Naglo-load...

Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim

Marka:

Deskripsyon: Ang konsepto at kahalagahan ng 'Ummah,' ang pinalawak na "pamilyang Muslim" ng mga kapwa kapatid na lalaki at babae ay tinalakay sa araling ito.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 08 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 95 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,865 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin

·Upang maunawaan kung paano tinutukoy ng mga tao ang 'kami' at ang mga Muslim na 'kami'.

·Upang maunawaan ang mga batayan ng pagkakaisa ng mga Muslim at ang pagkakaiba ng kultura ay tinatanggap sa loob ng Islam.

·Upang matutunan kung paano ka makakapag-ambag sa pagkakaisa at pagpapalakas ng Ummah.

Mga Terminolohiyang Arabik

·As-Salamu Alaikum -ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa-iyo.

·Dawah - minsan sinusulat itong Da'wah. Ang ibig sabihin nito ay tumawag o mag-anyaya ng iba tungo sa Islam.

·Hajj– Ang paglalakbay sa banal na lugar sa Mecca kung saan isinasagawa ang isang hanay ng mga ritwal . Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, na ang bawat may sapat na gulang na Muslim ay kailangang magsagawa ng hindi bababa sa isang beses sa kanilang buhay kung mayroong kakayahang pinansyal at pisikal.

·Kafir – (maramihan: kuffar) di-mananampalataya.

·Salah - ang salitang Arabe upang tukuyin ang direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at ni Allah. Higit sa lahat, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang-araw-araw na obligadong pagdarasal at ang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.

·Shahadah- Pagsaksi ng Pananampalataya.

·Ummah - Ang tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim na walang pagsasaalang-alang sa kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

Ummah.jpgAng mga tao na kabahagi ng isang partikular na pananaw sa mundo, ay palaging magkakasama at kanilang tinutukoy ang kanilang mga sarili bilang 'kami.' Ang isa sa mga pangunahing mga kadahilanan ng kanilang pagkakasama-sama ay ang kanilang kulay ng balat o ang kanilang lahi. Para sa lahi, ang kanilang 'kami' ay tumutukoy sa pagiging puti, itim, Indiano, Arabo, o Tsino; para sa iba, ang kanilang 'kami' ay nakabatay sa katayuan sa lipunan, katayuan sa ekonomiya, kasta, o propesyon. Maaaring gamitin ito ng iba upang maiugnay sa mga diwa ng katayuan sa pananalapi o materyal na pag-unlad na ayon sa bansa na kinabibilangan nila kung ito ba ay inilarawan bilang maunlad, umuunlad, hindi pa gaanong maunlad, o hindi pa maunlad. Sa ilang mga kaso, nakukuha ng mga tao ang kanilang pagkakakilanlan unang-una sa debosyon nito sa isang indibidwal. Halimbawa, para sa mga Kristiyano, ito ay paniniwala at pag-ibig kay Kristo ang siyang nagdadala sa kanila sa pagsasama-sama.

Ang Ummah ng Paanyaya at Ummah ng Tugon

Ang salitang Ummah ay maaaring isalin bilang "isang nasyon" o "isang komunidad". Ito ay tumutukoy sa dalawang kategorya ng mga tao: Ang "Ummah ng Paanyaya (Dawah)" at ang "Ummah ng Tugon."

Kasama sa Ummah ng Paanyaya ang lahat ng sangkatauhan, mga Muslim at mga di-Muslim. Ang lahat ng mga ito ay karapat-dapat na makarinig sa katotohanan at makatanggap ng paanyaya dito.

Ang isa pang Ummah - ang "Ummah ng Tugon" - ay binubuo lamang ng mga Muslim.[1]

Ipinadala ni Allah ang kanyang Propeta na si Muhammad sa Ummah ayon sa unang kahulugan, ngunit ang gagantimpalaan lamang ni Allah ay ang Ummah na ayon sa ikalawang kahulugan - sila yaong mga tumanggap sa tawag ni Propeta Muhammad.

Ang mga Muslim na 'Kami'

Sino nga ba ang mga taong Muslim? Sila ay yaong mga nagsisikap na sumuko kay Allah. Ang kanilang tunay na pagkakakilanlan ay batay sa kanilang pananampalataya kay Allah. Ang buklod ng pananampalataya na ito ay ang pinakamahalagang batayan para sa mga pagbubuklod ng mga tao ng may pagkakaisa at para makuha ang pinakamataas na halaga kung saan nilikha ang tao.

Para sa mga Muslim, ang kanilang 'kami' ay hindi nakatali sa anumang lahi, uri, rehiyonal, pang-ekonomiya, o wika na pagkakakilanlan. Ang dahilan dito ay ang mga pagkakakilanlan na ito ay hindi nagbibigay ng anumang patnubay sa kung ano ang mabuti at totoo sa isang banda at kung ano ang mali at nakaliligaw sa iba pa.

Ipinahayag sa Quran na "ang mga mananampalataya ay iisang kapatiran" (Quran 49:10). Sa Quran, ang komunidad ng mga mananampalatayang ito ay tinatawag na Ummah, isang salita na nagmumula sa salitang-ugat ng wikang Arabe na ang ibig sabihin ay "nasyon." Ang mga tagasunod ng Islam ay hindi nakikilala bilang mga Arabo, Turks, Persians, Semites, Berbers, Kurds, Uighurs, mahirap , mayaman, naaapi, puti, itim, mga Asyano, taga-silangan , o Kanluran. Wala ni isa sa mga ito ang maaaring magtukoy sa 'kami' na mga Muslim na nabibilang sa Ummah o sa unibersal na komunidad ng 1.6 bilyong mananampalataya na binibilang sa kanilang 'pinalawak' na mga miyembro ng pamilya na kanilang mga kapatid sa pananampalataya.

Ang pagkakaisa ay napakalakas sa komunidad ng mga Muslim, na bumubuo ng isang 'bansa' na inilarawan ng ating Propeta Muhammad bilang 'isang katawan.' Kung ang isang bahagi ng katawan ay nagkasakit, ang iba naman ay nahihirapan. Sa isa pang haka-haka, inilarawan niya ang komunidad bilang mga bloke ng isang gusali, na sumusuporta sa isa't-isa habang nagtutulungan sila sa isang parehong layunin.

Ang Ummah ay hindi maaaring tanggapin ang sinumang tao na nagpapahayag ng paniniwala na sumasalungat sa mga pangunahing aral ng Islam. Gayunpaman, kailangan mong maging maingat sa pagsabi ng isang tao na isang kafir o isang hindi mananampalataya at ang paglalagay sa mga ito sa labas pananampalatayang Islam. Hindi mo maaaring sabihin na isang di-mananampalataya ang sinumang Muslim na nagpapahayag ng Shahadah, kumikilos nang naaayon, at nagsasagawa ng mga obligasyong tungkulin ng Islam.

Ang mga ideolohikal na buklod na nagbubuklod sa Ummah ay nagsilbi upang panatilihin ang kasaysayan ng mga Muslim sa kabila ng maraming mga intelektwal at militar na mga hamon sa nakaraan at sa kasalukuyan. Ang mga elementong ito ay nagbigay rin ng sibilisasyon ng Muslim at pagkakaisa at katatagan ng kultura.

Pagkakaisa at Pagkakaiba-iba

Kasabay nito, mayroong isang pambihirang kayamanan at iba't-ibang mga kultura ng mga Muslim dahil sa katunayan na ang moral at legal na batas ng Islam ay ipinapalagay na ang lahat ay pinahihintulutan maliban kung ito ay ipinagbabawal, at hindi ang kabaligtaran. Ang mga lokal na kaugalian na hindi sumasalungat sa anumang prinsipyo o batas ng Islam ay madaling naisama sa mga kultura ng mga Muslim.

Sa ganitong paraan, napigilan ng Islam kung ano ang hindi katanggap-tanggap at pinanatili ang magagandang aspeto ng kultura ng maraming katutubo. Hindi nito hinahangad na magpataw ng isang kabuuan at hindi malinaw na pagkakapareho. Habang nagtayo ito ng mga institusyong Islam na tulad ng salah at itinaguyod ang paggamit ng wikang Arabe, hindi nito sinikap na pawiin ang mga lokal na wika, damit, lutuin, artistikong pagpapahayag, o arkitektura.

Ang mga institusyon ng Islam ay naglilingkod upang palakasin ang damdamin ng pagkakapantay-pantay at kapatiran sa mga mananampalataya. Ang pang-araw-araw na panalangin sa masjid at ang Hajj ay nagpapakita ng pangkalahatang komunidad ng Islam o Ummah.

Ito ay dahil sa simpleng pagkakaisa na ang isang Muslim ay maaaring maglakbay sa ibang bahagi ng mundo ng mga Muslim at nararamdaman ang kapanatagan sa mga lokal na Muslim sa kabila ng pagkakaiba sa pananamit, wika, lutuin, at mga kondisyon sa ekonomiya. Nakikipagpalitan siya ng kaparehong pagbati ng kapayapaan (As-Salamu Alaikum), madali niyang naisasagawa ang salah sa kongregasyon, at nakakatanggap siya ng maligayang pagbati sa isang kapwa Muslim. Bilang isang Muslim, nabibilang ka sa Ummah na ito dahil sa iyong pananampalataya kay Allah at sa iyong pagpapahayag ng Shahadah.

Ang Tungkulin ng bawat Muslim

Ang bawat Muslim ay may tungkulin na kumilos para sa pagkakaisa at lakas ng Ummah. Bilang isang indibidwal, maaari kang kumilos para sa lakas at pagkakaisa ng Ummah sa pamamagitan ng:

·pagkuha at pagpapalaganap ng mga kaalaman sa Islam.

·pabutihin ang sarili upang makamit ang isang malusog na katawan, mabuting katangian, tapat na kabuhayan, at organisadong paggamit ng iyong oras at mga kayamanan.

·pagbuo ng isang mapagbigay na saloobin para sa iba at hindi nakikita ang kaibahan laban sa kanila na bumabatay sa kulay ng kanilang balat, ang wika na kanilang sinasalita, o ang kanilang mga punto ng pananalita.

·sa pamamagitan ng pagkilos na kasama ang mga grupo na nagtataguyod ng mga kapakinabangan ng mga Muslim at ng sangkatauhan.



Talababa:

[1] Ang salitang Ummah na tinukoy sa ilalim ng 'Mga Salitang Arabe' sa itaas ay batay sa kahulugan na ito. At ito ang kahulugan na karaniwang tinutukoy kapag ginamit ang salitang ito.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8