Naglo-load...

Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr

Marka:

Deskripsyon: Upang maunawaan na ang surah na ito ay binibigyang diin ang kahalagahan ng paggamit ng oras nang wais/tama. Itinuturo nito kung ano ang makapagliligtas sa sangkatauhan mula sa kawalan/pagkalugi sa mundong ito at sa susunod.

Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 88 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,809 (pang-araw-araw na average: 4)


Layunin:

·Upang maunawaan ang kahulugan ng Surah Al-Asr, isa sa mga pinakadakilang surah ng Quran.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na naisasalin sa kahulugan na na mga Kasamahan. Ang isang sahabi, kung saan ang salitang ito ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

·Sabr - pagtitiis at ito ay nagmumula sa isang salitang-ugat na kahulugan ay huminto, pigilin, o iwasan.

·Sunnah- Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, na kahit ano na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.

·Haqq - katotohanan. Al-Haqq (Ang Katotohanan) ay isa sa mga pangalan ng Allah.

Pambungad

SurahAsr.jpg

Ang Surah Al-Asr ay ang ika-isang daan at tatlong (103) surah ng Quran. Ito ay tinutukoy bilang isang walang katulad na halimbawa ng pagiging malawak ang saklaw dahil ipinaliliwanag nito sa tatlong maikling talata ang daan sa tagumpay at ang paraan ng pagkalugi. Sinabi ni Imam Ash-Shafi na kung ang mga tao ay pag-iisipan ng mabuti ang surah na ito, ito ay magiging sapat na sa daan ng gabay. Ilang bilang ng ahadith ay naghahayag tungkol sa malaking pagpapahalaga kung saan pinanghawakan ng mga sahabah ang surah na ito. Sa tuwing ang dalawa o higit pa na sahabi ay nagkikita hindi sila mag hihiwa hiwalay nang hindi binibigkas ang surah Al-Asr.[1]

Ang web site na ito ay tutulong sa iyo upang matutunan, bigkasin at kabisaduhin ang surah Al-Asr. http://www.mounthira.com/learning/surah/103-al-asr/

“Sumpa sa Al-'Asr (Panahon). Katunayan ang taoay nasa pagkawasak at pagkalugi. Maliban sa kanila na naging mananampalataya at gumawa ng mabubuting gawa, at nagpayuhan sila sa isa’t isa sa pananatili sa katotohanan at pagtitiis para rito.” (Quran 103)

Ang surah ( chapter sa Quran) na ito ay nagsisimula na may payo sa sangkatauhan. Ang Allah ay nanunumpa sa pamamagitan ng "panahon" at ipinahayag na ang tao ay nasa kalagayan ng pagkasira. Ang bawat tao, lalaki o babae, ay nasa isang kalagayan ng pagkalugi maliban sa mga nagsisikap at gumagawa ng apat na bagay; naniniwala, gumagawa ng mga gawaing matutuwid, at nagpapayo sa isa't isa sa katotohanan, at nagsa sabr (nagtitiis,nagpapasensya).

Ang kahulugan ng Asr

Ang simpleng pagsasalin para sa salitang asr ay oras. Subalit ang asr ay may mas malalim na kahulugan kaysa sa isa pang salitang Arabic na ang kahulugan ay oras, dahr. Ang ibig sabihin ng dahr ay ang oras na walang limitasyon na inilagay rito, ang asr sa kabilang banda ay nangangahulugan ng limitadong oras; oras na magwawakas. Sa antas ng linggwistika ang isa sa mga kahulugan ng asr ay isang bagay na sinisiksik o pinipiga. Ang Allah ay nanunumpa ng isang panunumpa sa pamamagitan ng oras, isang oras na limitado, isang oras na magtatapos at isang oras na dapat siksikin o pigain upang tayong mag tao ay magamit ito ng tama at kapaki - pakinabang kahit na sa limitadong oras lamang.

Hinihiling din sa atin ng Allah na pag-isipan ang paglipas ng oras. Ang isa pang kahulugan na ibinigay sa salitang asr ay ang paglubog ng araw, ang oras ng pagdarasal ng Asr, kapag ang araw ay lumilipas at parating na sa dulo ng araw. Ang Allah ay nagsasabi sa atin na ang ating panahon ay maikli at limitado at kung hindi natin ito gagamitin ng wasto at kapaki pakinabang ay tiyak na tayo ay mga talunan, katotohanan, sinabi ng Allah, tayo ay nasa pagkalugi.

Ang kahulugan ng Pagkalugi

Ang salitang Arabic para sa pagkalugi ay khusr at ito ay kabaligtaran ng tubo kaya iba pang kahulugan nito ay pagkabagsak. Sa ganitong konteksto maaari itong mangahulugan na ang tao ay nalulugi ng pangunahing kapital nila para sa Kabilang Buhay kung sa halip na gamitin ang buhay na ito upang makinabang sa pamamagitan ng pananampalataya at mga mabubuting gawa ngunit pinapalitan nila ito nang kawalang pananampalataya at kasalanan.

Tayo ay nasa panganib ng kawalan ng isang bagay na napaka-halaga, at iyon ay ang isang maligayang buhay sa Kabilang Buhay. Gayunpaman bago ang malaking kawalan ay mawawala sa atin ang pagiging malapit sa Allah at gayindin ang ating kapayapaan at katahimikan sa buhay na ito. Ang pagkawala ng kakontentuhan ay kadalasang maaaring humantong na ang sangkatauhan na kumilos nang may kataksilan, at mapunta sa walang humpay na problema at alitan. Ngunit ang Allah ay patuloy na nagbabala sa atin at dito Siya ay muling nagsasabi, maghintay, mag isip at iligtas ang iyong sarili. Iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng paghahangad ng pagkakaroon ng apat na katangian ng pag-uugali:

1.Maniwala. Ang unang hakbang ng kaligtasan ay sa pamamagitan ng pagtataguyod ng tamang paniniwala at pagsunod dito ng may matibay na paninindigan at katiyakan.

2.Gumawa ng mga gawaing matuwid. Ang paraan kung saan nakukuha natin ang katiyakan na ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kilos na nakalulugod sa Allah; ipinakikita natin ang ating paniniwala sa pamamagitan ng ating mga kilos o mabubuting gawain. Dapat gawin ang ating mga gawa na alinsunod sa kung ano ang nasa Quran at ang tunay na Sunnah. Hindi sila dapat magiging ayon sa ating mga hangarin at kagustuhan. Ang tunay na tanda ng tagumpay ay ang pagsunod sa mga utos ng Allah at upang labanan ang pagnanais na magkasala.

3.Manghikayat, magrekomenda o komonekta sa katotohanan. Sa Arabic haqq. Sinasabi sa atin ng Allah na ipaalala sa isa't isa at hikayatin ang bawat isa na maging tapat sa katotohanan, at ipaalam ito nang malinaw sa pamamagitan ng pagsisikap para sa katarungan.

4.Iminungkahi sa isa't isa na ang mag-sabr ay ang ikaapat na katangian at ang pagtataguyod ng pagtupad sa haqq ay hindi mangyayari nang walang sabr. Ang pagiging matatag sa pagsunod sa mga utos ng Allah ay nangangailangan ng pagtitiis, pag iwas sa mga kasalanan, ay nangangailangan ng pasensya, at pagkakaroon ng pag-asa sa oras ng mga kalamidad. Ipinaliwanag ni Ibnul Qayyim na ang pagkakaroon ng sabr ay nangangahulugang pagkakaroon ng kakayahang pigilan ang ating sarili mula sa kawalan ng pag-asa, upang maiwasan ang pagrereklamo, at upang pamahalaan ang ating sarili sa mga panahon ng kalungkutan at pag-aalala.

Pinapayo ng surah na ito sa mga mananampalataya na kumilos nang magkakasama upang palakasin ang kanilang antas sa Kabilang Buhay. Nagpapahiwatig ito ng pag-anyaya at panghihikayat sa mga tao na gumawa ng mga mabubuting gawain at pagpigil sa mga ito mula sa pagbagsak sa kasalanan at kawalang-paniniwala.

Ang paghahayag ng surah na ito ay naganap sa panahon ng kahirapan. Ang mga unang Muslim ay kailangang makipaglaban sa pang-aapi at ang surah Al-Asr ay nagbigay sa kanila ng lakas at kumpiyansa sa harap ng kanilang mga pagsubok at kapighatian. Ito marahil ang dahilan kung bakit napaka lapit nito sa sahabah at pati narin sa mga sumusubok mamuhay ng matuwid. Sa panahong ito kapag ang isang tao ay natatagpuan ang kanyang sarili sa pagkalugi, ang kanyang kalagayan ay maaaring magbago sa pamamagitan ng pagsunod sa mga maiikling payo na ibinigay ng Allah sa atin sa surah Al-Asr.



Talababa:

[1] At Tabarani

[2] Ibn Qayyim al jawziyyah, 1997, Patience and gratitude, English translation, United Kingdom, Ta Ha Publishers

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7