Isang Araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 1 ng 2): Mula pagkagising hanggang sa bandang huli ng umaga.
Deskripsyon: Alamin kung paano gawin ang iyong pang-araw-araw na tungkulin sa kapaki-pakinabang na gawaing pagsamba sa pamamagitan ng pagsunod sa pangaraw-araw na espirituwal na kalakaran ng isang Muslim.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 94 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,302 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Kailangan
·Panalangin para sa mga Baguhan (2 bahagi).
Mga Layunin
·Upang matutunan ang pangaraw-araw na espirituwal na kalakaran ng isang Muslim mula paggising hanggang sa dulo ng umaga.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Salah - salitang Arabe na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam, tumutukoy ito sa limang obligadong pagdarasal at siyang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.
·Fajr - ang pagadarasal sa umaga.
·Ghusl – ang espesyal paliligo.
·Wudoo – ang paghuhugas.
·Dhikr - (maramihan: adhkar) pag-alaala sa Allah.
·Rakah - ang yunit ng dasal.
Ang karaniwang gawain sa bawat araw ay maaaring maging kapaki-pakinabang na mga gawaing pagsamba kung ginagawa ito ng isang Muslim para sa ikalulugod ng Allah. Sa lahat ng mga ito, ang regular at palagiang ginagawa ay ang pinakamainam. Ang Sugo ng Allah, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi, “Ang mga gawaing pagsamba na minamahal ng Allah ay ang mga isinasagawa nang palagian, kahit na ito ay saglit lang."[1]Hindi kailangang gumawa ng anumang bagay na kakaiba upang magkamit ng mga banal na gantimpala, ngunit dapat nating isabuhay ang ilang mga gawaing pagsamba maliban sa obligadong salah, kagaya ng pagbabasa ng Quran, pag-alaala sa Allah (adhkar), at iba pang simpleng mga gawain. Ito ay magdudulot ng kaluguran sa puso, magpapagaling ng kaluluwa, at pinapanatili ang mananampalataya sa Tuwid na Landas.
Marami sa atin ang mga mag-aaral o nagtatrabaho. Nagbibinata o nagdadalaga, mga solong ina, mga ulirang ina, o retirado mula sa pagtatrabaho. Ibat-iba ang pinanggagalingang mga Muslim, nangangahulugan ito na ang bawat isa ay may natatanging buhay at gawain, ngunit ang mga karaniwang gawaing pang-espirituwal sa Islam ang nagdudulot ng maayos at balanse na pamumuhay. Susubukan ng araling ito na ipaunawa ang espirituwal na aspeto sa pang araw-araw na buhay ng isang karaniwang Muslim na nag-ugnay sa kanyang mga gawaing pagsamba dito sa mundo na kapaki-pakinabang sa kabilang buhay.
Sa Umaga
(1) Ang pinaka-unang ginagawa ng isang Muslim sa pag-gising sa umaga ay ang pasalamatan ang Allah para sa pagbibigay sa kanya ng buhay sa pamamagitan nang pagsasabi ng panalangin:
Al-Hamdu-lil-laa-hil ladhee Ah-ya-naa baa-da maa Amaa-tanaa wa ilay-hin nu-shoor.
“Ang lahat ng papuri ay para sa Allah lamang na binigyan tayo ng buhay pagkatapos na kunin ito mula sa atin at sa Kanya ang Pagkabuhay na Muli.”[2]
(2) Ang pangalawa ay ang wudoo o pagsasagawa ng ghusl (kung kailangan) para sa pagdarasal sa Fajr, maliban sa mga kababaihang may buwanang dalaw o bagong panganak na hindi kinakailangang mag-alay ng salah. Bago pumasok ng palikuran, nararapat na magsabi ng “Bis-millah,” na susundan ng panalangin para sa pagpasok sa banyo:
Allah-humma in-nee aa’oodho-bi’ka min-al khub-thi wal-kha-baa’ith.
“Nagsisimula ako sa pangalan ng Allah. O Allah, ako ay nagpapakupkop sa iyo mula sa masama at masasamang bagay.”[3]
Pagkatapos ay papasok sila na una ang kaliwang paa.
(3) Tiyaking gamitin ang kaliwang kamay sa banyo para sa paglilinis ng iyong sarili. Si Aisha, kinalulugdan ng Allah, ay nagsabi na ang kanang kamay ay ginamit ng Sugo ng Allah sa kanyang pagwudoo at sa pagkuha ng pagkain, at ang kaliwang kamay ay ginamit sa banyo at iba pa.[4]
(4) Hinihikayat ang pagsisipilyo ng ngipin [5]. Ang Propeta ay nagsabi:
“Kung hindi ko lamang nakikitang mahirap para sa aking mga tagasunod, ipag uutos ko sa kanila na linisin ang kanilang mga ngipin sa bawat salah.”[6]
(5) Ang panalangin matapos ang wudoo ay:
Ash-hadu ann la-i’laaha il’lalaah wah-da-hu la shareeka-lah wa ash-hadu an-naa Muhamma-dann ab-do-hu wa-rasooluh.
“Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin maliban sa Allah, lamang, walang katambal, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at Sugo.”[7]
(6) Kapag lumabas ng banyo, ang sasabihin ng isang Muslim ay:
Ghufraa’nak.
“(Hinihingi ko) ang Iyong Kapatawaran.”[8]
(8) Bago magtrabaho o magtungo sa paaralan, sinisimulan ng mga Muslim ang kanilang araw sa pamamagitan ng pagsasagawa ng obligadong Fajr salah kasunod ng dalawang rakah ng Sunnah (boluntaryong) pagdarasal. Dapat ugaliin ng isang Muslim na mag-alay agad ng salah ng maagap sa pagpitada ng oras nito. Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay tinanong kung aling gawa ang pinakamahal sa Allah. Sinabi niya:
“Salah na ginagampanan sa tamang oras nito.”[9]
Ang isang Muslim ay dapat mag-alay ng salah na may tamang pansin at konsentrasyon, dahil ang salah ang magiging unang bagay na pananagutan ng isang tao sa Araw ng Paghuhukom. Ang Propeta ay nagsabi:
“Kapag tumayo ka sa iyong salah, gawin itong tila ito na ang iyong huling salah; huwag kang magsalita na pagsisisihan mo pagdating ng araw; at huwag kang umasa sa ibang tao.”[10]
(9) Ang tahimik na oras sa umaga ay isang magandang pagkakataon upang bigkasin ang Quran para sa mga may kakayahan. Ito ay nagbibigay-daan sa isang tao upang makapagnilay-nilay at magkamit ng pinaka-espirituwal na benepisyo. Ang Propeta ay nagsabi:
‘Ang pagbigklas ng Quran sa bukang-liwayway ay palaging sinasaksihan - ang mga anghel ng gabi at ang mga anghel ng araw ang saksi nito.”[11]
Hindi ipinagbabawal sa sinuman na bumalik sa pagtulog pagkatapos ng Fajr salah.
Gitna at Huling Bahagi ng Umaga
(1) Alam ng Allah kung ano ang pinakamainam para sa kanyang nilikha at binigyan tayo ng natural na pampalusog na pagkain para sa ating kalusugan. Ang Propeta ay kumakain ng malusog na pagkain na mayroon para sa kanya, tulad ng mga datiles, mga olibo, langis ng oliba, pulot, tinapay, karne, at gatas. Mas mainam kung maiiwasan ang naprosesong pagkain at kumain lamang ng natural na pagkaing mayroon. Ang pagnanais na sundin ang kanyang halimbawa sa ikalulugod ng Allah ay natural na magiging gantimpla bilang isang gawaing pagsamba. Sa ganitong pag-iisip, dapat pangalagaan ng mga Muslim na magulang na matugunan ang mga pangangailangang pangnutrisyon ng kanilang mga anak upang hindi sila maging ubod ng taba. Dapat ding bigyang pansin ang kalinisan sa lahat ng bagay, lalo na sa paghahanda at paghawak ng mga pagkain.
(2) Sinisimulan ng Isang Muslim ang kanyang pagkain sa pagbanggit ng Pangalan ng Allah na sinasabi, “Bismillah hir-Rahman nir-Raheem,” kumakain at umiinom gamit ang kanyang kanang kamay. Itinuro ng Propeta ang kaasalan sa pagkain sa isang batang lalaki na kasama niyang kumakain.:
“... Banggitin ang pangalan ni Allah, at kumain ka sa iyong kanang kamay at kumain ng pagkain na malapit sa iyo.”[12]
(3) Pagkatapos kumain, ang isang Muslim ay nagpapasalamat sa Allah sa ipinagkakaloob sa kanya sa pamamagitan ng pagsasabi ng:
Al-Hamdu-lil-laa-hil ladhi At-a’ma-ni hadtha wa-raza-qanee-hi min ghayri haw-linn min’ni wa la qoo-wa.
“Ang lahat ng papuri ay para sa Allah na nagpakain sa akin nito at ibinigay ito para sa akin nang walang anumang lakas o kapangyarihan mula sa aking sarili.”[13]
Ang pagkain ng sobra ay masama sa kalusugan. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
“Ang anak ni Adan ay hindi pinupunan ang sisidlan na lubos na hindi ikinasisiya ng Allah kaysa sa kanyang tiyan. Ang ilang subo ay dapat sapat para sa kanya upang mapanatili ang kanyang lakas. Kung kailangan niyang punan ito, dapat niyang hayaan ang isang ikatlo para sa kanyang pagkain, isang ikatlo para sa kanyang inumin at mag-iwan ng isang ikatlong walang laman para sa maluwag na paghinga.”[14]
(4) Ang pagpapalaki ng mga bata ay isang mahalaga at marangal na tungkulin para sa isang babae. Ang isang Muslim na ina ay dapat maglaan ng sapat na oras sa kanyang mga anak. Lalo na, sa mga maliliit pa na nangangailangan ng karagdagang pag-aalaga ng isang ina. Mahalaga na isama o isali sila sa mga pinagkaka-abalahang gawain araw-araw. Kabilang sa mga oras na ito ay maaaring tulad ng pagbabasa ng mga libro, pagtuturo ng mga pangunahing gawi at asal, pagbabasa ng Quran na magkakasama, paglalaro, pagpunta sa parke at aklatan, at marami pang iba. Ang pagpapahalaga sa espirituwal, intelektwal, emosyonal, at pisikal na pag-unlad ng mga bata ay nararapat ding pagtuunan ng pansin . Ang pagsasagawa nito ng maaga ay makapagbibigay din ng pagkakataon sa mga bata na sila ay malayang makapaglaro, na makapagbibigay ng maraming oras sa iba pang mga gawain.
Ang mga ama ay dapat ding maglaan ng panahon kasama ang kanilang mga anak dahil mayroon silang mahalagang papel sa pagpapalaki sa kanila. Ang isang Muslim na ama ay dapat maglaan ng oras sa kanila sa gabi o tuwing linggo, makinig sa kanilang mga nais sabihin, at sumali sa kanilang mga gawain kasama ang kanyang mga anak. Ang mahalagang bagay, ay ang paglalaan ng oras sa iyong mga anak ay hindi lamang para sa kanilang kapakanan o sa iyong sarili, manapa'y ginagawa mo ito upang hanapin ang gantimpala ng Allah.
(5) Ang isang Muslim ay nililisan ang kanyang bahay na nagtitiwala sa Allah at nagsasabing:
Bismillah. Tawak-kaltu ‘al-Allah wa la hawla wa la qoo-wata illah billah.
“Nagsisimula ako sa pangalan ni Allah, umaasa ako sa Allah, walang lakas at kapangyarihan kundi sa Allah”[15]
Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
“Kapag ang isang tao ay umalis sa kanyang bahay, nabinabanggit ang mga kataga na ito, 'Nagsisimula ako sa pangalan ng Allah, umaasa ako sa Allah, walang lakas at kapangyarihan maliban sa Allah,' sinabi sa kanya sa oras na iyon, 'Ikaw ay ginabayan, ikaw ay pinangangalagaan. 'Ang mga Demonyo ay lumalayo mula sa kanya, at ang isa pang demonyo ay magsasabi,' Paano mo mapipinsala ang isang tao na ginabayan, ina-alagaan at pinoprotektahan? ?’”[16]
Talababa:
[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[2] Saheeh Al-Bukhari
[3] Abu Dawud
[4] Abu Dawud
[5] Ang pinaka-mainam na paraan ay ang paggamit ng maliit na ugat mula sa ‘halamang arak, mas kilala sa tawak na “miswak” at nabibili sa maraming tindahan ng mga Muslim saan man sa mundo.
[6] Saheeh Al-Bukhari, Muslim
[7] Tirmidthi
[8] Abu Dawud
[9] Saheeh Al-Bukhari
[10] Ahmad
[11] Tirmidthi
[12] Saheeh Al-Bukhari
[13] Tirmidthi
[14] ibid.
[15] Abu Dawud
[16] ibid.
- Gabay para sa mga Baguhan sa Quran (part 1 of 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 2 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 3 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Hadith at Sunnah
- Ang Kahalagahan ng Pagdarasal
- Mga Kinakailangan sa Pagdarasal
- Kalinisan sa Islam
- Ritwal o espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Ritwal o espesya na Paglinis (Wudoo)
- Pagdarasal ng Dalawang Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Tatlong Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Apat na Yunit o Raka'a
- Pangkalahatang punto hinggil sa Panalangin
- Isang Araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 1 ng 2): Mula pagkagising hanggang sa bandang huli ng umaga.
- Isang araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 2 ng 2): Mula sa Tanghali hanggang sa Pagtulog
- Tadhana ng mga hindi Muslim
- Pagsisisi (bahhagi 1 ng 3): Pintuan ng Kaligtasan
- Paghingi ng Tawad o Kapatawaran (Bahagi 2 ng 3): Mga Kondisyon ng Paghingi ng Kapatawaran
- Pagsisisi (Bahagi 3 ng 3): Pagdarasal para sa Pagsisisi
- Makikita ba natin ang Allah?
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 1 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (Bahagi 2 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 3 ng 4)
- Pangangalaga ng Sunnah (bahagi 4 ng 4)
- Pagkain – Sa pamamaraang Islamiko (bahagi 1 ng 2)
- Pagkain – Sa Islamikong Paraan (Bahagi 2 ng 2)
- Payak na Kapaliwanagan sa Dakilang Talata ng Quran: Aaya tul-Kursi
- Pagpupunas sa mga Medyas, Pagbabayad sa Panalangin, at ang Pagdarasal ng Naglalakbay
- Pangitain / Pamahiin
- Mga Gayuma at Agimat/Dala-dalahan