Naglo-load...

Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Una sa dalawang aralin na nagtatalakay sa Islamikong konsepto ng 'Pamamagitan.'

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 87 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,368 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunim

· Ang maintindihan ang kahulugan ng pamamagitan.

· Ang maintindihan ang mga uri ng pamamagitan sa araw ng Paghuhukom.

· Ang Maintindihan ang apat na uri ng Pamamagitan na partikular sa Propeta Muhammad, ang habag at pagpapala ng Allah ay mapasa kanya. Ang tatlong uri ng pamamagitan na ipinagkaloob sa Propeta Muhammad at sa iba.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Shariah – Batas islamiko.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may maraming kahulugan depende sa sinasaklawan ng pinag-aaralan, subalit ang karaniwang tinatanggap na kahulugan nito ay anumang sinabi, ginawa, at pinahintulutan ng Propeta.

·Ummah -Tumutukoy sa buong kamuslimang pamayanan, anuman ang kulay, lenggwahe o nasyonnalidad.

·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang bahagi ng pahayag o kwento. Sa Islam ito ay ang naitalang kapahayagan at mga kasabihan at mga isinagawa ng propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Hajj – Ang pilgremahe sa Mekka (Saudi arabia) kung saan ang mga manlalakbay ay nagsasagawa ng mga ritwal na pagsamba. Ang Hajj ay isa sa mgalimang Haligi ng Islam, kung saan dapat na maisagawa ng isang Muslim na nasa tamang edad isang beses sa kanilang buhay kung sila'y may kakayanang pinansyal at pisikal.

Kahulugan

Intercession_on_Judgment_Day_(part_1_of_2)._001.jpgSa pinaikling salita, "ang pamamagitan" ay nangangahulugang magsisilbing tagapamagitan para sa sinuman upang makamit nila ang kanilang inaasam, o maiiwas ang kapamahakan sa kanila.

Ang Pamamagitan sa Araw ng Pagbabangong muli ay may dalawang uri:

1. Ang katanggap-tanggap na Pamamagitan: Ang pamamamagitan na ito na kung saan ay pinatutunayan sa mga kasulatan ng shariah. Ang ilan pang mga detalye ay naitala sa ibaba.

2. Hindi tinatanggap na Tagapamagitan: Ang pamamagitan na ito ayun sa mga talata ng Quran at sunnah ay walang bisa, at walang silbi, at ipapaliwanag ito sa ikalawang bahagi .

May dalawang uri ng tanggap na Pamamagitan na magaganap sa Kabilang buhay:

A. Pamamagitang nakalaan lamang sa Propeta

Ang unang uri ay ang eksklusibong pamamagitan na ipapahintulot lamang kay Propeta Muhammad at walang sinumang pagkakalooban nito. Ito ay may ibat- ibang uri.

1.Ang pinakadakilang Pamamagitan na kilala ding maqam-mahmood o ang 'lugar ng Papuri at kaluwalhatian,' Ang mga nauna at mga nakaraang pamayanan ay makikiusap sa Propeta na mamagitan sa kanila sa kanilang Panginoon upang sa ganoon ay matakasan nila ang kakila-kilabot na kaganapan sa araw ng paghuhukom. Ito ang 'lugar ng papuri at pagluwalhati' na siyang ipingako sa kanya ng Allah sa Quran:

“At mula sa ilang bahagi ng gabi (ganun din ) ikaw ay mag-alay ng panalangin kasama nito {halimbawa ang pagbigkas ng Quran sa panalangin} bilang iyong karagdagang pagsamba (O Muhammad). At mangyaring baka ikaw ay itaas ng iyong Panginoon sa maqam-mahmood.” (Quran 17:79)

Si Propeta Muhammad ay mamamagitan sa lahat ng sangkatauhan upang ang pagtutuos ay makapag-umpisa. Sa isang salaysay isinasaad na ang sangkatauhan ay balisa at nababahala at darating sa punto na hindi na nila makakayanan ang tagal ng paghihintay at sila'y magsasabi, "Sino ang mamamagitan sa amin sa aming Panginoon upang Siya (Allah ) ay makapagsagawa ng paghuhukom sa Kanyang mga alipin?" Kayat ang mga tao ay lalapit sa mga Propeta at bawat isa sa kanila ay magsasabi, "Hindi ako angkop sa ganitong posisyon (pamamagitan) hanggang sila'y lalapit sa ating Propeta (Muhammad) at magsasabi siyang "kaya ko itong gawin. "Kayat siya'y mamamagitan sa kanila upang ang paghuhukom ay mangyari na.

Ang Pamamagitan na ito ay para lamang kay Propeta Muhammad.

Marami pang ibang ulat kaugnay sa pamamagitan na ito: "Ang mga tao'y maninikluhod sa araw ng pagbabangong muli, bawat pamayanan ay susunod sa kanilang Propeta na nagsasabing, O ganito o ganyan, mamagitan kayo! hanggang ang pamamagitan ay ipahintulot kay Propeta muhammad (sumakanya ang habag at pagpapala ng Allah). Sa araw na yaon ay ibabangon siya ng Allah sa katayuan ng pagsamba at kaluwalhatian.”[1]

2. Ang pamamagitan ng Propeta Muhammad na ibibigay ay sa mga mananampalataya na ipahintulot sa kanila na makapasok sa Paraiso.

Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Ako ay pupunta sa pintuan ng Paraiso sa araw ng paghuhukom at aking hihilingin na ito ay buksan. At ang anghel na tagabantay ay magsasabi: "Sino ka ?' at sasabihin ko 'Muhammad.' At sasabihin ng tagabantay, ako ay napag-utusan na huwag itong bubuksan sa sinuman bago sayo. [2]

Ayon sa ibang ulat na isinalaysay ayon kay Muslim, "Ako (Muhammad) ang pinakaunang mamamagitan patungkol sa Paraiso."

3.Ang pamamagitan ni propeta Muhammad sa kanyang Tiyuhin na si Abu Talib, upang ang pagdurusa sa apoy ay mabawasan para sa kanya. Ito ay mangyayari lamang sa sitwasyon ni Propeta Muhammad at ng kanyang Tiyuhin na si Abu Talib.

Minsan, si Abu Talib ay pinangalanan sa presensya ng sugo ni Allah. Siya ay nagsabi, marahil ang aking pamamagitan ay kanyang mapapakinabangan sa araw ng Pagbabangong Muli. At siya ay ilalagay sa isang maliit na bahagi ng apoy na ito'y aabot sa kanyang paanan at magpapakulo ng kanyang utak.”[3]

4.Ang pamamagitan na ang ilan sa kanyang Ummah ay papasok sa paraiso na hindi magdadaan sa pagsusulit.

Ang uri ng pamamagitan na ito ay binabanggit ng ilang pantas, na nagwika bilang ibedensya sa mahabang hadith na nagsasalaysay:

At ito ay sasabihin: 'O Muhammad, itaas mo ang iyong ulo, humingi, at itoy mapapasayo, mamagitan at ang iyong pamamagitan ay tatanggapin sayo. ' At aking itatas ang aking ulo at ako'y magsasabi "aking pamayanan, Panginoon; aking pamayanan, Panginoon; aking pamayanan, Panginoon; at sasabihin ng Allah tanggapin sila na nasasakop ng iyong ummah na hindi dadaan sa pagsusulit doon sa kanang bahagi ng pintuan ng Paraiso. Silay papasok sa ibang pintuan kasama ng mga taong mula sa ibang nasyon.’”[4]

B. Pangkalahatang Pamamagitan

Ang isang uri ng pamamagitan para sa kanila na mga nagkasala ay ipapahintulot kay Propeta Muhammad at sa ibang Propeta, ganun din sa mga anghel, sa mga mapag-tiis, mga pantas, at mga matutuwid na tao. Kahit na ang kabutihang ginawa ng isang tao ay maaring tumayo bilang tagapamagitan para sa kanya, ngunit ang Propeta Muhammad ang siyang may pinakamalaking bahagi sa pamamagitan.

Ito ay may iba-ibang uri:

1.Pamamagitan para sa mga naniniwala, na nakagawa ng malalaking kasalanan, na hahanguin mula sa impyerno.

Ang Mensahero ng Allah ay nagsabi: " Ang aking pamamagitan ay para sa aking Ummah na nakagawa ng malalaking kasalanan.”[5]

“Sa kanya na may tangan ng aking kaluluwa, walang sinuman sa inyo ang makakapag pumilit na humiling kay Allah na baguhin niya ang kanyang karapatan laban sa kanyang mga kaaway maliban sa mga mananampalataya na hihiling sa Allah sa araw ng pagbabangong muli (na pahintulutan Niya sila ng kapangyarihan ng pamamagitan) para sa kanilang mga kapatid na nasa apoy. Sila ay magsasabi, 'O aming Panginoon, sila ay nag-aayuno na kasama namin, at silay nagsasagawa ng pagdarasal at nagsagawa ng hajj. 'At sasabihin sa kanila: 'Iahon niyo ang mga nakikilala niyo mula sa kanila, dahil ang apoy ay pinagbawalang sila'y tupukin. 'Kayat sila ay maghahango ng maraming tao.... at ang Allah ay magsasabi: Ang mga Anghel ay namagitan, ang mga Propeta ay namagitan, at ang mga may paniniwala ay namagitan. At wala ng pamamagitan na naiiwan iligtas yaong mga napapabilang sa Pinaka-Mahabagin.' At Siya ay dadakot ng mga nananahan sa Impyerno na walang nagawang kabutihan '”[6]

2. Pamamagitan para sa mga taong nararapat sa Impyerno, na huwag silang makapasok dito.

Ang propeta ay nagsabi: Pag ang isang Muslim ay binawian ng Buhay at ang apatnapung kalalakihan na hindi nagtambal ng anuman sa Allah, ay nagsagawa ng pagdarasal para sa kanya, tatangapin ng Allah ang kanilang pamamagitan para sa kanya.”[7]

Ang pamamagitan na ito ay mangyayari bago ang namatay ay papasok sa Impyerno dahil tatanggapin ng Allah ang kanilang pamamagitan.

3. Pamamagitan para sa mga may paniniwala na nararapat sa Paraiso dahil ang kanilang istado ay nararapat na iangat sa Paraiso. Gaya halimbawa, ang Propeta ay nanalangin para kay Abu Salamah: "O Allah patawarin mo si Abu Salamah at itaas mo ang kanyang kalagayan kasama ng mga napatnubayan, at pangalagaan mo ang kanyang pamilya na kanyang naiwan. Patawarin mo kami at siya , O Panginoon ng mga Mundo, gawin mong maluwag ang libingan para sa kanya at maging maliwanag para sa kanya.”[8]



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[2] Saheeh Muslim

[3] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[4] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[5] Tirmidhi

[6] Saheeh Muslim

[7] Saheeh Muslim

[8] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9