Naglo-load...

Simpleng Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha

Marka:

Deskripsyon: Ang salin ng kahulugan ng Surah al-Fatiha at kasama ang mga simpleng kapaliwanagan ng bawat talata.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 31 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 114 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,933 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Layunin

·Matutunan ang salin ng Surah al-Fatiha

·Matutunan ang kapaliwanagan ng bawat talata ng Surah al-Fatiha sa simpleng lenggwahe

·Pag-aralan ang kapaliwanagan ng mga talata base sa al-Tafseer al-Muyassar na isinulat ng lupon ng mga iskolar sa Quran.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Surah – kabanata sa Quran.

·Salah - ang salitang arabik na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang nananampalataya at Allah. Higit pa rito, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang beses na pang-araw-araw na espesyal na pagdarasal at ito ang pinaka-mahalagang uri ng pagsamba.

Surah Al-Fatiha

Ang Surah al-Fatiha ay ang unang surah sa Quran at binibigkas sa bawat espesyal na pagdarasal (salah) tulad ng sinabi ng Propeta, ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay mapasakanya, “Walang nagawang salah (na may bisa) ang sinumang hindi nagbigkas sa pambungad na kabanata ng Aklat.”(salin ng kahulugan)[1] Sa pagtanggap ng Islam, ang isang tao ay dapat unang magmemorya ng Surah al-Fatiha para makapagsagawa ng itinagubilin na mga pagdarasal. Ang mga kahulugan nito ay dapat na matutunan at pagnilayan sa bawat oras na tayo ay nagsasagawa ng salah.

Teksto, Pagsasatitik, Salin ng Kahulugan, at Kapaliwanagan

بِسْمِ اللهِ الرَّحْمنِ الرَّحِيمِِ

1. Bismillahir rahmaanir raheem

Sa Ngalan ng Allah, Ang Pinaka-Mahabagin, Ang Pinaka-Maawain.

Ang Quran ay nagsisimula na may wasto, natatangi, at personal na pangalan ng Diyos - Allah. 'Ako ay nagsisimula sa ngalan ng Allah' ay nangangahulugan na ang isang Muslim ay nagsisimula sa kanyang pagbibigkas na humihingi ng tulong mula sa Allah. Ang Allah ay Siyang Diyos ng sangkatuhan na natatanging karapatdapat sambahin. Walang sinuman na maaring pangalananan ng pangalang 'Allah.' Ang Allah Ang Pinaka-Mahabagin (ar-Rahman) na Panginoon na ang habag ay sumasaklaw sa lahat ng mga nilikha. Siya rin ang Pinaka-Maawain (ar-Raheem) sa mga sumasamba sa Kanya.

الْحَمْدُ للّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ

2. Alhamdu lillahi rabbil Aalameen

Ang Pagpuri (na angkop sa kadakilaan ng Allah) ay tanging sa Allah lamang, Ang Panginoon ng mga Sanlibutan

Tanging ang Allah lamang ang nararapat na purihin dahil sa kasakdalan ng Kanyang mga katangian, mga materyal na ipinagkaloob, at mga pagpapalang pangkaluluwa. Samakatuwid, dapat lamang na Siya ay purihin ng mga tao sa lahat na ibinigay Niya sa kanila. Siya lamang ang nararapat dito. Siya ang Panginoon ng mga sanlibutan, ibig sabihin nilikha Niya ang lahat ng bagay na umiiral, pinanatili ito sa bawat sandali. Siya ang Panginoon na nagbubusog at nagpapalakas sa mga tagapagsamba na may pananampalataya at mabubuting gawa.

الرَّحْمـنِ الرَّحِيمِ

3. Ar rahmaanir raheem

Ang Pinakamahabagin sa lahat, Ang Pinakamaawain sa mga sumasamba sa Kanya,

‘Ang Pinakamahabagin’ (Al-Rahman) at ‘Ang Pinakamaawain’ (ar-Raheem) ay dalawa sa mga maraming pangalan ng Allah.

مَالِكِ يَوْمِ الدِّينِ

4. Maliki yawmid deen

Ang Hari sa Araw ng Paghuhukom.

Ang Allah lamang ang tanging Hari sa Araw ng Paghuhukom, sa Araw na ang lahat ng mga tao ay hahatolan ng gantimpala o kaparusahan para sa kanilang mga nagawa. Ang pagbigkas sa talatang ito sa bawat rak'ah ng pagdarasal ay patuloy na nagpapaalala sa isang Muslim ng darating na Paghuhukom, at hinihikayat siyang gumawa ng mabuti at lumayo sa mga kasalanan.

إِيَّاكَ نَعْبُدُ وإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ

5. Iyyaka naabudu wa-iyyaka nasta-een

Tanging Ikaw lamang ang aming sinasamba at tanging Saiyo lamang kami humihingi ng tulong.

Tanging Saiyo lamang kami sumasamba at tanging Ikaw lamang ang aming hihingian ng tulong sa lahat ng aming mga ginagawa. Lahat ay nasa Inyong mga kamay. Ang talata na ito ay nagsasabi na hindi maaari para sa isang Muslim na kanyang idirekta ang anumang uri ng pagsamba, tulad ng pagdarasal at paghiling ng higit sa karaniwang tulong sa sinuman maliban kay Allah. Ang talata ay nagkokonekta sa puso kay Allah at nagpapadalisay nito laban sa pagiging mapagmataas at pagnanais na purihin ng iba.

اهدِنَــــا الصِّرَاطَ المُستَقِيمَ

6. Ih dinas siratal mustaqeem

Patnubayan Mo po kami patungo sa Matuwid na Landas

Patnubayan Mo po kami at ipakita sa amin ang matuwid na landas at gawing madali para sa amin. Patatagin Mo po kami hanggang sa makatagpo Ka namin. Ang 'Matuwid na Landas' ay ang Islam, ang malinaw na daan patungo sa tunay na Kaligayahan at Harden sa Kabilang-buhay na ipinamalas ni Muhammad, ang huli at pangwakas na propeta ng Diyos. Ang isang tagapagsamba o mananampalataya ni Allah ay hindi maaaring maging masaya at maunlad maliban sa pamamagitan ng pagsunod nito.

صِرَاطَ الَّذِينَ أَنعَمتَ عَلَيهِمْ غَيرِ المَغضُوبِ عَلَيهِمْ وَلاَ الضَّالِّينَ

7. Siratal latheena an Amta Alayhim ghayril maghdoobi alayhim walad daalleen

Ang landas ng mga ginawaran Mo ng Iyong biyaya, hindi sa landas ng mga umaani ng Iyong galit at hindi rin sa landas ng mga naliligaw.

Ang landas na sinunod ng mga pinagpala - mga propeta, mga matapat, mga martir, at mga matuwid. Sila ang mga tunay na ginagabayan. Huwag mo po kaming ihanay sa mga sumunod sa landas ng dalawa. Una, yaong mga umani ng pagkapoot ng Diyos dahil alam nila ang katotohanan ngunit kabaliktaran ang kanilang ginawa, at iyon ang halimbawa ng mga Hudyo at sinumang katulad nila. Pangalawa, huwag mo po kaming ihanay sa mga sumunod sa landas ng mga naligaw sa kanilang daan at hindi napatnubayan, at iyan ang halimbawa ng mga Kristiyano at sinumang katulad nila. Ito ay isang panalangin mula sa isang Muslim upang linisin ang kanyang puso mula sa pagkasutil, kamang-mangan, at pagkaligaw. Ipinakikita rin ng talatang ito na ang Islam ang siyang pinakamalaking biyaya ng Diyos. Ang mga nakakaalam ng daan at lumakad dito ay ginabayan, sila ang mga propeta, at walang alinlangan na ang sumunod sa kanila ay ang mga kasamahan ni Propeta Muhammad. Naitagubilin na sabihin ang 'Ameen' pagkatapos ng pagbigkas ng Surah al-Fatiha sa pagdarasal. Ang 'Ameen' ay nangangahulugang 'O Allah, tanggapin po ninyo.’



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Simpleng Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.