Naglo-load...

Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom

Marka:

Deskripsyon: Ang isang maikling paglalarawan ng mga kaganapan bago ang Paghuhukom ng Allah ay mangyari.

Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 93 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,583 (pang-araw-araw na average: 2)


Layunin

·Upang maunawaan na ang Allah ay nagbigay sa atin ng detalyadong mga paglalarawan ng mga pangyayari sa Araw ng Paghuhukom at detalyadong paraan upang maiwasan ang walang hanggang parusa.

Terminong Arabik

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

Paghihintay sa kung anuman ang parating.

Events_on_the_Day_of_Judgment_(part_2_of_3)._001.jpgSa Araw ng Paghuhukom, pagkatapos ng pag-ihip ng trumpeta at ang mga katawan ng buong sangkatauhan ay nabuhay muli. Ang mga tao ay nakatayo sa isang malawak na patag at naghihintay magsimula ang paghatol. Sila ay nababagabag at ang kanilang mga puso ay mananatiling puno ng takot at pagsisisi. Sila ay malilito at hindi makapaniwala. Sinasabi ng Allah sa atin na ito na ang panahon, “kapag naging malamlam na ang paningin, at mawawalan na ng liwanag ang buwan (itinago mula sa paningin), at kapag pinagsama ang buwan at araw” (Quran 75:7-9). Ang mga tao ay natipon sa ilalim ng isang nakatatakot na ilaw at paghihintayin. Ito ay isang araw kung kailan ang mga langit ay aalisin at ang“…at ang mga anghel ay pabababain, ng kagalang-galang na pagbaba.”(Quran 25:25)

Ang mga anghel ay bababa ng mga nakahilera, isang kagalang-galang na pagbaba gaya ng inilalarawan ng Quran rito. Ang parehong mga tao at mga anghel ay nakatayo at nakahanay naghihintay para sa paghatol at ang oras ay hindi tumatakbo tulad ng inaasahan ng mga tao. Ang pagtayo ay tila walang katapusan, magtatapos pa ba ito?

at ang mga anghel ay nandoroon sa mga dulo ng mga kalangitang yaon, at bubuhatin ng walong mga dakilang anghel ang ‘`Arsh’ ng Allâh na nasa ibabaw nila. At sa Araw na yaon ay ilalantad kayo sa Allâh na walang anumang naitatago sa Kanya sa inyong mga lihim” (Quran 69: 17-18)

Sa Araw na ito kahit na ang mga yaong may liwanag at nagniningning ang kanilang mga mukha ay natatakot na tumayo sa harap ng Allah at ang mga nasisilungan sa pamamagitan ng biyaya ng Allah ay nananatiling natatakot sa napakahalagang okasyon. Ang pagkabalisa ng tao sa Araw ng Pagkabuhay ay magiging napakatindi na sila ay tatakbo sa iba't ibang mga propeta na nagmamakaawa para sa kanilang pamamagitan at paghiling sa Allah na simulan na ang paghatol.

Ang Mga Propeta[1]

Ang mga tao ay titipunin na magkakasama sa mga pangkat o kanya-kanya, walang pakialam sa mga nasa paligid nila. "Sino ang tutulong sa amin!" Sila ay sumisigaw at babaling sa mga propeta. Sila ay nagmadali papunta kay Adan, ang ama ng sangkatauhan at humingi ng kanyang panalangin para sa kanila ngunit si Adan ay natatakot din. Sasabihin nila, "Pakisuyo Adan, ikaw ang tao na kung saan nagpatirapa ang mga anghel", ngunit si Adan, ang kapayapaan ay mapasakanya, ay sasabihin"Aking sarili, Aking sarili" at sinasabi niya sa mga tao na ang kanyang Panginoon ay galit ng hindi tulad kailanman, pumunta kayo kay Propeta Abraham .

Ang mga tao ay pupunta kay Abraham at hihingi, "Ikaw ang minamahal ng Allah, mangyaring hilingin mo sa Kanya na simulan ang paghatol". Sasagot si Abraham tulad ni Adan, "Aking sarili, aking sarili. Ngayon ang aking Panginoon ay galit ng hindi tulad kailanman, pumunta kayo kay Propeta Moises, pupunta sila kay Propeta Moises, nagmamakaawa para magsimula ang paghuhukom. Sa pangkaisipan at pisikal na sakit, ang pawis na dumadaloy sa kanilang mga katawan, mga puso na kumakalabog, ang mga tao ay magpapatuloy sa parehong pangyayari at ituturo sila ni Moises kay Propeta Hesus. Ang bawat Propeta ay natatakot sa Allah at nag-aalala tungkol sa kanyang sariling kaparusahan.

Ang mga tao ay darating ulit kay Propeta Hesus na nagmamakaawa para sa kanyang tulong. "Ikaw ay nilikha ng salita ng Allah; nakipag-usap ka sa mga tao mula sa duyan, mamagitan ka para sa amin sa harapan ng iyong Panginoon! "Ang Propeta Hesus ay tutugon sa eksaktong paraan katulad ng iba. Kahit na siya ay alipin ng Allah, at kahit na umakyat siya sa Allah matapos ang kanyang panahon sa mundo, si Propeta Hesus ay nababahala rin sa kanyang sariling paghahatol. "Aking sarili, Aking sarili. Ngayon ang aking Panginoon ay galit ng hindi tulad kailanman, pumunta kayo kay Propeta Muhammad, ang huling propeta."

Ang mga tao ay magmamadali pupunta kay Propeta Muhammad, at sabihin sa kanya, "ikaw ang huli sa mga propeta at ang aming huling pag-asa, mangyaring hilingin mo sa Allah na simulan ang paghahatol!" Tutugon siya, "Pupunta ako, pupunta ako".

Ang susunod na mangyayari ay matatagpuan sa isang tunay na hadith. Si Propeta Muhammad ay pupunta sa kanyang Panginoon, Allah. "Pagkatapos ay hihilingin ko sa aking Panginoon ang pahintulot at bibigyan Niya ako ng pahintulot, at Siya ay magbibigay inspirasyon sa akin ng mga salita ng papuri kung saan pupuri ako sa Kanya, ng mga salita na hindi ko nalalaman ngayon. Kaya't pupuri ako sa Kanya ng mga salitang papuri at ako ay magpapatirapa sa harap Niya. Sasabihin Niya, 'O Muhammad! Itaas mo ang iyong ulo; humiling, at ito ay ibibigay sa iyo, at mamagitan, dahil ang iyong pamamagitan ay tatanggapin. 'Aking itataas ang aking ulo at sabihin,' Ang Aking Ummah, O Panginoon! Ang Aking Ummah, O Panginoon! '... "[2]

Ito ang tinatawag na pinakadakilang pamamagitan, ito ay ang al-maqaam al-mahmood, ang Propeta Muhammad ay mamamagitan para sa mga tao at ang Allah ay maaaring pawiin ang mga kilabot at simulan ang paghatol.

“... upang maitaas ka ng iyong Panginoon sa Maqaam Mahmood (isang kalagayan ng papuri at kaluwalhatian, ibig sabihin, ang karangalan ng pamamagitan sa Araw ng Pagkabuhay Muli)” (Quran 17:79)

Ang impyerno at Paraiso ay inilapit.

Bago magsimula ang Paghuhukom, ang Impiyerno ay dapat madala (malapit sa mga tao). Ang mga anghel at ang lahat ng sangkatauhan ay nakatayo, naghihintay, nagiging lalong balisa, nag-aalala sa kanilang mga sarili, nagsusumamo para sa tulong at ang Impiyerno ay pinalapit. Ang mga tao ay nahihirapan hanggang sa punto na sila ay nag-iisteriko ngunit ang mga nagsisimulang mapagtanto kung gaano karami ang mga kasalanan na kanilang ginawa ay mahihimatay sa mga makikita at sa tunog na nagmula mula sa apoy ng Impiyerno.

At ang Impiyerno ay dadalhin malapit sa Araw na iyon. Sa araw na yaon ay maaalaala ng tao, ngunit papaano ang ala-ala niya makatutulong sakanya?” (Quran 89:23)

Sinabi ng Propeta, "Ang Impiyerno ay madadala sa Araw na iyon sa harapan ng mga tao na may pitumpung libong mga tali, na ang bawat isa ay hinahawakan ng pitumpu't libong mga anghel."[3]

At ang (Impyerno) Apoy ay ilalagay sa paningin ng mga nagkasala. At sasabihin sa kanila, 'Nasaan ang mga inyong(ang huwad na mga diyos) ginamit upang sumamba sa halip sa Allah? Matutulungan ba kayo nila o (kahit) tulungan ang kanilang mga sarili? '” (Quran 26:91-93)

Upang humupa ang takot sa mga walang dapat ikatakot, ang matutuwid na mananampalataya, iniutos ng Allah na ang Paraiso ay ilapit. Lapit na sapat para makita at marinig ng mga tao ang mga tunog at mga pasyalan na naghihintay na pasiyahin ang mga karapat dapat sa pamamagitan ng walang hanggang kaligayahan.

At ang Paraiso ay dadalhin malapit sa mga mabubuti, hindi ganoon kalayo. (Ito ay sasabihin): "Ito ang ipinangako sa inyo - (ito ay) para sa mga madalas na nagbabalik (sa Allah) ng tapat na pagsisisi, at yaong nag-iingat ng kanilang pangako sa Allah.” (Quran 50:31-32)



Talababa:

[1] Based on the hadith from Saheeh Al-Bukhari

[2] Saheeh Al-Bukhari

[3] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7