Mapanatili ang Magandang Samahan
Deskripsyon: Ang pagiging mapanuri sa mga pipiliing kaibigan at kasama ay nakakatulong upang mapanatili at mapangalagaan ang kanyang relihiyon. Ito ang pakinabang ng aralin na ipinaliwanag rin kung paano ito makamit
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 96 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,166 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin
·Upang malaman kung paano maging mapanuri kapag pipili ng mga kaibigan at kasama.
·Upang malaman ang halaga at uri ng impluwensya ng mga kasama sa bawat isa.
·Upang malaman ang mga pakinabang ng pakikipag-kaibigan sa mga matuwid na Muslim.
Terminong Arabik
·Iblees – Ang pagalan ni Satanas sa wikang Arabik.
·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.
·Shaytan- Kung magkaminsan ay binabaybay/sinasambit Shaitan o Shaytaan. Ito ay salitang ginamit sa Islam at sa wikang Arabik upang tukuyin ang diyablo o Satanas, siyang kumakatawan sa kasamaan.
·Zakah - obligadong kawanggawa.
·Masjid - Ang Arabikong termino sa mosque.
Ang mga pinakamagandang paraan na maingatan at maprotektahan ng mga Muslim ang kanilang relihiyon ay ang pumili sila ng kanilang mga kaibigan at kasama. Kung hindi pagsisikapan, makikita ang dami ng impluwensya nila bilang mga magkakaibigan sa isat-isa . Sapat na ang pananalita ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah:
“Ang isang tao ay nasa paraan ng pamumuhay (deen) ng kanyang malapít na kaibigan, kaya't hayaan ang mga tao na makita kung sino ang kanilang kinuha bilang mga malapit na kaibigan." (Abu Daawood)
Ang isang malinaw na katotohanan sa pagkakaroon ng mga malapit na kaibigan ay dahil sa mga bagay na mayroon silang pagkakapareho. Mayroon silang magkatulad na interes at libangan, mabuti ang kanilang ugnayan, at sinusubukang pasiyahin ang isa't isa sa pamamagitan ng pagtupad sa mga bagay na gusto ng kanilang mga kaibigan. Dahil dito, sila ay nasa parehong deen, o paraan ng pamumuhay. Kung ang isang tao ay masama, magkakaroon siya ng mga kaibigang masama ; kung ang isa ay inilalaan ang kanilang buhay sa agham, magkakaroon sila ng mga siyentipikong kaibigan; at kung inilaan ng isang tao ang kanilang buhay sa Islam, pipili rin naman sila ng mga mabubuting Muslim bilang mga kaibigan.
Kapag pinipili ng isang tao ang masasamang kaibigan, hinihikayat nila siya na gumawa ng mga kasamaan, o sa anumang paraan hindi sila hihikayat sa kanya na gumawa ng mga mabubuting gawa. Sa kabilang banda, kung ang isang tao ay maingat na pinipili ang kanilang mga kaibigan at sinasamahan lamang ang matuwid, sila ay magpapayo at mag-uutos sa bawat isa sa kabutihan, pinipigilan at binibigyan ng babala ang isa't isa sa paggawa ng masama. Ang isang malinaw na halimbawa nito ay kung ang isang Muslim na nananalangin ay makipagkaibigan sa taong hindi, kapag dumating na ang oras ng pagdarasal, ang kanilang kaibigan na hindi nananalangin ay malamang na hindi ipaalala sa kanya na oras na para sa pagdarasal. Sa halip, maaaring kapag nais ng isang taong nagdarasal na humingi ng paumanhin para manalangin, maaari pa ring sikaping pigilan siya ng kaibigan o sabihin sa kanya na ipagpaliban ang pagdarasal. Gayundin, kung nakikipagkaibigan ang isang tao na hindi natatakot sa paggawa ng mga kasalanan, maaari nilang hikayatin ang kanilang mga kaibigan na gumawa ng parehong kasalanan. Binanggit ni Allah kung ano ang sasabihin ng isang taong kasama ng masama sa Araw ng Paghuhukom sa sumusunod na talata:
"At (alalahanin) ang Araw kung kailan ngangatngatin ng sinumang masama ang kanyang mga kamay at sasabihin: 'Kasawian sa akin! Kung tinahak ko lamang sana ang landas kasama ng Sugo. Kasawian sa akin! Kung hindi ko lang kinuha si ganito-at-si ganyan bilang isang kaibigan! Nailigaw niya ako sa Paalaala na ito (ang Quran) pagkatapos na dumating ito sa akin. At si Satanas kailanman ay nangiiwan sa tao sa oras ng pangangailangan. "(Qur'an 25: 27-29)
Sinabi ng Propeta tungkol sa masamang kasama:
"Ang halimbawa ng isang matuwid at masamang kasama ay tulad ng isa na nagdadala ng pabango at isa na isang panday. Kung tungkol sa isa na nagdadala ng pabango, siya ay maaaring magbibigay sa iyo ng pabango, o maaari mo itong bilhin, o [kaya naman] makakaamoy ka ng isang kaaya-ayang samyo mula sa kanya. Kung tungkol sa panday, siya (ang panday) ay susunugin ang kanyang damit, o makakaamoy ka ng isang nakakasulasok na amoy mula sa kanya. "(Saheeh Al-Bukhari)
Lubha itong mahalaga sa mga Muslim na bago pa lamang yumakap sa Islam, o sa mga taong ipinanganak sa mga pamilyang Muslim na kailan lamang napagpasyahang sumunod sa mga katuruan ng pananampalataya. Maaaring nagkaroon sila ng maraming mga gawi at maaaring nasanay na sa iba't ibang mga paraan na itinuturing na mga kasalanan sa Islam, at kailangan nila ng mabuting kasama upang tulungan sila sa kanilang pakikibaka upang maiwasan ang mga ito. Magandang halimbawa marahil ay ang paninigarilyo o pag-inom. Kung nais ng isang tao na "talikdan ito" magiging masama para sa kanila na makipagkaibigan sa mga Muslim o panatilihin ang pakikisama sa mga dating kaibigan na naninigarilyo o umiinom. Sa halip ay dapat silang sumama sa mga yaong magpapaalala sa kanila sa Allah at ilaan ang kanilang mga sarili sa pag-aaral at pagtuturo ng relihiyon kasama ang pagsasanay sa mga doktrina nito.
Kadalasan, marami sa mga pumapasok sa Islam ay nahaharap sa pagsalungat, hindi pagkakaunawaan at pinsala, lalo na sa mga pinakamalapit sa kanila. Dapat mong tandaan at malaman na sa pamamagitan nito ay umaangat ang iyong antas, isang paglilinis ng mga kasalanan, at isang pagsusulit kung saan sinusubok ka ni Allah, Upang makita ang lawak ng iyong pagkamakatotohanan at katatagan sa iyong relihiyon. Ang pagkakaroon ng mga relihiyosong Muslim bilang mga kaibigan ay isang dagdag na tulong para sa iyo, na susubukang makasama ka sa oras ng iyong pangangailangan.
Maraming mga paraan upang ang isang tao ay makatagpo at makipagkaibigan sa mga taong matuwid, at ang isa sa pinakamagandang lugar ay ang mosque (masjid). Doon ay makikita mo ang pinakamahusay sa mga Muslim. Sinabi ni Allah, na naglalarawan sa mga Muslim na nandoon madalas:
"Ang mga Mosque ng Allah ay madalas na pinupuntahan ng mga taong naniniwala sa Allah at sa Huling Araw, isinasagawa ang mga panalangin, nagbibigay ng obligadong kawang-gawa (zakat) at walang kinatatakutan sa sinuman maliban kay Allah. At sila ang tunay na pinatnubayan tungo sa katotohanan." (Quran 9:18)
Kung ang inyong moske ay may mga pagaaral, siguraduhin na daluhan ito, dahil ang pinakamagandang pagtitipon ay yaong kung saan ang relihiyon ni Allah ay tinatalakay. Kung ikaw ay isang mag-aaral sa unibersidad, isang magandang lugar upang makatagpo ng mabubuting tao ay maaaring ang Muslim Students Association. Kung walang mosque sa iyong lugar at nakatira ka malayo sa mga Muslim, maaari mong isaalang-alang ang paglipat sa lugar na maraming Muslim. Kung hindi, maaari kang dumalo sa isang moske sa isang mas malaking bayan minsan sa isang linggo. Samantala, may ilang mga kapaki-pakinabang na grupo at mga lupon sa pag-aaral na maaari mong makita sa internet. Hanggat maaari, dapat mong gawin ang lahat ng iyong makakaya upang magkaroon ng mabuting kasama; mga tao na hihikayat at tutulong sa iyo na maisabuhay ang iyong pananampalataya.
Maaaring isipin ng isang tao na katanggap-tanggap na panatilihin ang pagiging malapit sa mga taong nagsasagawa ng ibang mga pananampalataya at isiping sila ay pawang mabubuting tao. Dapat nating maunawaan na ang pinakamabigat na kasalanan sa Islam ay yaong pagsunod sa ibang relihiyon maliban pa rito. Maraming pinsala sa pag-uugnay sa mga taong iba ang mga pananiniwala. Malinaw na hindi nila sinusunod ang relihiyon ng Islam dahil sa mga pagdududa at pagkalito na maaaring mayroon sila tungkol dito. Ang mga taong ito ay maaaring hayagang pag-usapan ang kanilang mga pag-aalinlangan at pagkalito sa mga Muslim, o subukan na kumbinsihin ang mga ito sa kanilang relihiyon, alinman sa tahasan o sa isang patagong paraan. Ang mga Muslim na walang sapat na kaalaman tungkol sa Islam ay maaaring magsimulang mag-alinlangan tungkol sa mga isyu na kanilang pinalutang. Ito ay isa lamang sa maraming mga nakapipinsalang epekto na maaaring magresulta sa madalas na pakikisama sa mga tao ng iba pang mga pananampalataya. Hindi ibig sabihin na dapat mo nang itigil ang lahat ng iyong nakaraang ugnayan, ngunit dapat kang maging maingat sa kung sino ang kasalamuha at kung hanggang saan.
Gayunpaman, hindi rin sapat na makipagkaibigan ka sa alinmang Muslim. Sa halip, dapat kang humanap ng mga relihiyosong Muslim na maging sila ay sinusubukan ang kanilang buong kakayahan na sumunod sa mga katuruan ng relihiyon. Maaari mong makita ang maraming mga Muslim na nagkukulang sa pagtupad sa mga obligasyon at pag-iwas sa mga ipinapagbabawal ng relihiyon. Magkakaiba ang lawak ng pagkukulang ng bawat tao, ngunit ito ay dahil sa katotohanan na ang Shaytan (Satanas) ay ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang mailigaw ang mga tao. Ang sabi ni Allah:
“Sinabi ni [Satan (Iblees)]: ‘Sa iyong Kapangyarihan, katiyakang ililigaw ko silang lahat.’” (Quran 38:82)
Huwag hayaang pigilan ka nito; sa halip, gawin itong pinakadakilang insentibo upang subukan ang lahat ng iyong makakaya sa paglilingkod at pagiimbita sa relihiyong ito.
Mahalaga rin na maunawaan mo ang iyong relihiyon mula sa tama at pinagkakatiwalaang mga mapagkukunan - ang Aklat ni Allah at ang tunay na mga aral (Sunnah) ng Kanyang Sugo. Hayaan ang Sugo ng pananampalataya, Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay maging iyong huwaran at lider, at pag aralan ang kanyang talambuhay upang maging halimbawa na iyong susundan. Hangga't maaari ay subukan na samahan ang mga taong may sapat na kaalaman, at iba pang mananampalatayang Muslim na nagsasagawa ng kanilang ipinangangaral, at unawain na hindi lahat ng mga nagsasabing sila ay Muslim ay dapat pagkatiwalaan sa kaalaman. Sa halip, dapat mong tiyakin at maingat na suriin ang mga taong pagkukuhanan mo ng iyong kaalaman mula sa o kung ano ang iyong nabasa sa pamamagitan ng paghahambing sa kanila sa Aklat ni Allah at ang Sunnah ng Kanyang Sugo, si Muhammad, at ang kanyang mga matutuwid at ginabayang tagapagmana. Kunin ang anumang naaayon sa kanyang Sunnah, at iwanan ang anumang taliwas dito.
Hilingin natin sa Allah na panatilihing matatag ang ating mga puso sa pananampalataya, at huwang tayong humantong sa kaligawan pagkatapos na maigawad sa atin ang Patnubay. Sanhiin nawa ni Allah na makita natin ang katotohanan bilang katotohanan at bigyan tayo ng patnubay na sundin ito, at loobin nawa Niya na makita natin ang kabulaanan bilang kasinungalingan at bigyan tayo ng patnubay upang maiwasan ito.
Nakaraang Aralin: Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim
Susunod na Aralin: Paniniwala sa Allah (bahagi 1 ng 2): Ang Mga Kategorya ng Tawheed
- Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Unang bahagi ng Dalawang bahagi)
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)
- Karaniwang Tanong ng mga bagong Muslim.
- Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman
- Paraiso (part 1 of 2)
- Paraiso (part 2 of 2)
- Ang Gabi ng Paglalakbay
- Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim(part 1 of 2)
- Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa Pamilya (Bahagi 1 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa pamilya (bahagi 2 ng 2)
- Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim
- Mapanatili ang Magandang Samahan
- Paniniwala sa Allah (bahagi 1 ng 2): Ang Mga Kategorya ng Tawheed
- Paniniwala sa Allah (bahagi 2 ng 2): Shirk, ang Kabaligtaran ng Tawheed
- Paniniwala sa mga Propeta
- Paniniwala sa mga Kapahayagan
- Paniniwala sa mga Anghel
- Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (part 1 of 2)
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)
- Pamamaraan ng Pag-aaral para sa Bagong Muslim (part 1 of 2): Unahin ang Mahalaga