Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
Deskripsyon: Pagpapatuloy ng mga talaan ng mga kahulugan at kahalagahan ng mga karaniwang salita at pariralang Islamiko. Kanilang kahulugan at ang kanilang kahalagahan.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 102 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,796 (pang-araw-araw na average: 4)
Layunin:
·Upang maunawaan at nang sa gayon ay maging komportable sa paggamit ng mga bago at di kilalang mga salita.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Shirk – salitang nagpapahiwatig ng pagtatambal kay Allah, o nagsasaad ng katangiang banal sa ibang diyos-diyosan liban kay Allah, o ang paniniwala na nagmula ang lakas, pinsala at biyaya sa iba bukod kay Allah.
·Ummah - Tumutukoy ito sa kabuuang komunidad ng mga Muslim, na hindi isinasaalang-alang ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
5. SubhanAllah. Ito ay kadalasang isinasalin bilang ‘Ang kaluwalhatian ay para kay Allah’, ngunit mas mainam kung atin itong isasalin bilang, ‘Ang Allah ay perpekto at walang kamalian’.
Ang salitang SubhanAllah ay naglalaman ng dalawang salita, Subhan at Allah, at nangangahulugan ito para luwalhatiin, dakilain at purihin ang Allah, sa pamamagitan ng salita o ng ating puso. At ito ay upang ipahayag na ang Allah ay hindi nagkakamali at perpekto, at Siya ay di maikokompara o di maipapareha sa Kanyang mga nilikha at Siya ay hindi nagsasagawa ng pagtatambal. Ang SubhanAllah ay maari din gamitin bilang ekspresyon ng pagkamangha. Halimbawa, kung ikaw ay nabighani sa ganda ng paglubog ng araw, maari mong sabihin ang SubhanAllah.
Isinaad ni Sheikh al-Islam ibn Taymiyah na ang kautusan para papurihan ang Allah sa pamamagitan ng pagsasabi ng SubhanAllah ay deklarasyon na ang Allah ay hindi nagkakamali, walang pagkukulang at pagpapatunay sa Kanyang perpektong katangian. Inyo ring maririnig ang mga salitang Subhanawata’ala. Ang ibig nitong sabihin ay ‘pinapapurihan at dinadakila’. Kadalasan natin itong makikita bilang SWT.
6. MashaAllah. Ang kahulugan nito ay ‘Kung loloobin ng Allah’. Ito ay kadalasang sinsabi bilang isang salita ngunit ito ay binubuo ng tatlong salita (ma-sha-Allah). Ito ay ginagamit kapag tayo ay humahanga o pumupuri sa isang bagay o tao at ito ay pagkilala na lahat ng nilikha ng Allah ay mga biyaya. Halimbawa, kapag ang isang tao ay nagsabing, “Ito ang bagong silang kong anak na babae.” Maaari mong sabihin bilang sagot ay “MashaAllah”, o di kaya ang isang tatay ay nagsabing, “Magaling na manlalangoy ang aking anak na lalaki.” Maaari mong sabihin ang salitang “MashaAllah”, nagpapakahulugan ito na lahat ng ipinagkaloob at nilikha ng Allah ay mga biyayang mula lamang sakanya.
7. Jazak Allah khair. Ang kahulugan nito ay “ Nawa’y gantimpalahan ka ng Allah ng mabuti.” Ito ay isang ekpresyon ng lubos na pasasalamat o pagkilala ng utang na loob. Ito ay mas mainam na pagsasabi ng pasasalamat kaysa sa isang salitang Arabe na shukran na ang ibig sabihin ay salamat. Ang pinakamainam na pasasalamat ay ang paghiling kay Allah na Kanyang gantimpalaan ang taong iyong pinasasalamatan.
Panlalaking sagot: Jazak Allah khair
Pambabaeng sagot: Jazaki Allah khair
Maramihan: Jazakum Allah khair
Sinabi ng Propeta Muhammad, “ Kung sinuman ang nakagawa ng pabor sa iyo at iyong pasasalamatan gamit ang ‘Jazak Allah khair’, ito ay sapat nang pasasalamat sa kanya.” Ang jazak ay hango sa salitang Arabe na jazaa at ang ibig sabihin nito ay upang magbayad o magbigay ng lubos upang maiwasan ang sama ng loob. Kaya naman ipinapahiwatig nito na walang mas mabuting gantimpala o pasasalamat kundi ang gantimpalang nagmumula kay Allah. Madalas din nating maririning ang sagot na “waeyakum” na ang ibig sabihin ay ‘Gantimpalaan ka din nawa ng Allah’. O di kaya may iba na magsasabing Barak Allah feekum.
8. Barak Allah feek. Ibig sabihin nito ay “Pagpalain ka nawa ng Allah” at maaari itong maging alternatibong salita para sa pasasalamat katulad ng Jazak Allah khair. Maari din itong maging sagot sa Jazak Allah khair. Sabihin ang Barak Allah feeki kung babae ang pagsasabihan nito at Barak Allah feekum kung sa maramihang grupo. Ang salitang Baraka ay isang terminolohiyang Arabe na ang ibig sabihin ay biyaya. Ang Baraka ay ang estado kung saan ipinapahiwatig ang pagsang-ayon ng Allah at biyaya sa mga taong nagsusumikap na itatag ang Kanyang mga utos. Kapag ipinagkaloob ng Allah ang Kanyang baraka sa isang tao, magbubunga ito ng pagpapabuti at ispirituwal na proteksyon.
9. Sal-lal-lahu alaihi wa salam. Kadalasan mong maririnig ito kapag nababanggit ang pangalan ng Propeta Muhammad. Ito ay kadalasang isinasalin bilang, ’Nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ng Allah ay sumakanya’ at kadalasang sinusulat bilang SAW o PBUH sa Ingles. Sa katotohanan ang mas mainam na pagsasalin nito ay ‘nawa ay purihin ang pagsambit sa Propeta Mohammad at protektahan siya sa lahat ng kasamaan.
“Ang Allah aat ang Kanyang mga anghel ay nagpapadala ng pagpapala sa Propeta: Kayong mga naniniwala! Ipadala niyo ang inyong biyaya sa Propeta, at magbigay pugay ng may pag-galang.” (Quran 33:56) Isinaad ni Prophet Muhammad, “Ang Allah ay may mga Anghel na lumilibot sa buong mundo at naghahatid ng pagbati sa akin ng aking Ummah.”
10. Azza wa Jal ay isang paraan ng papuri sa Allah at kadalasang nababanggit pagkatapos sabihin ang pangalan ng Allah. Ang salitang azza ay hango sa izah na ang kahulugan ay lakas at kapangyarihan at ang salitang jal ay hango sa al-jalaal, na ang ibig sabihin ay kadakilaan at paggalang. Kaya ang terminolohiyang Azza wa Jal ay isang katangian ng Allah na ang ibig sabihin ay ang Allah lamang ang nag mamay-ari ng Kadakilaan at Pagpipitagan ang Pinaka-Makapangyarihan, at ang Nag-iisang kailanma’y hindi matatalo.
11. Astaghfirullah Ang ibig sabihin nito ay ‘Ako ay humihingi ng kapatawaran sa Allah. Ito ay ang gawain ng paghingi ng kapatawaran o tinatawag na Istighfar. Kadalasan maririnig itong paulit-ulit na sinasabi ng tahimik, astaghfirullah, astaghfirullah... kaya ating masasabi na sila ay nag-iistighfar o humihingi ng kapatawaran sa Allah. Pagkatapos magdasal ng Propeta Muhammad, kanyang sinasabi, “Astaghfirullah, astaghfirullah, astaghfirullah”, ( Ako ay humihingi ng kapatawaran kay Allah, Ako ay humihingi ng kapatawaran kay Allah, Ako ay humihingi ng kapatawaran kay Allah.) Ang paghingi ng kapatawaran ay kapaki-pakinabang na gawin.
“Iyong ipahayag (O Muhammad) sa Aking mga alipin, katotohanan, Ako ang higit na Mapagpatawad at higit na Maawain.” (Quran 15:49)
“ Kaya tahakin ang tuwid na daan, at humingi ng kapatawaran sa Allah.” (Quran 41:6)
12. Allahu Akbar Ito ay isang Islamikong ekspresyon na ang ibig sabihin ay Ang Allah ay Dakila o wala nang ibang mas dakila kundi ang Allah lamang. Ito ay isang pagpapahayag na kadalasang ginagamit sa araw-araw at sa espesyal na okasyon. Ito ay ginagamit sa tawag ng pagdarasal, habang nagdarasal, kapag ang isang tao ay nagagalak, kapag ipapahayag ang pagsang-ayon sa kung ano ang kanilang naririnig at nakikita, kapag kakatay ng hayop, kapag pupurihin ang tagapagsalita o kapag ihahayag mo ang kagalakan. Minsan maririnig mo din ang iba na isinisigaw ang takbir at ang isang grupo o kongregasyon ay sisigaw naman ng Allahu Akbar. Ang Takbir ay isang ekspresyong arabe na nangangahulugang sabihin ang Allahu Akbar.
Nakaraang Aralin: Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
Susunod na Aralin: Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)