sa pagsasalaysay na ito, nang nasaksihan ni Al-Hasan ang pagtatalo at pag-aaway inanyaya niya si Muawiyah sa arbitrasyon at agarang pumayag bumaba para sa kanya, kaya nagkaisa ang Muslim na Ummah. Naganap ang pangyayaring ito sa taon 41 ng Hijri, na kilala bilang 'taon ng pagtitipon'.

Sa lahat ng kanyang mga pagsubok at kapighatian si Ali ay nanatiling marangal, matapang, at mapagbigay. Kahit sa mga mapanganib na mga panahon, pinatawad niya ang kanyang mga kaaway at patuloy na nagsusumikap para sa isang nagkakaisang Ummah.

Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagsabi: "Ang pagka-khalifah pagkatapos ko ay magtatagal ng 30 taon." Sa katunayan, ang panahon ng pagiging Khalifah ni Abu Bakr, kasama nina Umar, Uthman, Ali at Al-Hasan, sa kabuuan ay eksaktong 30 na taon.



Talababa:

[1] Literal sa Arabik na ang mga nagsilabas. Sila ang mga unang nagbago ng doktrina sa Islam. Ang Orihinal na grupo nila ay hanggang 20,000 na lalaki na tumalikod kay Ali at tinanggihan ang kanyang pagiging khalifah nang sumang-ayon siya sa arbitrasyon kay Muawiyah.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7