Naglo-load...

Ang Layunin ng Buhay

Marka:

Deskripsyon: Ano ang kahulugan ng ating buhay? Bakit ako nandito? Ang mga kasagutan na iyong hinahanap.

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 86 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,344 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang maintidihan ang dahilan sa ating pagkakalikha.

·Upang maintindihan na ang pagsamba ay sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng pang araw-araw na buhay at pagsunod sa mga ipinag-uutos ng Allah.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Dunya - itong mundo, salungat sa mundo ng Kabilang-buhay.

·Akhirah - ang Kabilang buhay, ang buhay pagkatapos ng kamatayan.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang ibig sabihin depende sa saklaw ng pagsusuri gayunman ang ibig sabihin nito na karaniwang tinatanggap, anumang naiulat na ginawa, sinabi at pinahintulutan ng Propeta.

·Jinn - Isa sa mga nilikha ng Allah na nauna bago niya nilikha ang sankatauhan. Ang mga Jinn ay mula sa apoy na walang usok. Sila ay yung kadalasang tinutukoy bilang mga espiritu, engkanto, maligno, mga multo at iba pa.

·Hadith – (pangmaramihan – ahadith) Ay isang impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay mga salaysay ng mga kasabihan at mga nagawa ng Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

The_Purpose_of_Life._001.jpgBakit ako nandito ito ay ang mga lumang katanungang matagal ng gumagambala o nagpapabagabag sa sangkatauhan sa libo-libong taon na nakalipas. Ano ba ang layunin ng aking buhay, ano ba ang layunin ng buhay ng bawat isa? Yun at ang mga iba pang magkakaparehas na tanong ng mga tao habang sila ay nabubuhay pa sa mundong ito. Ito ay ipinahahayag ng isang tao o bawat tao, saan man at sa lahat ng oras. Itoy ipinahahayag sa iba’t-ibang uri, tulad ng “Anong dapat kong gawin?”, “Bakit tayo nandito?” , “Para saan ba itong buhay natin?”, at “Ano ba ang layunin ng ating pagkabuhay?” at kahit “Meron ba talagang buhay? “Totoo ba ang lahat ng ito?”. Sa malawak na panukala ng mga bagay ang mga Muslim ay mas may pribilehiyo sa ganitong posisyon dahil kapag ang ganitong mga katanungan ay pumasok sa ating mga isipan tayo ay may kakayahan upang maunawaan agad ang mga sagot.

Ang dahilan kung bakit tayo (sangkatauhan) ay nandito, sa maliit na planetang ito na tila bang walang katapusang umiikot sa mundo, ay ang sambahin ang Allah at Siya lamang. Eto ang dahilan kung bakit tayo ay nilikha. Ito ay hindi sikreto o isang misteryo lalong hindi ito isang talinghaga o palaisipan. Ang pagtuklas ng layunin sa buhay ay maaring ito'y sa isang bagay lamang, ito ay ang gampanan ang kagustuhan ng Allah. Hindi mo na kailangang igugol ang iyong oras, buwan o taon upang saliksikin ito at asamin.

“ At Ako (Allah) ay hindi naglikha ng Jinn at sangktauhan, maliban sa Ako ay kanilang sambahin (nang nag-iisa) (Quran51:56)

“Oh sangkatauhan, sambahin niyo ang Allah, wala kayong ibang Panginoon kundi ang Allah lamang ”. (Quran 7:59)

Gayunman napakahalagang maunawaan natin na ang Allah ay hindi ito nangangailangan ng pagsamba ng tao. Kapag ang isang tao ay hindi sumamba sa Allah, itoy hindi kailan man kabawasan sa kanyang kaluwalhatian o kadakilaan sa anumang paraan, at kapag ang lahat ng sangkatauhan ay sumamba sa Kanya (Allah), ay hindi rin madaragdagan ang Kanyang Kaluwalhatian o Kadakilaan sa anumang paraan.

“At kapag ikaw ay tinulungan ng Allah walang sinumang makakatalo o titibag saiyo, at kapag ikaw ay Kanyang pinabayaan, maliban Sa Kanya sino ang nariyan para saiyo, na maaring makakatulong sayo? At sa Allah (nag-iisa) lang sila (mananampalataya) magtiwala.” (Quran 3:160)

"O sangkatauhan! Kayo ay ang yaong nangangailangan sa Allah, ngunit ang Allah ay Mayaman (malaya sa lahat ng mga ninanais at pangangailangan), Karapat dapat sa lahat ng papuri." (Quran 35:15)

Dahil tayong mga tao ay likas na marurupok kailangan natin ng kalinga at kaseguraduhan sa pagsamba sa Allah. Dagdag pa riyan ay hindi natin mahahanap ang tunay na kasiyahan at kakontentuhan sa ating munting pagsusumikap na magampanan ang ating mga layunin sa buhay. Ang layunin ng ating buhay ay mas makabuluhan kaysa sa maghabol at maging alipin ng dunya (kamunduhan). Ang Allah ay nagsabi na katunayan sa mundong ito ay punong-puno ng panlilinlang at tayo ay binalaan na huwag mahuhulog sa mga bitag ng mga pansamantalang kaligayahan lamang. Dapat nating ipasok sa ating mga isipan o magpokus sa ating mga layunin upang masigurado natin ang ating lugar o tahanan sa Akhira (kabilang buhay).

Sa hadith ng Propeta Muhammad ay sinabi na “Ang Allah ay nagsabi, "O kayong mga anak ni Adam, punuin at gugulin niyo ang inyong oras sa pagsamba sa Akin at Aking pupunuin ang inyong mga puso ng kasaganahan, at tatapusin ang inyong kahirapan. Ngunit kapag ito ay di niyo isinagawa, hahayaan Ko kayong maging abala (sa makamunduhang bagay) at hindi Ko aalisin ang inyong paghihirap o kahirapan.”[2]

Ang relihiyong Islam ay malinaw na ipinaliwanag ang patungkol sa ating mga layunin, habang tayo ay binigyan din ng malinaw na mga alituntunin upang masundan natin ng tama upang mapadali ang ating pagsamba at maging kasiya-siya. Ang lahat ay naipaliwanag na sa Quran at Sunna ng Propeta Muhammad. Ito ang mga librong gagabay sa ating buhay na puno ng mga layunin at kapanatagan. Eto lang ang tunay na kahulugan ng tunay na kaligayahan ngunit gayunman hindi ibig sabihin nito na hindi na Niya tayo susubukan. Malinaw na sinabi ng Allah sa Quran na tayo ay Kanyang susubukan.

“Siya ang naglikha ng buhay at kamatayan para kayo ay kanyang subukan [ukol sa] kung sino man sa inyo ang may pinaka may mabuting gawa...” (Quran 67:1-2)

Tiyak sa buhay ng tao ay punong-puno ng laro at kasiyahan, ngunit hindi ito ang ating layunin sa buhay. Ang Allah ay nagsabi sa banal na Quran na katotohanang tayo ay Kanyang nilikha na may layunin na hindi lang puro kagalakan at kasiyahan. Tunay na sa buhay natin tayo ay muling bubuhayin upang managot sa bawat detalye ng ating buhay.

“Inisip niyo ba na nilikha Namin kayo upang maglaro (nang walang layunin), at kayo ay hindi na babalik sa Amin?” (Quran 23:115)

Isa sa pinakamadaling paraan upang makamit ang pinakamainam sa lahat ng bagay ay ang sambahin ang Allah sa lahat ng ating mga ginagawa. Sa Islam ginawa itong madali. Ito ay kasingdali ng pagsunod ng mga alituntunin na nilatag sa atin. Ang pag-aalaala sa Allah sa lahat ng oras at sa ating pag-ganap sa ating mga buhay na inaalala na ang Allah ay nagmamasid sa atin, at ang mga Anghel ay naglilista ng lahat ng ating mga gawa. Sa pamamagitan ng pagsamba sa Allah ay gumagawa tayo ng pabor para sa ating mga sarili. Kapag nasa isip at puso natin ang Allah tayo ay gumagawa ng mga kabutihan at lumalayo sa mga kasamaan at kapahamakan ng iba. At alam din natin na ang mga batas ng Islam ay para din sa sarili nating kapakanan at tayo ay ginagabayan nito sa lahat ng mga dapat nating gawin o gagawin sa lahat ng sitwasyon.

Ang pag-aalala sa Allah ay nakapapawi ng ating mga problema at mga alalahanin at maisasa-isip natin lagi ang tunay na layunin natin sa buhay. Gyunpaman ang kalagayan ng tao ay hindi laging mapayapa, ang pagkabahala ay pwedeng dumapo sa atin sa kahit na anong oras, at hindi natin kontrolado ito gayunpaman kaya nating kontrolin ang ating mga reaksyon. Kapag ating tinugon ang mga pahirap at pagkabalisa sa buhay ng pagbabalik loob sa Allah, ating mapagtatagumpayan ang paglalakbay sa buhay na ito.

"Katiyakan, sa pag-alala kay Allah masusumpungan ang kapayapaan sa puso".(Quran13:28)

Ang layunin ng buhay ay kilalanin ang Allah at ang Kanyang mga palatandaan at maging mapagpasalamat, bilangin ang ating mga biyaya at sumunod sa lahat ng pinag-uutos ng Allah. Ang layunin ng buhay ay napapaloob sa ating pananampalataya. Kung tayo ay namumuhay sa pagsunod o pagsuko sa lahat nang ninanais ng Allah ay atin ding ginagampanan ang ating layunin. Ang pagsamba sa Naglikha, ay ang layunin ng ating buhay at ang mensahe ay ibinaba sa sangkatauhan mula sa mga Propeta at sugo ng Allah.

“ At ang inyong Panginoon ay nag utos na walang ibang dapat na sambahin maliban sa Kanya…” (Quran 17:23)

“At hindi Kami nagpadala ng ibang mga propeta bago sayo (O Muhammad) kundi upang ipahayag (sabihin) na walang ibang dapat sambahin maliban sa akin (Allah) kaya sambahin niyo Ako (Nag iisa at wala ng iba pa)." (Quran 21:25)



Talababa:

[1] 1 Ang Layunin sa Paglikha Batay kay Dr Abu Ameenah Bilal Philips.

[2] Inuri bilang mabuti ni At Tirmidhi

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Layunin ng Buhay

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9