Naglo-load...

Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan

Marka:

Deskripsyon: Ano ang nangyayari sa isang tao pagkatapos ng kamatayan.

Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 110 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,097 (pang-araw-araw na average: 4)


Layunin:

·Upang maunawaan na ang libingan ay ang unang yugto ng buhay sa Kabilang Buhay.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na naisasalin sa mga Kasamahan. Ang isang sahabi, kung saan ang salitang ito ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

·Barzakh - pagitan ng buhay na ito at ng pagkabuhay-muli

·Ghayb - ang hindi nakikita o ang hindi nababatid.

QuestioninginGrave1.jpg

Ang libingan ay ang tahanan ng katawan pagkatapos ng kamatayan at ang kamatayan ay isang bagay na lahat tayo ay makararanas. Walang makakatanggi nito o makakapagtago mula rito. Ang kamatayan ay darating sa bawat isa sa atin. Ang ilan ay mamamatay ng mas maaga kaysa sa iba, alinsunod sa kalooban ng Allah ngunit lahat ng nabubuhay ay mamamatay sa kanyang takdang panahon, kahit na siya man ay kabilang sa mga banal o masama. Samakatuwid, mahalaga na ang bawat isa sa atin ay nauunawaan kung ano ang mangyayari pagkamatay natin. mamamatay tayo at ililibing ngunit hindi iyon ang wakas, sa katotohanan ito ay ang kabaligtaran dahil ito ay simula pa lamang.

“Lahat ng may kaluluwa ay makakalasap ng kamatayan...” (Quran 3:185)

Tinawag ng mga propeta ng Allah ang kanilang mga tao upang sambahin ang iisang Diyos, ang Allah na Makapangyarihan sa lahat, at tinuruan din nila ang mga tao na maniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Ito ay itinuturing na isang napakahalagang konsepto, sa sobrang halaga na ang kabiguang maniwala dito ay halintulad ng paniniwala na walang kabuluhan. Alinsunod dito, ang isa sa 'mga haligi ng pananampalataya' ay ang paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Ang buhay na ito ay madalas na tinutukoy bilang ang Kabilang Buhay, at ang unang yugto ng Kabilang Buhay ay buhay sa libingan.

Sa isang tunay (authentic) na hadith, sinabi ni Propeta Muhammad, "Ang libingan ay ang unang yugto ng Kabilang Buhay…”[1] Sa pagsasa-isip nito mahalaga na tandaan na ang makamundong buhay na ito ay isang serye ng mga pagsubok at mga pagsubok na nagpapasiya sa ating lugar sa Kabilang Buhay. Ang lahat ng mga gawain ay itinatala at binubuo nito ang batayan ng anumang kaparusahan o gantimpala ng isang tao na nakatakdang matanggap.

“ Ito’y dahil sa gayong (kasamaan) na ginawa ng inyong mga kamay . At katiyakang ang Allah ay hindi kailanman naging di-makatarungan sa (Kanyang) mga alipin.” (Quran 3:182)

Ito ang Paraiso na itinakda sa inyo upang manahin dahil sa inyong mga gawa (mabubuti) na inyong ginawa ( buhay sa mundo)."(Quran 43:72)

Ang buhay sa libingan ay madalas na tinutukoy bilang buhay sa Barzakh. Ang Barzakh ay literal na nangangahulugan na isang harang, hadlang o isang bagay na naghihiwalay sa isang bagay mula sa iba pang tulad ng sumusunod na paglalarawan sa Quran:

Malayang pinagtagpo ng Allâh ang tubig ang dalawang bahagi ng dagat (tabang at maalat) na ito ay nagtatagpo na mayroong itong harang (Barzakh) na wala sakanila ang maaaring lumabag rito” (Quran 55:19-20)

Kaya't ito ay isang harang na hindi maaaring tawirin maliban sa pahintulot ng Allah. Sa konteksto ng buhay at kamatayan, ang Barzakh ay ang panahon sa pagitan ng kamatayan ng isang tao at ng kanyang pagkabuhay muli sa Araw ng Paghuhukom. Ang likas na katangian ng buhay sa Barzakh ay isang bagay ng ghayb at kaya ang mga detalye nito ay ang Allah lamang ang nakakaalam. Subalit ang Allah ay nagbunyag ng ilang mga bagay ng ghayb kay Propeta Muhammad at siya naman ay nagpahayag ng mga bagay na ito sa atin.

Pagkatapos ng anumang libing si Propeta Muhammad ay nagpapaalala sa kanyang mga kasamahan upang humingi ng kapatawaran para sa kanilang mga kapatid na lalaki o babae, at hilingin sa Allah na manatiling matatag sila sa panahon ng pagtatanong.[2] Ito ay dahil sinabi ni Propeta Muhammad na kung ano ang darating pagkatapos ng libing ay maaaring maging lubhang mahirap talaga. Matapos ipaalam sa kanyang sahabi (kasamahan) na ang libingan ay ang unang yugto ng Kabilang Buhay, sinabi ni Propeta Muhammad, "Kung ang isang tao ay makatagpo ng kaligtasan (sa yugtong ito) ang mga kasunod (mga yugto) ay magiging madali para sa kanya, at kung hindi niya matagpuan ang kaligtasan sa loob nito, ang susunod sa yugtong ito ay magiging napakahirap sa kanya. "Ang minamahal na asawa ni Propeta Muhammad na si Aisha ay naaalala na ang Propeta ay madalas na nagpapakupkop sa Allah mula sa paghihirap at kapighatian ng libingan.[3] At ito ay naiintindihan ng mga iskolar ng Islam na ang mga kapighatian ay tumutukoy sa pagtatanong.

Kaya't ito ay may kinalaman sa atin upang sundin ang kanyang halimbawa at magpakupkop sa Allah mula sa pagpaparusa sa libingan. Si Propeta Muhammad mismo, sa isang hindi gaano kahaba ngunit napaka maliwanag at maraming matututunan na hadith na nagpapaliwanag ng napakalinaw kung ano ang mangyayari bago ang pagtatanong. Ito ay isang paksa na ang sahabah ay sobrang interesado at inilarawan nila ang kanilang mga sarili na parang nakaupong mga ibon, ibig sabihin sila ay tahimik at di gumagalaw, kapag nakikinig sa Propeta Muhammad na nagkekwento tungkol sa buhay sa libingan.[4]

Kapag ang mananampalatayang alipin ay malapit nang umalis sa mundong ito at pumasok sa Kabilang Buhay, bumababa sa kanya ang mga anghel na may puting mga mukha tulad ng araw, at nakaupo sila sa paligid niya sa abot ng kanyang tanaw. Nagdadala sila ng mga tela na pambalot mula sa Jannah (Paraiso) at pabango mula sa Jannah. Pagkatapos ay darating ang Anghel ng Kamatayan at uupo sa pagitan ng kanyang ulo, at sinasabi niya, 'O mabuting kaluluwa, lumabas ka sa kapatawaran mula sa Allah at sa Kanyang kaluguran.' At ito ay madaling lalabas tulad ng isang patak ng tubig mula sa bibig ng baso . Kapag nakuha niya ito(ang kaluluwa), hindi nagtatagal sa kanyang kamay at agad-agad itong binabalot ng tela na may pabango, at may nanggagaling rito na halimuyak tulad ng pinaka mabango na musko sa ibabaw ng lupa. Pagkatapos ay aakyat sila at hindi sila dadaan sa anumang grupo ng mga anghel malibang sinasabi nila, 'Sino ang mabuting kaluluwa na ito?' At sinasabi nila, 'Ito ay Si... na Si... na anak ni... at ni...', tinatawag siya sa pamamagitan ng pinaka mabuti na mga pangalan na kung saan siya ay kilala sa mundo, hanggang sa maabot nila ang pinakamababang langit. Hihilingin na sila ay pagbuksan sila at bubuksan ito, at (ang kaluluwa) ay tinatanggap at sinasamahan ng mga pinaka malalapit sa Allah sa susunod na langit, hanggang sa maabot nila ang ikapitong langit. Pagkatapos ay sasabihin ng Allah: 'Itala ang kanyang lugar sa aklat, at ibalik siya sa lupa, sapagkat mula dito nilikha Ko sila, dito ay ibabalik ko sila at mula roon ay bubuhayin ko sila muli.' Kaya ang kanyang kaluluwa ay muling magbabalik sa kanyang katawan at may darating sa kanyang dalawang anghel na magpapaupo sakanya.

Ipagpapatuloy sa Aralin 2.



Talababa:

[1] At Tirmidi, Ibn Majah

[2] Abu Dawood

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Abu Dawood, Iman Ahmad

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7