Naglo-load...

Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang mga uri at pamamaraan ng diborsiyo ay isang detalyadong paksa sa mga Muslim na dalubhasa sa batas, ngunit ang dalawang bahagi ng aralin na ito ay naglalayong ipaliwanag ang mga pangunahing alituntunin ng diborsyo sa Islam kalakip ng kaunting teknikal na wika.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 85 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,076 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang maunawaan ang makatwirang paliwanag ng Quran sa pagpapahintulot sa diborsyo.

·Upang mapagtanto na ang diborsiyo ay ang huling paraan, hindi ang unang hakbang sa paglutas sa alitan ng mag-asawa.

·Upang maintindihan ang obligado, inirekomenda, pinahintulutan, hindi sinang-ayunan at ipinagbabawal na mga uri ng diborsyo.

·Upang malaman ang tungkol sa 'iddah' o mga uri ng 'panahon ng paghihintay'.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Iddah - panahon ng paghihintay.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa larangan ng pag-aaral gayunpaman, ang karaniwang tinatanggap na kahulugan nito, kahit na anong iniulat na sinabi, ginawa, o inaprubahan ng Propeta.

SimplifiedRulesIslamicDivorce1.jpgAng kasal sa Islam ay isang taimtim na panata, isang biyayang ibinigay ng Diyos, at isang paraan na pagpapakita ng pagmamahal at habag.

Pinahintulutan ng Islam ang diborsiyo dahil sa mga likas na kakulangan at kahinaan sa katangian ng tao. Bagamat ang pagpapatuloy ng buhay may-asawa ay ipinagwawalang-bahala, hindi nito binabalewala ang iba pang posibilidad. Ang puso’t isipan ng mga tao ay nagbabago sa paglipas ng panahon dahil sa iba't ibang mga kadahilanan. Ang tahasang pagbabawal nito ay nangangahulugan na tayo ay naninirahan sa isang "perpektong" mundo na walang mga kakulangan. Ang pagbabawal na ito ay hindi tumutugma sa ideolohiyang itinuturo ng Islam na nagdidikta lamang ng kung ano ang kayang makamit ng tao. Ang pagbabago ay maaaring hindi maiwasan at humantong sa pagiging malayo sa isat-isa kaya matatalo ang layunin ng pag-aasawa. Ang Quran ay tumutukoy sa mga batayan ng diborsyo sa kontekstong ito. Kung hindi magawa ng mag-asawa ang mga limitasyon na itinakda ni Allah o hindi magawang ipatupad ang Kanyang mga batas para sa buhay mag-asawa ay maaaring ikonsidera ang diborsyo. Ang diborsyo ay karaniwang pinipili kapag naging imposible ang pananatili sa buhay may-asawa at maliit lamang ang posibilidad na magkasundo ang mag-asawa.

Sa kaganapan na may hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga mag-asawa, ang Quran ay may ilang mga paunang hakbang tulad ng pagpapayo sa isang maayos na paraan upang malutas ito at masuportahan ang kanilang buhay mag-asawa. Kung magkulang o mabigo ang mga paunang hakbang na ito, dapat magsumikap ang mag-asawa nang malutas ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng arbitrasyon:

“At kung kayo ay nangangamba na may hidwaan sa pagitan nilang (mag-asawa), kayo ay magtalaga ng (dalawang) tagapamagitan; isa mula sa pamilya (ng lalaki) at ang isa ay mula sa pamilya (ng babae); kung ninanais nila na ituwid ang mga bagay-bagay (o pangyayari), ang Allah ang magbibigay kaganapan ng kanilang pakikipagkasundo; sapagkat ang Allah ang may ganap na kaalaman at nakakatalos ng lahat ng bagay.” (Quran 4:35)

Kapag ang lahat ng pagsisikap tungo sa pagkakasundo ng mag-asawa ay nabigo at walang pag-asa na sila ay magkasundong muli, kung gayon, sa ganitong pangyayari ang asawang lalaki ay maaaring gamitin ang kanyang karapatan sa diborsyo bilang huling instrumento.

Ang diborsiyo ay tinukoy bilang 'pagbuwag ng kasal' at ito ay binanggit sa Quran at Sunnah. Dahil ang kasal ay isang kontrata, ang diborsiyo ay ikinokonsidera bilang pagbuwag sa kontratang ito at ito ay base sa ilang mga kondisyon.

Mga Kategorya ng Diborsyo ayon sa Limang mga Paghuhukom

1. Sapilitan

Ang diborsiyo ay nagiging sapilitan kung may matinding kapahamakan na kadalasan ay sa bahagi ng asawang babae.

2. Hindi Sinang-ayunan

Ang diborsiyo na walang makatwirang basehan ay inaayawan. Hindi pinahihintulutan ang isang lalaki na hiwalayan ang kanyang asawa ng walang mabuting dahilan sapagkat ito ay nagdudulot ng pinsala, matinding pagkapagod, at sakit sa damdamin na ipinagbabawal.

3. Pinahihintulutan

Ang diborsiyo ay pinahihintulutan kung bigong mapagtanto ng mag-asawa ang mga layunin ng kanilang pagsasama.

4. Inirekomenda

Ang isang asawang lalaki ay pinapayuhan na magpahayag ng diborsiyo kung ang kanyang asawa ay hindi sumusunod sa kanyang pangunahing tungkulin sa relihiyon, sa mga kaso ng kapabayaan sa mga karapatan ni Allah, o sa mga kaso ng pagtataksil.

5. Ipinagbabawal

Sa pamamagitan ng scholarly consensus o ang pagresolba sa pamamagitan ng kasunduan, ipinagbabawal ang diborsiyo sa panahon na may buwanang dalaw ang isang babae, o sa pagitan ng panahon kung kelan sila ay nasiyahan sa pakikipagtalik.

Ang lahat ng mga aspeto na may kaugnayan sa diborsiyo - tiyempo, pangunahing mga hakbang, at mga kahihinatnan - ay mga check point na nagpapataw ng mga limitasyon sa diborsyo. Maraming mga kundisyon ang dapat matugunan muna bago ang diborsiyo ay maaaring "ipahayag" [1] ng asawa (lalaki):

a)Nararapat na ang asawang lalaki ay matino, may kamalayan, alerto, at malaya sa labis na galit. Kung siya ay nasa ilalim ng impluwensya ng espirito ng alak, ang kanyang diborsyo ay hindi wasto ayon sa ilang mga dalubhasa sa batas.

b)Dapat siya ay hindi makinig sa pamimilit mula sa ibang tao. Kung siya ay nagpahiwatig ng diborsiyo na labag sa kanyang kalooban, i.e. may matinding pasanin o presyon, ang kanyang pahayag ay walang bisa.

c)Dapat magkaroon ng isang malinaw na intensyon sa kanyang bahagi upang wakasan ang kasal.

d)Ang diborsiyo ay dapat ibigay sa panahon ng kadalisayan. Ang kontrata ng pag-aasawa ay hindi maaaring kanselahin anumang oras sa di-makatwirang kagustuhan ng asawang lalaki. Nakasaad sa Quran na, "Kung hihiwalayan niyo ang inyong mga asawa ay hiwalayan ninyo sila sa itinakdang panahon.” (Quran 65:1) Ang mga ‘itinakdang panahon' na tinutukoy sa taludtod ay nangangahulugang ang panahon ng kadalisayan kung saan walang nangyaring pagtatalik. Ang benepisyo ng pagtakda ng oras ay ang pananatili ng posibilidad ng pagkakasundo, paglamig ng init ng ulo, at ang pagbalik sa normal na daloy ng buhay ng mag-asawa sa panahong ito.

Iddah or ‘Panahon ng Paghihintay’

Ang konsepto ng 'panahon ng paghihintay' ay magiging mas malinaw sa ikalawang aralin. Sa ngayon, mangyaring unawain ang iba't ibang uri ng iddah.

1. Ang isang babaeng nakararanas na datnan ng buwanang dalaw, ang ipinag-uutos na panahon ng paghihintay ay tatlong siklo:

‘Ang mga nahiwalay (nadiborsyong) babae ay maghihintay (tungkol sa kanilang pagsasama) ng tatlong buwanang dalaw (pagreregla).’ (Quran 2:228)

2. Ang mga kababaihan lagpas na sa edad ng buwanang dalaw ay maghihintay ng tatlong buwan:

‘Ang mga kababaihan na hiniwalayan na hindi na sila dinaratnan ng buwanang-dalaw (o regla) dahil sa kanilang katandaan, at nagdadalawang-isip kayo kung ano ang nararapat sa kanila, ang kanilang itinakdang panahon ay tatlong buwan; at para sa mga minor de idad na ay tatlong buwan din ang itinakdang panahon para sa kanila. ’ (Quran 65:4)

3. Sa kaso ng mga buntis na kababaihan, ang 'panahon ng paghihintay' ay hanggang sa pagluwal ng kanyang sanggol:

‘At para naman sa mga kababaihan na nasa kalagayan ng pagdadalang-tao, ang kanilang itinakdang panahon ay ang pagkatapos na ng pagluluwal sa kanilang sanggol.’ (Quran 65:4)



Talababa:

[1] Higit pang mga detalye tungkol dito ay nasa pangalawang bahagi

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8