Naglo-load...

Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang mga katangiang tinataglay ng isang Iskolar sa Islam.

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 77 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,807 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin:

·Upang maunawaan kung paano nagiging Iskolar ang isang Muslim.

·Upang maunawaan ang tungkulin na ginagampanan ng isang Muslim na iskolar sa loob ng komunidad ng mga Muslim.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Aalim - (pangmaramihan: Ulama) isang Muslim na may kaalaman. Ang termino ay karaniwang tumutukoy sa isang relihiyosong Muslim na iskolar.

·Faqeeh - (pangmaramihan: fuqaha) Muslim na dalubhasa sa mga batas, i.e isa na may malalim na pang-unawa sa Islam, sa mga panuntunan nito, at sa batas nito.

·Ijtihad - pangkaisipang pagsisikap sa pamamagitan na kung saan ang isang dalubhasa sa mga batas / iskolar ay kinukuha ang mga batas ng Islam na ang batayan ay ang Qur'an at Sunnah.

·Mujtahid - isang taong karapat-dapat na magsagawa ng ijtihad.

·Usool - mga alituntunin, ugat, pundasyon o mga batayan ng isang bagay.

·Fiqh – Mga Alituntunin ng Pagbabatas sa Islam.

·Isnad - kadena ng mga tagapaghatid ng anumang ibinigay na hadith.

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga kasabihan at mga pagkilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Sahabah -ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinasalin sa salitang mga Kasamahan. Ang sahabi, bilang ang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

·Shariah – Mga batas ng Islam.

·Ummah - Ang tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim na walang pagsasaalang-alang sa kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

·Fatwa – (pangmaramihan: fatawa) alintuntunin sa bahagi ng batas ng Islam na ibinigay ng isang kinikilalang awtoridad.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan nito ay karaniwang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi ng Propeta , ginawa, o naaprubahan.

·Dawah - minsan sinusulat itong Da'wah. Ang ibig sabihin nito ay tumawag o mag-anyaya ng iba tungo sa Islam.

Role-of-a-Muslim-Scholar-1.jpgAng isang taong tumatawag sa mga tao sa Islam o nagtuturo kung ano ang kaalaman niya ng may dalisay na intensyon ay makakasigurado na may malaking gantimpala. Si Propeta Muhammad ( ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya), ay nagsabi "Magpaabot ka mula sa akin, kahit na ito ay isang taludtod." Hindi niya sinabi na ang tao ay dapat na magkaroon ng malawak na kaalaman; sa halip ay sinabi niya na dapat mayroon siyang kaalaman sa kung ano ang itinuturo niya. Ang mga nagtuturo ay hindi awtomatik na mga iskolar. Ang mga iskolar ay nagtataglay ng ilang mga katangian at kagalingan at mayroong napakataas na antas ng edukasyon sa Islam.

Sa wikang Arabe ang isang iskolar ay tinatawag na Aalim. Ito ay isang salita na nagtataglay ng isang kaparehong kahulugan sa salitang faqeeh at mujtahid; lahat sila ay nagsisikap na maabot ang isang Shariah sa pamamagitan ng mga katibayan na ipinakita. Sa pangkalahatan ito ay isang tao na gumugol ng maraming taon sa pagkuha ng mga magagamit at mga kinakailangan upang gumawa ng ijtihad.

Ang isa sa mga pinaka-kilalang iskolar ng ika-20 siglo, inilarawan ni Sheikh Ibn Uthaymeen ang isang simpleng pamantayan ng edukasyon na dapat makamit ng isang Muslim upang maituring na isang iskolar.[1] Ang kanyang mga salita ay binanggit sa ibaba. Kahit na ang salitang 'siya' ay ginagamit, na ito ay dapat na maunawaan na ang mga kinakailangang ito ay inilalapat sa parehong mga lalaki at babae na mga iskolar.

Una, siya (ang mujtahid) ay dapat magkaroon ng kaalaman sa mga ebidensiya na kailangan niya para sa layunin ng ijtihad, tulad ng mga talata ng Quran at ahadith na nagsasabi ng mga alituntunin. Dapat siyang magkaroon ng kaalaman tungkol sa katumpakan o kahinaan ng hadith, tulad ng isnad, at ang mga tagapagsalaysay sa isnad. Sunod ay dapat niyang malaman kung ano ang napawalang-bisa at kung ano ang mga isyu na pinagkasunduan. Dapat siyang magkaroon ng kaalaman tungkol sa iba't -ibang mga bagay na nakakaapekto sa mga alituntunin, tulad ng mga ulat na may tiyak na kahulugan, mga ulat na may itinakdang limitasyon, at iba pa. Dapat din siyang magkaroon ng kaalaman sa wikang Arabe at Usool al-fiqh (Mga Alituntunin ng Pagbabatas sa Islam) na may kinalaman sa pandiwang katibayan, tulad ng kung ano ang pangkalahatan at kung ano ang tiyak, kung ano ang walang pag-aalinlangan at kung ano ang pinaghihigpitan, kung ano ang binanggit sa maikli at kung ano ang binanggit nang detalyado, at iba pa, upang ang kanyang mga desisyon ay alinsunod sa kung ano ang ipinahiwatig ng mga katibayan na iyon. Ang huli ay nararapat na siya ay magkaroon ng kakayahang gamitin ang kaalaman na ito upang suriin ang mga katibayan at kunin ang kapasyahan.

Dapat itala na ang mga tuntuning ito, ang aalim, faqeeh at mujtahid, ay hindi dapat gamitin upang ilarawan lamang ang sinumang nagsasalita tungkol sa mga batas sa Islam o nagtuturo ng islamikong materyal sa mga paaralan, unibersidad, o mga sentro ng kultura, at hindi dapat itong gamitin para sa lahat ng nagtatrabaho sa larangan ng dawah. Ang mga terminong ito ay tumutukoy sa antas ng iskolarship na hindi madaling makuha at madalas na tumatagal ng mga dekada ng pag-aaral.

Si Propeta Muhammad ay nagsalita ng napakaliwanag tungkol sa pagiging mataas ng mga maalam na tao o iskolar. "Ang pagiging mataas ng isang aalim ng taos-puso ay tulad ng aking pagiging mas mataas sa isang mananamba o tulad ng buwan sa gabi kapag ito ay bilog, ng higit pa sa mga bituin, at tunay na ang mga iskolar ay ang mga tagapagmana ng mga propeta, at tunay na ang mga propeta ay hindi iniiwan ang ginto o pilak sa kanila , kundi iniiwan lamang nila ang kaalaman bilang kanilang pamana. Kaya't sinuman ang makakakuha ng kaalaman ay makakakuha ng mabuting kapalaran.”[2]

Ang alamin kung sino ang isang iskolar at sino ang hindi ay isang bagay na dapat na alamin ng bawat Muslim upang ito ay kanyang maunawaan. Sa digital na panahon na ito kung saan ang mga impormasyon ay malayang magagamit at madaling makuha, ito ay napakadali para sa mga taong hindi kwalipikado upang itakda ang kanilang sarili bilang mga Iskolar ng Islam at ang pinsala na maaari nilang magawa sa mga puso at isip ay minsan hindi naaayos. Kapag ang isang hindi kwalipikadong tao ay nagbigay ng isang paghahatol na pangrelihiyon ay maaring maligaw ng landas ang mga tao. Ang pagbabasa ng libro, na madalas na isinalin mula sa wikang Arabe ay hindi gumagawa sa mambabasa na isang iskolar. Siya ay hindi maaaring gumawa ng mga pagbabatas. Ang mahusay na pagsasalita sa harap ng camera at pag-post nito sa YouTube ay hindi isang tanda ng isang Iskolar.

Ang papel na ginagampanan ng isang Iskolar ng Islam ay upang gabayan ang mga tao sa tamang landas at upang matulungan ang mga tao na maramdaman at maging mas malapit kay Allah. Kailangan nilang maisalin hindi lamang ang Quran at Sunnah kundi ang kabuuan ng pagiging Iskolar na nalinang simula pa nang pagsisimula ng Islam. Ito ay hindi isang posisyon na kukunin nang basta-basta. Sa katunayan ito ay may napakalaking responsibilidad na iniiwasan ng mga sahabah at ng mga tagasunod nila ang pagbibigay ng mga pagbatas sa Islam ng hanggat maaari.

Sinasabi na ang isa sa mga dakilang iskolar ng Shariah, na si Abdur-Rahman ibn Abu Laila, ay nagsabi, "Nakipagkita ako sa isang daan at dalawampu na Sahabah. Ang bawat isa sa mga kasamahan na ito ay tinanong hinggil sa mga partikular na isyu ng Shariah, na naghahanap ng isang hatol, ngunit iniwasan nila ang pagpapasiya ng isang desisyon sa halip ay tinuturo sa isa pang kasamahan upang magbigay ng sagot. Sila ay natatakot na magbigay ng kasagutan na maaaring hindi tama na kung saan sila ay mananagot sa harap ni Allah. " Ikumpara sa mga hindi karapat-dapat na nagbibigay ng mga paghahatol sa araw na ito at panahon na ito.

Dahil sa kanyang antas ng pag-aaral, ang isang Iskolar ay may mataas na kalagayan sa komunidad ng mga Muslim. Ito ang kanyang tungkulin upang tulungan at hikayatin ang mga tao na sundin ang mga batas ni Allah at manatili sa gitna ng landas sa lahat ng bagay, paniniwala, pagsamba, etika, moralidad, pag-uugali, at pakikipag-ugnayan sa lipunan.

Mahalaga rin na maunawaan na ang mga iskolar ay maaari ding magkamali. Maaaring sila ang mga tagapagmana ng mga Propeta ngunit sila rin ay mga tao na may mga kahinaan at hindi perpekto na kabilang sa sangkatauhan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga iskolar ay hindi gaanong nagsasagawa ng mga paghahatol o fatawa.

Si Imam Malik[3] ay isang beses tinanong tungkol sa dalawampu't-dalawang iba't ibang mga isyu sa batas. Tumugon lamang siya sa dalawa. Sa pagsagot sa mga ito ay nanalangin siya at humiling ng suporta mula kay Allah at hindi siya nagmamadali sa kanyang mga pagtugon. Sinasabi na "ang isa sa inyo na nagmamadali sa paggawa ng fatwa, ay tulad ng isang taong tumatakbo upang itapon ang kanyang sarili sa apoy." Ang ganitong mga kasabihan ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng malalim na pagsasaalang-alang kapag gumagawa ng isang desisyon. Ang isang iskolar ay mapagpasensya at maalalahanin.



Talababa:

[1] al-Usool fi ‘Ilm al-Usool, p. 85, 86; Sharh (komentaryo nito), p. 584-590.

[2] Imam Ahmad, Abu Dawood, At Tirmidhi, Ibn Majah.

[3] Isa sa mga pinaka-mataas na iginagalang na iskolar ng fiqh sa Sunni Islam. Malik ibn Anas ibn Malik ibn Abi ‘Amir al-Asbahi (711 CE – 795 CE)

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8