Naglo-load...

Pagpapanatili ng Sunnah (Bahagi 2 ng 4)

Marka:

Deskripsyon: Pambungad sa kalipunan ng hadith, ang pagpapanatili at paghahatid nito. Bahagi 2: Mga Kasamahang nagpanatili ng Sunnah at ang pagsusulat ng hadith sa kapanahunan ng Propeta.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 96 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,148 (pang-araw-araw na average: 2)


Kinakailangan

·Gabay ng mga Baguhan sa Hadith at Sunnah.

Mga Layunin

·Kilalanin sina Abu Hurairah, Aisha, ‘Abdullah ibn ‘Umar and ‘Abdullah ibn ‘Abbas ang mga pangunaging kasamahan na nagpanatili ng Sunnah ng Propeta.

·Unawain na ang hadith ay pinanatili sa panulat noong unang araw ng Islam bilang karagdagan sa pagmememorya nito.

Mga Terminong Arabik

·Sunnah- ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.

·Hadith - (plural – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan. Samakatuwid ang Sunnah ay kinikilala bilang madaliang patnubay sa mga usaping pangrelihiyon noong kapanahunan ng Propeta. Itinuro niya ang Sunnah sa tatlong pamamaraan:

Mga Kasamahan na Nagpanatili ng Sunnah

Ang lahat ng Kasamahan ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay walang pagkakataon o interes sa pagananais na mapanatili ang Sunnah. Lahat ay kailangang magtrabaho para sa kanilang ikabubuhay, samantalang ang pagtatanggol sa komunidad ng Muslim laban sa lumalaking posibilidad ay nagbigay ng karagdagang pasanin sa karamihan sa kanila. Gayunpaman, mayroong grupo ng mga kasamahan na kilala bilang Ashab-us-Suffa na mga nakatira sa Moske, at silang mga natatangi at nakahanda para sa pagtuturo ng relihiyon sa mga tribo sa labas ng Medina. Pinakakilala sa kanila ay si Abu Hurairah na anuman ang mangyari ay palaging nakatabi sa Propeta, at kabisado anuman ang mga sinabi o nagawa ng Propeta. Ang kanyang mga pagsisiskap ay nakatuon sa pangangalaga ng hadith. Siya mismo ay naiulat na nagsabi minsan:

“Sinasabi ninyo na si Abu Hurairah ay lumalabis ang paglalahad ng hadith mula sa Propeta, at sinasabi ninyo, Papaanong ang isang Muhajirin (dayo) at ang Ansar (mga tumulong) ay hindi makapagsaysay ng hadith mula sa Propeta na gaya ni Abu Hurairah. Ito ay sa katotohananag ang ating mga kapatirang dayo ay nakatuon sa pakikipagnegosyo sa palengke, samantalang ako ay nanatili at pinapakain ng Propeta, kayat ako ay naroroon habang kayo ay wala at natandaan ko ang anuman sa kanilang nakalimutan. Ang ating mga kapatid mula sa mga Tumulong ay abala sa kanilang mga lupain, at ako ay isang aba mula sa mga mahihirap na naninirahan sa Suffa, kaya't napanatili ko sa aking memorya ang anuman sa kanilang nakalimutan.” (Saheeh Al-Bukhari)

Si Aisha, ang asawa ng Propeta, ay isa rin sa mga pangunahing tagapagpanatili ng Sunnah ng Propeta, lalo na ang buhay-pamilya ng Propeta. Mayroon siyang matalas na memorya, at bilang karagdagan ay biniyayaan ng malinaw na pagunawa. Mayroong ulat tungkol sa kanya na kung saan “wala siyang narinig na anumang bagay na hindi niya inunawa at tinanong ng paulit-ulit.”[1] Sa madaling salita, hindi niya pinaniniwalaan ang anuman hanggat hindi siya ganap na nasisiyahan.

Sina ‘Abdullah ibn ‘Umar at ‘Abdullah ibn ‘Abbas ay dalawa sa mga kasamahan na may natatanging pagtutuon sa pagpapanatili at paghahatid ng kaalaman sa Quran at ng hadith, gaya rin ni ‘Abdullah ibn ‘Amr na may likas na ugali sa pagsusulat ng mga kasabihan ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Bukod sa mga piling nakatuon sa gawaing ito, bawat isa sa mga kasamahan ng Propeta ay sinikap na mapanatili ang ganitong mga salita at gawa na dumating sa kanyang kaalaman. Si ‘Umar ay nakipagkasundo sa kanyang kapit-bahay upang makasama ang Propeta sa magkahaliling mga araw, upang makapag-ulat ang isa sa iba kung ano ang nangyari habang sila ay wala.

Ang Pagsusulat ng Hadith sa Kapanahunan ng Propeta

Ang paniniwala ng marami tungkol sa hadith na hindi naisulat hanggang matapos ang dalawang daang taon pagkatapos ng Propeta ay walang katotohanan. Isang malaking pagkakamali na isipin na ang buong hadith ng Propeta ay nanatiling sinasambit lamang hanggang sa ito ay naisulat ilang dekada ang nakaraan. Ang pagpapanatili ng mga gawi at kasabihan ng Propeta ay hindi maaaring makaligtaan ng mga Muslim. Ang mga kasamahan ng Propeta, habang isinasagawa ang karamihan sa kanyang mga kasabihan ay isinusulat rin bilang karagdagan sa pagsasaulo nito. Batid nila ang katotohanan na ang kanyang Sunnah ay dapat mapangalagaan para sa mga susunod na henerasyon. Kung kaya't hindi lamang nila ito pinanatili sa memorya ngunit isinulat rin kapagdaka. Dalawa sa mga halimbawa na tinalakay nang una ay ang kay Sahifah of Hummam ibn Munabbih at ang kay As-Sahifah As-Sadiqah.

Isinalaysay sa atin ni Abu Hurairah na ang isa sa mga Ansar ay dumaing sa Propeta sa kanyang kawalang kakayahan na mapanatili sa kanyang memorya ang kanyang mga narinig sa kanya, ang itinugon ng Propeta ay dapat niyang hanapin ang tulong ng kanyang kanang kamay, na ang ibig sabihin ay, dapat niya itong isulat.

Isa pa sa mga bantog na ulat ay mula kay ‘Abdullah ibn ‘Amr: “Isinusulat ko ang lahat ng aking narinig mula sa Propeta, sa pagnanais na matandaan ito. (habang ang iba ay tumututol dito) kinausap ko ang Propeta, na nagsabi:

”Isulat mo, sapagkat katotohanan lamang ang sinasabi ko”[2]

Sa taon ng pagsakop sa Mecca, ang Propeta ay nagbigay ng sermon sa okasyon ng isang lalaking napatay dahil sa matagal nang alitan. Pagkatapos ng sermon, isang lalaki mula sa Yemen ay pumunta sa harapan at humiling sa Propeta na maisulat ito para sa kanya, at ipinagutos naman ito ng Propeta.[3]

topic



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari #???

[2] Abu Daud #???

[3] Saheeh Al-Bukhari #???

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagpapanatili ng Sunnah (Bahagi 2 ng 4)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.