Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Ang kahalagahan ng mga sagradong lungsod at kung bakit sila ay mayroong espesyal na lugar sa puso ng lahat ng Muslim.
Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 109 - Nag-email: 0 - Nakakita: 30,284 (pang-araw-araw na average: 13)
Layunin
·Upang maunawaan kung bakit mahalaga ang tatlong banal na lungsod na ito.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Masjid - ang salitang Arabe ng mosque.
·Sahabah -ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinalin sa tagalog na Kasamahan. Ang isang sahabi, bilang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
·Kabah - Ang hugis-bloke na istraktura na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Nagsisilbi ito bilang isang sentrong pook kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal.
·Hajj - Ang isang paglalakbay sa banal na lugar sa Mecca kung saan ang peregrino ay nagsasagawa ng isang hanay ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, na kinakailangang isagawa ng isang muslim na nasa hustong gulang nang hindi bababa sa isang beses sa kanilang buhay sa may kakayahang pinansyal at pisikal na magsagawa nito.
·Qiblah - Ang direksyon na kung saan nakaharap ang siyang nagsasagawa ng pormal na pagdarasal.
Ang isa sa mga sahabah ay minsa'y nagtanong kay Propeta Muhammad kung ano ang pinakaunang masjid na itinayo sa mundo. Sumagot siya, "Ang Banal na Masjid sa Mecca". "Alin ang sumunod?" tanong ng sahabi at sumagot ang Propeta "Ang Masjid Al-Aqsa sa Jerusalem".[1]
Pinayuhan ni Propeta Muhammad ang kanyang mga tagasunod na huwag maghanda para sa isang panrelihiyong paglalakbay maliban sa tatlong masjid.[2]
Ang tatlong masjid na itoay ang tatlong pinakabanal na lugar sa Islam at matatagpuan sa tatlong banal na lungsod, ang Mecca, Medina at Jerusalem. Lahat ng tatlong lungsod na ito ay nasa Gitnang Silangan, dalawa dito ay kasalukuyang nasa Saudi Arabia at ang isa ay nasa Banal na Lupain, na kilala ngayon bilang Palestine o Israel. Sa dalawang aralin ay titingnan natin ang kahalagahan ng tatlong lungsod at tatalakayin ang kahalagahan nito sa mga Muslim sa buong mundo.
Mecca
Ang Mecca ay tahanan ng pinakamalaking masjid sa buong mundo, ang Masjid Al-Haraam (Ang Sagradong Mosque). Pinapalibutan nito ang Kabah, isang bloke na istraktura na pinaniniwalaan ng mga Muslim ay ang unang bahay ng pagsamba sa buong mundo. Sa ika-21 siglo ang masjid ay may malaking panlabas na beranda na may puting marmol na sahig na sumasalamin sa maliwanag na sikat ng araw at umaapaw na liwanag sa gabi. Ito ay isang malawak na espasyo na nagbibigay-daan para sa pag-dagsa ng hanggang sa 4 na milyong tao sa panahon ng Hajj. Ito ay isang espasyo na laging gising at kung saan ang mga tao mula sa iba't-ibang panig ng mundo ay nagtitipon upang gugulin ang kanilang mga araw at gabi sa pagsamba at pagmumuni-muni. Ang Mecca ngayon ay malayong malayo na ang hitsura sa kung pano ito sa umpisa.
Ang lugar kung saan nakatayo ang Mecca ay ang mga paksa ng mga kuwento na umaabot pabalik sa pinakadulong simula nito. Ang parehong Quran at ang Bibliya ay unang nagbanggit ng pangalan ng Becca bilang isang lugar ng pagsamba. "... Mapalad yaong mga may lakas sa Inyo na inihanda ang kanilang mga puso sa peregrinasyon. Habang dumaraan sila sa lambak ng Becca, ginagawa nila itong isang lugar ng mga bukal ... "[3]
“Katotohanan ang unang bahay-dalanginan na itinatag para sa sangkatauhan ay ang nasa Becca …” (Quran 3:96)
Ang unang mga Muslim ay nanalangin paharap sa Masjid Al-Aqsa sa Jerusalem. Habang nasa pagpapatapon (exile) sa Medina si Propeta Muhammad ay nakatanggap siya ng rebelasyon mula sa Diyos na nagtuturo sa kanya na bumaling patungo sa Kabah. Sa gayon ito ang naging qibla para sa mga Muslim sa buong mundo. Ang mga mananalaysay at iskolar ng Islam ay nagtatalo sa kung sino ang nagtayo ng Kabah. Sinasabi ng ilan na itinayo ito ng mga anghel. Sinasabi ng iba na si Adam, ang ama ng sangkatauhan ang siyang nagtayo ng Kabah, ngunit sa paglipas ng maraming mga siglo ito ay nahulog sa pagkawasak lamang na itinayong muli ni Propeta Ibrahim at ng kanyang anak na si Ishmael. Ang lahat ay sumasang-ayon na ang Kabah ay itinayo o itinayong muli ni Propeta Ibrahim.
“At (banggitin mo) nang itayo nina Ibrahim at nang kanyang anak na si Ishmael ang haligi ng sagradong bahay-dalanginan (ang Kabah sa Mecca ) at sila ay nananalangin, "Aming Panginoon, tanggapin Mo po ang paglilingkod na ito mula sa amin. Katotohanan, Ikaw ang lubos na Nakaririnig, ang Maalam’” (Quran 2:127)
Si Propeta Muhammad ay isinilang sa lungsod ng Mecca noong 570 BCE. Sa oras na iyon, ang Mecca ay isang oasis (mayamang lupa sa disyerto) na ruta ng kalakalan sa pagitan ng Yemen at ng Dagat Mediteraneo. Mayroong makasaysayang katibayan na nagpapahiwatig na ang mga kalakal mula sa lahat ng kilalang bansa ay dumadaloy sa mga pamilihan ng Mecca. At ang mga manlalakbay ay madalas dumalaw sa Kabah. Sa makasaysayang panahon sa mga oras na iyon, napuno ito ng mga rebulto at mga idolo.
Taon-taon ang mga perigrino ay naglalakbay patungong Mecca at ang tribo ni Propeta Muhammad, ang Quraish[4] ay nagkaroon ng napakahusay na pamumuhay sa pamamagitan ng pangangalakal sa mga peregrino. Ang pagka-propeta ni Muhammad ay nagbigay ng panganib sa kanilang mga mahalagang kabuhayan at ito ay isa sa mga kumplikado at katakut-takot na dahilan kung bakit sila gumawa ng pagkasira o ikasisira ng mga Muslim at sa huli ay pinalayas sila mula sa lungsod.
Si Propeta Muhammad ay minsan nagsabi tungkol sa Mecca, "Sa ngalan ni Allah, ikaw ang pinakamabuti at pinakamamahal sa lahat ng lupain ni Allah para sa Kanya. Kung hindi ako pinalayas mula sa iyo, ay hindi kita nilisan. ”[5] At, napagmasdan o napagtanto niya isang beses, "Si Allah, at hindi ang mga tao, ang gumawa sa Mecca bilang santuwaryo; samakatuwid, ang sinumang tao na naniniwala kay Allah at sa Huling Araw ay hindi dapat magpadanak ng dugo doon o ang magputol ng mga puno dito”[6]
Nang bumalik si Propeta Muhammad sa Mecca, kinuha niya ang pamamahala sa lungsod ng may mahusay na diplomasya, at mayroong walang hanggan na pagpapala para sa mga naninirahan nito. Nalinis niya ang Kabah ng mga idolo at ang Peninsula ng Arabia sa anumang pagsamba maliban kay Allah. At sa kasaysayan ay naging espirituwal na sentro ng Islam ang Mecca.
Medina
Ang Medina, na naroon din sa Saudi Arabia, ito ay ang ikalawang pinaka-banal na lungsod sa Islam. Ang kahalagahan nito ay dahil sa kinalalagyan ito ng Masjid Al-Nabawi (tinatawag ding Masjid ng Propeta). Nasa lugar na ito ang tahanan ni Propeta Muhammad sa Medina at ito rin ang lugar kung saan siya inilibing. Naglalaman din ang Medina ng dalawang iba pang makabuluhang mga masjid; Ang Masjid Al-Quba na unang masjid na binuo nang tumakas papuntang Medina ang Propeta at ang mga sahabah , na kilala din bilang Yathrib, at ang Masjid Al-Qiblatain na binuo sa lugar kung saan natanggap ni Propetang Muhammad ang rebelasyon upang baguhin ang direksyon ng qibla mula sa Jerusalem patungong Mecca. Ang Al-Baqi, na isang sementeryo kung saan inilibing ang marami sa mga miyembro ng pamilya ni Propeta Muhammad, mga Caliph at iskolar, ay nasa loob din ng mga presinto ng Medina.
Talababa:
[1] Saheeh Bukhari, Saheeh Muslim
[2] Saheeh Bukhari
[3] Psalm 84
[4] Ang Quraish ay ang pangalan ng pinakamakapangyarihang lipi sa Mecca sa pagdating ng Islam at ang tribo na kinabibilangan ni Propeta Muhammad. Ito rin ang pangalan ng isang kabanata ng Quran.
[5] At-Tirmidhi, An-Nasai
[6] Saheeh Bukhari & Saheeh Muslim
Nakaraang Aralin: Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
Susunod na Aralin: Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)