Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Mga hadlang sa paglilinis ng kaluluwa.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 95 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,286 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga Layunin
·Pag-aralan ang dalawang hadlang sa paglilinis ng kaluluwa.
· Pahalagahan na ang mga kasalanan, kawalan ng paniniwala, ay mga tagasira ng kaluluwa.
· Maunawaan ang papel ng materyalismo, si Satanas, at masamang kapaligiran sa pagsira sa kaluluwa.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Shirk -ang salitang tumutukoy sa pagtatambal kay Allah, o pagtuturing sa mga banal na katangian maliban pa kay Allah, o paniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, kasamaan at gantimpala ay nagmumula sa iba maliban pa kay Allah.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay maraming pakahulugan depende sa uri ng pag-aaral gayunpaman ang pangkalahatan nitong kahulugan na tanggap ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa o sinang-ayunan ng Propeta.
·Kufr – Kawalan ng pananampalataya.
Ang pinakamahalagang mga hadlang sa paglilinis ng kaluluwa ay:
1.Pagnanasa
2.Alinlangan
Ang mga mapaminsalang pagnanasa ay nagpapalito sa mga layunin ng tao, na humahantong na ang isang tao na magkasala. Ang mga pagdududa, sa kabilang banda, ay naglilihis ng mga paniniwala, na dinadala ang isang tao na magtanong kung ano ang totoo.
Ang isang tao ay maaaring maging alipin sa pamamagitan ng kanyang mga pagnanasa kung ito ay nagiging ang tagakontrol sa buhay. Ang anumang bagay na umaabot sa antas na iyon sa buhay ng isang tao ay maaaring maging diyos o panginoon niya ang mga ito. Ang mga minimithi ng kaluluwa ay may iba't ibang uri: kapangyarihan, awtoridad, papuri, kayamanan, kasiyahan sa sekswal, at iba pa. Ang ilan ay natural sa bawat tao tulad ng pagnanais na magkaroon ng kayamanan at makuntento sa kasiyahang pakikipagtalik. Dapat silang pigilin sa mga limitasyon na itinakda ng Quran at ng Sunnah.
"Nakita mo ba siya na kumukuha ng kanyang sariling kasakiman (walang kabuluhan na mga pagnanasa) bilang kanyang diyos, at alam ni Allah (siya na tulad nito), iniwan siya sa pagkaligaw, at tinakpan ang kanyang pandinig at ang kanyang puso, at inilagay ang takip sa kanyang paningin. Kaya sino ang gagabay sa kanya pagkatapos ni Allah? Hindi ka ba napaalalahanan? "(Quran 45:23)
Ang mga pag-aalinlangan ay bunga ng kawalan ng tunay na kaalaman. Ang kamangmangan ay nagdudulot sa mga tao na gumawa ng hindi ikasisiya ng Allah. Ang mga pag-aalinlangan ay nagdudulot sa isang tao na maging mahina ang paniniwala at kumpiyansa, kaya ang tao ay hindi tunay na magsasakripisyo para kay Allah sa paniniwala na ang Kanyang mga pangako ng tagumpay at kasiyahan ay di totoo.
Kasalanan, pagmamataas, kawalang-paniwala, at Shirk
Ang mga kasalanan ay may iba't ibang uri at antas, ngunit isang bagay ang tiyak na ang mga kasalanan ay nakakapinsala sa kaluluwa. Ang pinakamalalang kasalanan na maiiwasan ay ang mga 'pangunahing' mga tulad ng pagpatay, pagsisinungaling, pagnanakaw, pang-aalipusta, pagtanggap at pagbibigay ng suhol, pandaraya, pagsuway sa mga magulang, at pakikiapid. Ang mga 'maliit' na mga kasalanan ay mapanganib din kung sila ay paulit-ulit. Dahil ang mga kasalanan ay nakakapinsala sa relasyon ng isang tao kay Allah, ang isang mananampalataya ay dapat na maging maingat sa mga malalaki at maliliit na kasalanan.
Ang isang tao ay dapat na kinasusuklaman ang mga kilos na ipinagbabawal ni Allah kahit gaano pa kalakas ang tukso sa kaluluwa.
Ang mga kasalanan ng puso ang ilan sa pinakamasama. Ang bahagi ng kadahilanan ay ang kanilang kontribusyon sa maraming iba pang mga gawa ng pagsuway kay Allah. Ang pagmamataas ay isa sa pinakamahalagang kasalanan ng puso. Ang Sugo ng Allah, nawa'y ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagsabi, "Ang sinumang may bigat ng isang butil na pagmamataas sa kanyang puso ay hindi makakapasok sa Paraiso."[1]
Ang pagmamataas ay bumubuo ng harang sa pagitan ng isang tao at pagtanggap ng katotohanan. Halimbawa, sa ilang mga kaso, ang isang tao ay hindi tatanggap ng katotohanan kung ito ay nagmumula sa mga taong hindi niya gusto. Tinukoy ni Propeta Muhammad ang pagmamataas bilang "pagtanggi sa katotohanan at paghamak sa mga tao." (Muslim) Ang pagmamataas ay maaaring maging napakalakas na pinipigilan ang isang tao mula sa pagtanggap at pagpapatupad ng Islam sa kanilang buhay.
Ang kawalan ng pananampalataya (kufr) at shirk ay ang pinakamalaking kasalanan na maaaring gawin ng sinumang tao. Hindi ito maaalis sa pamamagitan ng dasal ng isa pang mananampalataya, mabuting gawa, o mga paghihirap na naranasan sa buhay. Sa anumang paraan, ang isang tao ay dapat na iwasan ang kawalang-pananampalataya at shirk. Ang Propeta ay nagsabi, "O anak ni Adan, kung ikaw ay lalapit sa Akin na may mga kasalanan na malapit nang magpuno sa kalupaan at pagkatapos ay haharapin mo Ako nang walang mga pagtatambal, tiyak na pagkakalooban kita ng kapatawaran na pupuno (sa lupa). "[2]
Palamuti sa Mundo
Ang kasiyahan sa buhay na ito ay makapagpapalimot kay Allah at sa tunay na layunin ng tao sa buhay. Ipinaalala sa atin ni Allah, "O kayong mananampalataya, huwag hayaan na ang inyong mga kayamanan at mga anak na ilihis kayo sa pag-alaala kay Allah. At sinuman na umasta ng ganito, ang pagkatalo ay nasa kanila."(Quran 63: 9)
Islam guides a person to the proper way of living and how to maintain a healthy balance between the actions of this world and the Hereafter. It also warns against making this world our ultimate goal. Ginagabayan ng Islam ang isang tao sa wastong paraan ng pamumuhay at kung paano mapanatili ang isang tama at balanse sa pagitan ng mga gawain sa mundo at ng Kabilang Buhay. Nagbabala rin ito na wag gawin ang mundong ito bilang ating pinakamimithi.
Masamang Kasamahan at Kapaligiran
Ang iyong kasamahan ay makakaapekto sa iyo kahit na ito ay sa isang maikling panahon lamang. Ang sinumang nag-iisip na ang kanilang mga kaibigan ay hindi nakakaapekto sa kanila ay nagkakamali. Ang mga kaibigan ay maaaring ilapit ang isang tao na paggawa ng mga kasalanan, at ang palagiang pagsama sa mga makasalanang tao ay di maglalaon ay maiingangyo ang tao na gumawa ng kasalanan. Sa modernong panahon, ang media ay kasamahan para sa maraming tao, ito ang papel na ginagampanan nito. Tulad ng isang masamang kaibigan, ang isang taong nagmamalasakit sa kanyang kaluluwa ay dapat suriin ang kanyang relasyon sa media.
Satanas
Si Satanas ay may matinding galit na dala ng inggit at pagmamataas para sa sangkatauhan. Ang kanyang layunin ay walang hanggang pagkakasala ng sangkatauhan. Iniutos sa atin ni Allah, "O kayong nanampalataya, huwag sundin ang mga yapak ni Satanas." (Qur'an 24:21) Gumagamit si Satanas ng maraming paraan upang makamit ang kanyang mga layunin. Hinihikayat niya ang mga tao na gawin ang pagmamalabis, binibigyan sila ng mga maling pag-asa, at ginagawa ang tao na mapagpaliban at tamad. Ang pinakadakilang pamamaraan ni Satanas ay gawin ang masama na magmukhang mabuti. Sa gayon niya nilinlang ang unang tao, ang mga magulang ng sangkatauhan. Ipinaalam sa atin ni Allah ang kanilang kuwento upang balaan tayo na layuan si Satanas (tingnan ang Quran 7: 20-21). Naglalaro si Satanas ng parehong panlilinlang sa mga tao ngayon! Ang isa pang paraan na pinangungunahan ni Satanas sa mga tao ay ang pagpapaniwala sa kanila na maraming mga landas na patungo sa Diyos. Ang mga tao ay sinunod ang kanilang pagnanais na iniisip na sinusunod nila ang 'landas ng Diyos.' Pagkatapos ng pagdating ni Propeta Muhammad, mayroon lamang isang landas ng Diyos at ito ang landas na ipinakita ng Propeta mismo. Ang kanyang daan ay malawak at maaaring tanggapin ang lahat ng taong nais itong tahakin.
Nakaraang Aralin: Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
Susunod na Aralin: Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)