Naglo-load...

Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal

Marka:

Deskripsyon: Islamikong batas hinggil sa espesyal na pagdarasal na kailangang tugunan o maisagawa upang ang espesyal na pagdarasal ay maging wasto o mas mapaganda.

Ni NewMuslims.com

Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 282 - Nag-email: 0 - Nakakita: 21,111 (pang-araw-araw na average: 9)


Mga Paunang Kinakailangan

·Paraan ng Pagdarasal para sa Bagong-yakap (2 bahagi)

Mga Layunin

·Matutunan ang naisalarawang 2, 3 at 4 na mga yunit (raka'ah) ng pagdarasal (salah)

·Mamemorya ang mga pinaka-mahalagang salita na binabanggit sa pagdarasal (salah)

Terminolohiyang Arabik

·Salah - ay salitang Arabik na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang mananampalataya at ng Allah. Mas partikular, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang araw-araw na espesyal na pagdarasal at ito ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.

·Raka'ah - yunit ng espesyal na pagdarasal.

·Qiblah - ang direksyon kung saan humaharap kapag nagdarasal.

·Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha – ang mga katawagan ng limang pang-araw-araw na espesyal na pagdarasal sa Islam.

·Tashah'hud – ang pagbigkas ng “At-tahiy-yatu lil-lahi…. Muhammadan 'abduhu wa rasuluh.” habang nasa posisyong nakaupo sa pagdarasal.

·Takbir – ang pagbigkas ng “Allahu Akbar”.

·Fatihah – ang pambungad na kabanata sa Quran na binibigkas sa lahat ng raka'ah ng pagdarasal.

Ang Pagdarasal

Inatasan tayo ng Propeta na:

“Isagawa ninyo ang pagdarasal tulad ng kung paano niyo ako nakitang nag-dasal" (Saheeh Al-Bukhari)

Ang mga sumusunod ay mga simpleng hakbang sa pagsasagawa ng espesyal na pagdarasal para sa mga baguhan. Mas matutunan mo pa ito kalaunan.

Posible mo ring kakitaan ang mga Muslim ng mumunting pagkakaiba sa pagsasagawa nila ng pagdarasal. Wala kang dapat na ipag-alala. Wag mo munang pagtuunan ng pansin ang mga maliliit na bagay. Una munang alamin ang mga mahahalagang bagay tulad ng inalahad dito..

Pagsasalarawan ng 2 yunit na pagdarasal (tulad ng dasal sa Fajr)

1. Tumayo ng tuwid

·Tumayo ng tuwid na nakaharap sa qiblah (direksyon ng pagdarasal)

2. Ang Pambungad na Takbir (pagbanggit ng Allahu Akbar)

·Itaas ang dalawang kamay hanggang sa pingol ng tainga o balikat at banggitin ang:

Allahu akbar
‘Ang Allah ang Pinaka-dakila"’

Prayer_for_Beginners_(Part_2_of_2)._001.jpg

Larawan 1

·Ilagay ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay at ipatong ito pareho sa dibdib.

·Huwag tumingin kung saan-saan. Panatilihin ang mga mata na nakatingin sa lugar kung saan ikaw ay magpapatirapa.

Prayer_for_Beginners_(Part_2_of_2)._002.jpg

Larawan 2

3. Pagpapakupkop sa Allah mula kay Satanas

·Banggitin:

A'udhu billahi minash-shaytaanir-rajeem
‘Ako ay nagpapakupkop sa Allah mula sa isinumpang demonyo'

4. Banggitin ang Surah al-Fatihah,

Simulan sa pagbanggit ng:

Bismilla-hir-rahma-nir-raheem
‘Sa ngalan ng Allah, Ang Pinaka-Mahabagin ang Pinaka-Nagbibigay awa.'

· Banggitin ang Surah al-Fatihah.

Alhamdu lil-lahi rab-bil 'alameen
‘Ang papuri ay tanging sa Allah lamang, Panginoon ng lahat ng mgaSanlibutan.

Ar-rahma-nir-raheem
Ang Pinaka-Mahabagin, ang Pinaka-Maawain

Maliki yawmid-deen
Ang Hari sa araw ng Paghuhukom

Iyyaka na'budu wa iyyaka nasta'een
Ikaw lamang ang aming sinasamba, at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong

Ihdinas-siratal mostaqeem
Patnubayan Mo po kami sa tuwid na landas

Siratal-lazeena an'amta 'alayhim
Landas ng mga biniyayaan Mo

ghayril maghdubi 'alayhim
Hindi landas ng mga kinagalitan Mo

wa-lad-daa-leen
o nilang mga naligaw.’

·Pagkatapos, banggitin ang:

Aameen
Tanggapin Mo po, O Allah.

5. Pag-yuko

·Itaas ang mga kamay hanggang sa pingol ng tainga o balikat (tulad ng sa ika-2, Ang Pambungad na Takbeer) at banggitin ang:

Allahu akbar
‘Ang Allah Ang Pinaka-dakila.’

·Yumuko ng tulad ng nasa larawan habang pinapanatiling tuwid ang likod, at ulitin ng tatlong beses sa mahinang tinig:

Subhana rabbi-yal-'azeem
‘Perpekto ang aking Panginoon, Lubos na Pinaka-Dakila!’

Prayer_for_Beginners_(Part_2_of_2)._003.jpg

Larawan 3

6. Pagtayo mula sa pagkakayuko

·Tulad ng nasa larawan, tumayong tuwid mula sa pagkakayuko hanggang sa makabalik sa tuwid na pagkakatayo.

·Habang tumatayo mula sa pagkakayuko ay muling itaas ang mga kamay hanggang sa pingol ng tainga o balikat at banggitin ang:

Sami' allahu liman hamidah
‘Ang Allah ay Nakikinig sa sinumang nagpupuri sa Kanya'

·Pagkatapos, banggitin ang:

Rab-bana wa lakal hamd
'Aming Panginoon, at sa Iyo ang lahat ng Papuri'

Prayer_for_Beginners_(Part_2_of_2)._004.jpg

Larawan 4

7. Unang Pagpapatirapa

·Yumuko tungo sa sahig para magpatirapa. At habang yumuyuko ay banggitin ang:

Allahu akbar
‘Ang Allah ang Pinaka-Dakila’

·Sa pagpapatirapa ay dapat na nakalapat sa lupa ang noo, tungki ng ilong, mga kamay, mga tuhod, at daliri ng paa. Maaring sa umpisa ay hindi ito masyadong komportable, depende sa pakikibagay ng katawan ng tao. Makakasanayan din ito pagdating ng panahon. Tandaan na tayo ay pinaka-malapit sa Allah sa panahon na tayo ay nagpapatirapa.

·Sa mahinang tinig, ulitin ng tatlong beses ang:

Subhana rabbi-yal-a'laa
‘Perpekto ang aking Panginoon, Ang Pinaka Kataas-taasan.’

Prayer_for_Beginners_(Part_2_of_2)._005.jpg

Larawan 5

8. Pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa

·Matapos ay umupo mula sa unang pagpapatirapa. Umupo sa komportableng posisyon. Habang umuupo mula sa pagpapatirapa, banggitin ang:

Allahu akbar
‘Ang Allah Ang Pinaka-dakila.’

·Uliting banggitin habang nasa posisyon ng pagkakaupo sa pagitan ng una at ikalawang pagpapatirapa:

Rab-bigh-fir lee
‘Panginoon ko, patawarin Mo ako.’

Prayer_for_Beginners_(Part_2_of_2)._006.jpg

Larawan 6

9. Pangalawang pagpapatirapa

·Muling bumalik sa posisyon ng pagpapatirapa. Habang bumababa patungo sa pagpapatirapa, banggitin ang:

Allahu akbar
‘Ang Allah Ang Pinaka-dakila.’’

·Gawin ang pagpapatirapa na ito tulad ng sa una. Banggitin ng tatlong beses sa mahinang tinig:

Subhana rabbi-yal-a'laa
‘Perpekto ang aking Panginoon, Ang Pinaka-Kataastaasan.’

·Ang ika-4 hanggang ika-9 na pagkilos ay tinatawag na isang yunit o raka'ah sa terminolohiyang Arabik

10. Sunod na yunit ng pagdarasal (raka'ah)

·Tumayo muli ng tuwid para sa ikalawang yunit ng pagdarasal. Habang tumatayo banggitin ang:

Allahu akbar
‘Ang Allah ang Pinaka-Dakila.’

·Ulitin ang ika-4 hanggang ika-9 na hakbang sa pagkilos.

11. Ang Binabasa habang naka-upo (Tashahud)

·Pagkatapos, magtungo sa posisyong naka-upo, at habang umuupo banggitin ang:

Allahu akbar
‘Ang Allah ang Pinaka-Dakila.’

·Habang naka-upo, banggitin ang:
At-tahiy-yat…:

At-tahiy-yatu lil-lahi was-salawatu wat-tayibatu
Ang Pagbati ay kay Allah, at ang Panalangin at ang mga Mabubuting Salita

As-salamu 'alika ay-yuhan-nabiy-yu wa rahmatullahi wa barakatuh
Ang Kapayapaan ay mapasayo O Propeta, at ang habag ng Allah at Kanyang biyaya

As-salamu 'alayna wa 'ala 'ibadil-la-his-saliheen
Ang Kapayapaan ay mapasa-atin at mapasa mga matutuwid na alipin ng Allah

Ash-hadu al-la ilaha il-lal-laah
Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin maliban sa Allah

wa ash-hadu an-na Muhammadan 'abduhu wa rasuluh
at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo

12. Ang Binabasa habang naka-upo(sa huling pag-upo)

·Habang naka-upo patuloy na banggitin ang:

Allah humma sal-li 'ala Muhammad:

Allah humma sal-li 'ala Muhammad
‘O Allah! Igawad mo ang mga panalangin para kay Muhammad

wa 'ala aali Muhammad
at sa pamilya ni Muhammad

Kama sal-layta 'ala Ibraheem
katulad ng pag-gawad mo ng panalangin para kay Abraham

wa 'ala aali Ibraheem
at sa pamilya ni Abraham

innaka hameedum-majeed
Tunay na Ikaw ang Pinaka-Kapuripuri at Pinaka-Maluwalhati

Allah humma barik 'ala Muhammad
‘O Allah! Igawad mo ang pagpapala kay Muhammad

wa 'ala aali Muhammad
at sa pamilya ni Muhammad

Kama barakta 'ala Ibraheem
katulad ng pag-gawad mo ng pagpapala kay Abraham

wa 'ala aali Ibraheem
at sa pamilya ni Abraham

innaka hameedum-majeed
'Tunay na Ikaw ang Pinaka-Kapuripuri at Pinaka-Maluwalhati.’

13. Pagtatapos ng pagdarasal (salah)

·Tapusin ang pagdarasal sa pagpaling ng ulo pa-kanan tapos ay pa-kaliwa, sa bawat pag-paling ay banggitin ang:

As-salamu 'alikum wa rahmatullah
‘Ang kapayapaan at habag ng Allah ay mapasainyo'

Pagsasalarawan ng 3 yunit na Pagdarasal (Magrib)

Sa 3 yunit na pagdarasal, isagawa ang ika-1 hanggang ika-11 na pagkilos, pagkatapos ay tumayong muli at banggitin ang Allahu akbar at ulitin ang ika-4 hanggang ika-9 na pagkilos pagkatapos ay ang ika-11 at ika-13 pagkilos.

Pagsasalarawan sa 4 na yunit na Pagdarasal (gaya sa Dhuhr, Asr at Isha)

Sa 4 na yunit na pagdarasal, isagawa ang ika-1 hanggang ika-11 na pagkilos, pagkatapos ay tumayong muli habang binabanggit ang Allahu akbar at ulitin ang ika-4 hanggang ika-13 pagkilos.

Mga Salitang kailangang I-memorya

Lahat ng mga salitang kinakailangan mong i-memorya para sa pagdarasal ay nilikom para maging madali para sa'yo. Mangyaring paglaanan ng oras at i-memorya ang mga ito. Maari ka ding gumawa ng mga flash cards at gamitin ang mga ito para mabigkas mo ng tama ang mga salita habang nagdarasal.

(1) Sa tuwing magpapalit ng posisyon sa pagdarasal:

Allahu akbar (liban na lamang sa pagtayo mula sa pagkaka-yuko)
‘Ang Allah Ang Pinaka-Dakila'

(2) Pagpapakupkop mula kay Satanas

A'udhu billahi minash-shaytaanir-rajeem
‘Ako ay nagpapakupkop sa Allah mula sa isinumpang demonyo'

(3) Surah al-Fatihah:

Simulan sa pagbanggit ng:

Bisimlla-hir-rahma-nir-raheem
‘Sa ngalan ng Allah, Ang Pinaka-Mahabagin, Ang Pinaka-Maawain.'

Pagkatapos, banggitin ang Surah al-Fatihah:

Alhamdu lil-lahi rab-bil 'alameen

‘Ang papuri ay tanging sa Allah lamang, Panginoon ng lahat na mga Sanlibutan'

Ar-rahma-nir-raheem

Ang Pinaka Mahabagin, ang Pinaka-Maawain

Maliki yawmid-deen

Ang Hari sa araw ng paghuhukom

Iyyaka na'budu wa iyyaka nasta'een
Ikaw lamang ang aming sinasamba, at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong

Ihdinas-siratal mostaqeem

Patnubayan Mo po kami sa tuwid na landas

Siratal-lazeena an'amta 'alayhim

Landas ng mga biniyayaan Mo

ghayril maghdubi 'alayhim
Hindi nilang mga kinagalitan Mo

wa-lad-daa-leen
o nilang mga naligaw.

Pagkatapos banggitin ang Surah ay sabihing:

Aameen
Tanggapin Mo po, O Allah.

(4) Habang nakayuko:

Subhana rabbi-yal-'azeem
‘Perpekto ang aking Panginoong Lubos na Pinaka-Dakila!’

(5) Habang tumatayo mula sa posisyong nakayuko:

Sami' Allahu liman hamidah
‘Ang Allah ay Nakikinig sa sinumang nagpupuri sa Kanya'

(6) Kapag nakatayo na ng tuwid:

Rab-bana wa lakal hamd
'Aming Panginoon, at sa Iyo ang lahat ng Papuri'

(7) Habang nagpapatirapa:

Subhana rabbi-yal-a'laa
‘Perpekto ang aking Panginoon, Ang Pinaka-Kataastaasan.’

(8) Sa posisyong nakaupo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa:

Rab-bigh-fir lee
‘Panginoon ko, patawarin Mo ako.’

(9) Habang nakaupo pagkatapos ng pangalawa, pangatlo at pang-apat na yunit (raka'ah), ay sabihin ang At-tahiy-yat…:

At-tahiy-yatu lil-lahi was-salawatu wat-tayibatu
Ang Pagbati ay kay ALLAH, at ang Panalangin at ang mga Mabubuting Salita

As-Salamu 'alika ay-yuhan-nabiy-yu wa rahmatullahi wa barakatuh
Ang Kapayapaan ay mapasayo O Propeta, at ang habag ng ALLAH at Kanyang biyaya.

As salamu 'alayna wa 'ala 'ibadil-la-his-saliheen
Ang Kapayapaan ay mapasa-atin at mapasa mga matutuwid na alipin ng Allah.

Ash-hadu al-la ilaha il-lal-laah
Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin maliban sa Allah

wa ash-hadu an-na Muhammadan 'abduhu wa rasuluh
at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo.

(10) Karagdagang salita na binabanggit sa huling yunit (raka'ah) ng pagdarasal,
Allah humma sal-li 'ala Muhammad:

Allah humma sal-li 'ala Muhammad
‘O Allah! Igawad mo ang mga panalangin para kay Muhammad

wa 'ala aali Muhammad

at sa pamilya ni Muhammad

Kama sal-layta 'ala Ibraheem
katulad ng pag-gawad mo ng panalangin para kay Abraham

wa 'ala aali Ibraheem

at sa pamilya ni Abraham

innaka hameedum-majeed

Tunay na Ikaw ang Pinaka-Kapuripuri at Pinaka-Maluwalhati

Allah humma barik 'ala Muhammad

‘O Allah! Igawad mo ang pagpapala kay Muhammad

wa 'ala aali Muhammad

at sa pamilya ni Muhammad

Kama barakta 'ala Ibraheem

katulad ng pag-gawad mo ng pagpapala kay Abraham

wa 'ala aali Ibraheem

at sa pamilya ni Abraham

innaka hameedum-majeed

'Tunay na Ikaw ang Pinaka-Kapuripuri at Pinaka-Maluwalhati.’

(11) To conclude salah:

As-salamu 'alikum wa rahmatullah
‘Ang kapayapaan at habag ng Allah ay mapasainyo'

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.